Chapter 15: Jealousy

7 1 0
                                    

<Jacob>

<His Room >

<6 PM>

Nagpahanda ako kay Manang Rosa ng makakain. Sure hell napagod ako ng araw na ito. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Leah. Kamusta na kaya ito? Gusto ko siyang kausapin kanina matapos ang Qualifying Round ngunit nagmamadali itong lumalabas ng Square, humahangos ito at namumugto ang mga mata. Hahabulin ko sana siya ngunit napahinto ako ng makita ang isang pamilyar na mukha. Nakatingin lamang ito sa akin mula sa isang sulok, ngunit hindi ito lumalapit. 

Sigh.

Sa pagdating niya, mas malabo na kaming makapag-usap pa ni Leah.

"I guess this is it for us.", iniyukyok ko ang ulo ko sa mesa. I am just damn tired, physically, mentally, and emotionally. Dumating si Manang Rosa dala-dala ang tray na puno ng pagkain. Inihanda na niya ito sa aking harapan,

"Tara Manang, saluhan mo na ako.", aya ko dito. Ngumiti ito at tumango. Napakatahimik ng aming bahay. Nagdaan ang pasko at bagong taon na wala man lang akong kasama. Ang ibang mga kasambahay kasi ay nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya. Tanging si Manang Rosa lang ang nanatili upang damayan ako sa malaki ngunit napakalungkot na bahay na ito.

"Tila baga kay lalim ng iyong iniisip Hijo." pamumuna sa akin nito, "May bumabagabag ba sa iyo?"

Ngumiti lang ako, "Manang, ang sarap ng luto niyo. Sigurado nami-miss na ito nila Mommy at Daddy. Bakit kasi hindi ka sumama sa kanila ng inoffer nila na dalhin ka sa New Zealand?" tanong ko dito.

Naupo ito sa tabi ko at sumubo muna bago sumagot, "Naku hijo, ang edad ko ay hindi na para doon, at isa pa hindi ko naman kayang iwanan ang pamilya ko dito sa Pilipnas." at bumalik ito sa pagkain.  Sa pagkakaalam ko ay walang asawa o anak si Manang Rosa, tanging ang batang inampon niya ang nag-iisa nitong kamag-anak. 

"Oo nga pala, kamusta na pala si Robert?"

"Naku, hayaan mo ang batang iyon at hindi pa rin natututong magseryoso sa buhay." inis na sabi nito. "At saka, hindi lamang si Robert ang pamilya ko Hijo, ikaw rin ay para ko ng anak. Hindi kita kayang iwanan sa malaking bahay na ito." sabay hawak sa balikat ko.

Natigilan ako sa sinabi niya, nais tumulo ng luha ko ngunit hindi naman ako palaiyak kaya pilit kong inimpit ang mga hikbi ko at nag patuloy sa pagkain.

"Salamat Manang, I don't know how would I stay alive if weren't for you. Simula noon hanggang ngayon nandito ka padin sa tabi ko." sabi ko dito.

"Naku, nung magsipag-asawa palang ang Mommy at Daddy mo, at noong unang masilayan ko palang kayo ni Jac...." putol nito, "kayong mga bata, alam kong kayo na ang buhay ko."

Hindi mapigilan mag-iba ng mukha ko, hindi ako galit ngunit hanggang maaari ay gusto kong hindi na balikan  ang mga oras na iyon. Napansin ito ni Manang, "Naku Hijo, pasensya ka na sa katabilan ng aking dila." paumanhin nito.

"It's okay Manang, if it's you, okay lang. Alam mo naman ang lahat." at nagpatuloy ako sa pagkain. 

Naunang matapos si Manang Rosa at nagsabi siya na antayin ko siya dahil may kukuhanin lamang siya sa kusina. Pagbalik nito ay mayroon itong bitbit na kumikinang na bagay at may red na ribbon.

Nakangiti niya itong iniabot sa akin, "Merry Christmas, Hijo!"

"Happy New Year na rin!" habol pa nito.

Parang may kirot sa puso ko ng dahil sa kasiyahan. She never fails to give me gifts, kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya ng mahigpit, "Thank you so much, Manang Rosalita."

Dali-dali kong tinapos ang aking pagkain, at masayang inaya siya, "Tara Manang, let's go shopping."

"Ngayon na?" Tanong nito, "Marami pa akong gagawin hijo at hindi ba masyado ng hapon para diyan?" reklamo nito.

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon