(Jacob and his annoying attitude)
>Inside the Classroom<
<the same day 10:00am>
"Tsssk... Anong problema ng babaeng ito? parang kakainin ako kung makatitig. Akala mo nasa kawalan" wari ko sa sarili ko, nang isang babae ang nahuli kong nakatitig sa akin habang ako ay nakadukdok sa armchair while waiting for the proctor.
Nakakainis, sino ba siya sa akala niya para tignan ang gwapo kong mukha for free. Kulang nalang tumulo ang laway niya.
"Gusto mo ng panyo? Baka kasi hindi mo mapigilan ang laway mo sa pagtulo", pamumuna ko sakanya...
Napansin kong nainis siya sa sinabi ko, pero nangingibabaw pa rin siguro ang hiya niya sa sarili. Sino ba naman kasi ang hindi tatablan ng hiya sa ginawa niya, "Kababae pa naman niyang tao." Nahuli ko pa siya, namumula ang pisngi niya at hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang mukha niya.
Sa bagay, hindi na masama, cute naman siya, "May x-factor", aniya ko pa sa sarili. Mayroon siyang sinasabi pero hindi ko maintindihan kung ano, nag-eenjoy kasi akong pagmasdan ang ninenerbyos niyang mukha. Napansin kong unti-unti siyang tumayo, "Teka teka tatakas ka? Hindi ako makakapayag, kailangan pagbayaran mo ang ginawa mo".
"Saan ka pupunta? Sa tingin mo ba palalagpasin ko ang ginawa mo babae..." pananakot ko sa kanya, saka ako biglang tumayo.
"PPpp....." ang hirap magpigil ng tawa. Kung makikita niyo lang ang mukha niya nung sinabi ko iyon, para siyang iiyak. Nakakatawa talaga, pero teka dapat hindi ako magpahalata.
"Ahh... ano... kasi... ano kasi..." sambit niya, animo'y naghahanap ng tamang salita habang nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa laylayan ng blouse niya.
Tumitig ako sakanya ng masama, "Ayos...natakot siya... Mas lalo umaayos ang itsura niya kapag ganito", sabi ko sa sarili ko. Naghalukipkip din ako at tumayo ng tuwid para makatotohanan... "Ahhh... hanggang balikat ko lang pala siya."
Nakikita kong lumiligid ligid ang kanyang mga maniningning ngunit naluluhang mga mata, marahil ay naghahanap siya ng bagay na maaaring mapagbalingan ng aking atensyon. "Sorry nalang siya, dahil sa mga oras na ito sa kanya lang naka-focus ang aking isipan, sa kanyang mukha at maliit na katawan", pagtitibay ko.
Maya-maya'y ibinuka niya ang kanyang manipis at maliit na labi, "Ahhmm... ako nga pala si Leah..." sabay abot ng kanyang kanang kamay.
Hindi ko alam bakit wala akong ginawa, i just stared at her hanggang sa ibaba niya ang kanyang kamay.
"Yes I know, kabastusan ang ginawa ko, pero ano naman? Kilala naman akong suplado on the first place", pagtatanggol ko sa aking sarili.
Iniyuko niya ang kanyang ulo, inikom ang kamay na iniabot sa akin kanina, at walang imik na naglakad papunta sa kabilang side ng classroom.
At the back of my mind, gusto kong mag-sorry sakanya, pero bakit ba, she's just a stranger, it's her fault anyway. Umupo nalang ulit ako at nag-antay mag-11 am.
Tik...tok...
Tik...tok...
Tumingin ako sa relo, "Tsss, 10:30 palang?" I can't take this anymore. hindi ko kasi kayang tumagal sa isang lugar ng nakaupo lang, "I feel so bored."
Nilingon ko ang side kung saan nakaupo iyong babae, what was her name again? Hmm... Never mind... Tumayo ako at nag-stretch ng bahagya...
Tinawag ko siya, "Hoy babae!" ngunit hindi niya ako pinansin. Sabagay sino ba naman ang papansin pa sa akin matapos ang nangyari kanina. Kaya ipinagpatuloy ko nalang ang pagsasalita... "Hoy bingi ka ba? Kapag dumating iyong matandang proctor sabihin mo kumain lang ako sandali. May 30 mins pa naman ako right? At isa pa, hindi ko matagalan na tayo lang dalawa ang nandito. Nakikinig ka ba sa akin?"

BINABASA MO ANG
My Imaginary You -- (I'm In Love With)
Short Storywhat if, it's all going in your head? that the kind of person you love does not exist AT ALL? what if, all the details about him/her are just thoughts created by your own imagination? can you still be able to distinguish the difference between image...