Chapter 5: In My Dreams, You're a Superb Being

110 2 2
                                    

(Leah and her Freakin Imagination)

>At Leah's Room<

<December 9, 2011 -- Friday 6:00pm>

Hindi ko namalayan na napahaba pala ang litanya ko. No wonder na pahikab-hikab na si Jojo sa kalagitnaan ng kwento ko. 6 pm na pala, so I send Jojo home. Pagod narin naman ako. Sa sobrang dami ba naman ng nangyari ngayong araw. Oo Friday ngayon, pero hindi naman Friday the 13th huh? Bakit para atang ang malas malas ko.

Umakyat muna ako sa kwarto ko, at nahiga. Para kasing tinatawag ako ng kama ko. Makatulog na nga habang tahimik pa ang bahay na ito.

<In Her Dreams>

"Leah..." ayan na naman siya. Nandyan na naman ang tinig ng lalaking ito. Infairness dati boses lang ngayon may image na.

"Ay palaka..." napasigaw ako, may bigla kasing humawak sa balikat ko, paglingon ko.

"Hindi ata bagay sa akin ang palaka... Frog Prince pwede pa" , aniya sabay ngiti at akbay sa akin

Kilig much naman ako sa loob loob ko, "Ito ang Jacob Ynares na kilala ko", wari ko sa sarili ko.

At nagtungo kami sa isang pamilyar na lugar.

"Teka, teka sa school ito ah", pagtataka ko.

"Yep. May pupuntahan tayo", aya niya sakin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Ang sarap sa pakiramdam ng mga oras na ito, tila napawi lahat ng pagod ko. Sana totoo ka nalang..

Bigla akong nalungkot at napatigil ako sa paglalakad.

"Sana ganyan ka din sa totoo, ibang klase kasi ang imagination ko, beyond reality ang drama", mahina kong sabi.

Nakatingin lamang siya sa akin, nakikinig, at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng isang classroom.

Napangiti ako. Ito kasi yung classroom kung saan nagkasama kami ni Jacob, yung totoong Jacob huh!" inis kong sabi. Naramdaman kong kumunot yung noo ko, "Yung masamang Jacob", paglilinaw ko pa.

"Is there something wrong?" tanong ni Imaginary Jacob.

"Ah! Just don't mind me. Saan ba tayo pupunta?"  tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya sumagot. He just lead the way. Ako naman sumunod lang.

Since it's just a dream, biglang palit ang eksena.

Ngayon naman nandito kami sa cafeteria.

Nakapila sa counter, siguro lunch break punung-puno kasi ang cafeteria.

"Do you want ham sandwich?" wika ng malamig na tinig ni Jacob.

"Huh? Ah eh...busog pa kasi ako..." since panaginip lang ito, as if makakain ako di ba.

"Alright..." sagot niya, "I'll have those, Manang", baling niya sa nagse-serve sabay turo sa ham sandwich.

Ang weird noh? Palaisipan ba sa inyo kung paano ko nako-control ang panaginip ko? Hindi dahil sa may super powers ako or anything huh. Mamaya ko nalang ipapaliwanag sa inyo.

Back to the scene tayo.

Naupo ako at siya naman sa kabilang side. Nagsimula siyang kumain habang umiikot ang mata ko sa paligid. Nagbabaka sakali kasi ako na may pamilyar na mukha, pero bigo ako, wala akong nakita ni isang kakilala.

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon