Chapter 9: Confusion

77 4 0
                                    

good day readers...

itong chapter po na ito ay may mga eksena na maaaring magdulot po sa inyo ng confusion...

huwag pohng mag-alala dahil ang mga tanong na iyon ay masasagot sa mga susunod na Chapter...

enjoy reading...

God bless us...

sa side po picture ng Sala nila Jacob

************************************************************************************************************

(Jacob and his Wavering Feeling)

<December 15, 2011 --Thursday>

>Inside the Car -- 2:00pm<

"Bakit ko ba kasi nagawa iyon?" 

Hindi ako makapag-focus sa pagda-drive. I need a break. Ang alam ko bago pumasok ng subdivision namin may madadaanan munang Caltex, doon nalang ako bibili.

Binilisan ko ang pagpapatakbo kaya narating namin agad ang Caltex.

"May I?" nagpaalam muna ako sa kanila.

Bumaba rin si Jojo. Nagpunta naman siya sa restroom habang si Leah nasa kotse lang. Malaya ko siyang napagmamasdan sa pwesto ko. Wala siyang imik. Matiyaga lang siyang nag-aantay sa amin.

Maya-maya pa'y tumabi sa akin si Leah. 

"You mind?" tanong niya.

"Nagyoyosi ka pala?" dagdag pa nito.

"Hindi naman madalas, kapag stress lang ako." paliwanag ko.

"Wait lang ha..." pakiusap nito, at lumapit siya kay Leah.

Siguro inalok niya din si Leah? O kaya naman ay nagpaalam lang ito. Bumalik ulit siya sa pwesto namin at saka palang nakisindi.

"Nag-smoke din ba si Leah?" tanong lang naman ito. Gusto ko lang malaman.

"Minsan" matipid na sagot niya. Hindi naman mahirap makasundo si Jojo. Hindi kasi siya matanong, hindi katulad ng ibang babae.

Disappointed ba ako dahil nalaman kong nag-smoke din si Leah? Tsk... ano naman sa akin ngayon?

"Ako naman ang magtatanong ngayon Jacob" biglang sumeryoso ang mukha nito, at tumingin sa akin...

"Alam ko ang word na privacy..." panimula nito, nakinig lamang ako

"pero kung si Leah na ang pag-uusapan, iba na iyon" may halong pagbabanta sa boses niya. Hindi naman ako natinag, nakinig lang ako...

"Anong nangyari kanina? Kahit di magsalita si Leah, I can feel it..." 

"It's just a misunderstanding." simpleng sagot ko naman

"I see" sagot niyang muli at nagpatuloy siya sa kanyang pagyoyosi. Hanga din ako sa ugali niya. She really knows what privacy is. At hindi na siya muling nagtanong pa, kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon upang tanungin siya,

"Sino ba ako kay Leah?" isang simpleng tanong lang iyan but I know na mahabang paliwanagan ito.

She just smiled at me and said, "Ask her."

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon