Leah's room picture on the right side po... enjoy reading
************************************************************************************************************
(Leah and her Annoying Guest)
<December 15, 2011 -- Thursday>
>Leah's Room -- 6:00am<
Himala ito, maaga akong nagising ngayon kahit walang pasok. Nasa mood kasi akong magsulat ngayon. Siguro dahil din ito sa SAC, may napag-usapan naman kami nung nagpunta kami kela Jacob pero di parin namin napagkasunduan yung pinaka concept ng story.
"And dami kong naiisip na concept pero parang wala namang maganda", halos sabunutan ko na ang sarili ko, ganito talaga ako e.
Sniff...
Sniff...
(parang aso lang ah)
Ang bango naman ng niluluto ni mama, gustong-gusto ko talaga ang amoy ng ginigisang bawang at sibuyas. Nakakatakam kasi.
"Makababa nga muna, baka sakaling may maisip ako kapag may laman na ang sikmura ko", kaya iniwan ko munang bukas ang Netbook ko, at nagtungo sa aming kusina.
Thump...
Thump...
Thump...
"Ang aga aga dinig na dinig ko iyang yabag mo Omeng" reklamo ng aking ina sa pag-aakalang ako si Romer a.k.a Omeng, ang nakababata kong kapatid.
Pumunta ako malapit sa kanya at tinignan kung ano ang niluluto niya, "Hmmm (makasinghot ako wagas), ang bango niyan ah, kasama ba iyan sa order sa iyo?" Nagdadala dala kasi si mama ng ulam para sa mga katrabaho niya, dagdag kita din kahit papaano, ang sipag ng mama ko noh.
"Oo, mabuti nga dumadami-dami narin ang kumukuha ng ulam sa akin", pagmamalaki ng mama ko.
The best ang luto ng mama ko, kung mayroon ako pinagmanahan, siya iyon, "Matagal pa ba 'yan? Nagugutom na kasi ako mama."
"Uminom ka muna ng kape, may pandesal din diyan, mainit-init pa naman ang tubig diyan, ipagtimpla mo na rin ako anak", paglalambing ni mama sa akin. "Sige", sagot ko naman at kumuha ako ng mainit na tubig sa thermos at nagtimpla ng masarap na kape.
Umupo ako malapit sa la mesa, uminom ng paunti-unti at kumuha ng 1 pandesal, "Mama heto na kape mo", sabay turo sa kape niya, "Gusto ko din nyan niluluto mo, magtira ka din para tanghalian ko". Sumagot si mama habang nilalagay pa ang ibang sangkap ng kalderetang baboy, "Sige anak, wala ka nga palang pasok ngayon".
"Oh siya maghain ka na, ipagluluto muna kita ng itlog, mamaya ka na kumain ng kaldereta".
7:00 natapos kami ni mama sa pagkain. 7:30 na ako nakaakyat sa kwarto, tinulungan ko muna kasing magbalot si mama ng mga ulam na dadalhin niya.
>Leah's Room -- 7:35am<
Dumaan ako sa kwarto ng kapaid ko, almost 5 minutes ang naubos ko kakagising lang sa kanya, "Palibhasa tulog mantika, mana sa akin", batid ko. Matapos kumain at magtungo sa aking kwarto ay bumalik na ako sa pagsusulat, habang nakikinig ng music.
"Hilig ko din kasi ito kahit ayaw mismo sa akin ng music. Ewan ko ba, walang kahilig hilig sa akin ang kanta at sayaw. Sabagay hindi naman talaga pwede ibuhos sa'yo lahat."
"Ano naman tingin ko dito... PAKYAWAN???" dagdag ko pa. "Makabalik na nga lang sa pagsusulat."
5 bagay lang ang kailangan ko sa pagsusulat
BINABASA MO ANG
My Imaginary You -- (I'm In Love With)
Short Storywhat if, it's all going in your head? that the kind of person you love does not exist AT ALL? what if, all the details about him/her are just thoughts created by your own imagination? can you still be able to distinguish the difference between image...