(^^,) paine_shedia
good day readers... please read my announcement at the end of the chapter.... importante iyon salamat po...
enjoy reading po...
pakitandaan din poh... SAC means "Silent Associates' Club"
************************************************************************************************************
(Jojo and her Insights about Jacob and Leah)
<December 12, 2011 -- Monday 3:15pm>
>Parking Lot<
"You're 15 minutes late...", iyan ang bumungad sa amin ni Leah ng makarating kami sa kinatatayuan niya. Malamig na boses na nagtatago sa image ng isang cool guy. I don't know why but I'm sensing some weird aura from him, yung tipong hindi ko naramdaman kaninang umaga nung kasama ko siya.
Hmmm. It feels like there's a big difference when Leah's around. Napaisip ako dun ng malalim huh, tsaka palang ako nakasagot sa kanya.
"Gomen, gomen, napahaba kwentuhan", hinahabol ko padin kasi ang hininga ko.
"Let's go!" Nauna na ito sa kanyang otto, at binuksan ang pinto ng back seat. Gentleman siya infairness, at iyan eh based on my own point of view lang naman, kaya nagtataka ako bakit galit na galit si Leah sa kanya.
Well speaking of Leah, heto, naging parang isang tubig; na naging yelo; na malapit ng matunaw.
Hindi rin masyadong obvious itong bestfriend ko nuh? Love-Hate ang drama ng dalawang ito. Anyway kailangan na naming sumakay sa magarbong sasakyan ni Mr. Ynares, masyado na namin siyang naiistorbo...
>Inside the Car<
<3:30pm>
Over ang tension sa loob ng sasakyan na ito, I must do something para naman marelax kaming tatlo,
"Ah, maalala ko Jacob, pasensya ka na, hindi na namin nakuhang tignan yung announcement sa Bulletin, nagmadali na kasi kaming pumunta sa'yo..."
Bigla niyang hininto ang sasakyan, patay... nagalit ata...
"Paano na ang gagawin natin ngayon kung hindi natin alam ang Theme?", nagwika ito sa malumanay ngunit seryosong boses. Tinignan ko ang mukha niya gamit ang Rear View Mirror ng kotse niya.
Mukhang galit nga, dapat pala hindi na ako nag-volunteer na ako na ang titingin. Unti-unting umandar ulit ang kotse, "Mag-U-U-turn nalang ako sa susunod na kanto."
"Ah.... san...dali... ke....kesa ma...aba...la ka pa, ako nalang ang babalik sa School, para hindi rin sayang sa gasolina at oras... i-te-text nalang sakin ni Jojo kung nasaan kayo..." wika ni Leah, gamit ang isang mahina at halatang kabadong tinig. Nagkatinginan kami ni Jacob at napatingin muli kay Leah.
Mula ng sumakay kami ng kotse ngayon lang siya nagsalita, iba talaga epekto ni Jacob sa bestfriend ko. Huminto muli ang kotse sa gilid ng kalsada. Ang akala ko itinigil niya ito para makababa si Leah, pero nung akma ng bababa si Leah ni-lock niya ang pinto (iba na talaga kapag AT-feature ang otto haha). At nagsimula itong humagikgik, noong una ay mahina lang, hanggang sa humagalpak ito ng tawa (yung tipong, napayuko at napayakap siya sa Manubela sa sobrang kakatawa)
"Ahahahha... akala ko mapapanis na ang laway mo hanggang mamaya... hindi ka kasi nagsasalita eh..." HUH??? Ano daw? kahit ako nagulat sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
My Imaginary You -- (I'm In Love With)
Short Storywhat if, it's all going in your head? that the kind of person you love does not exist AT ALL? what if, all the details about him/her are just thoughts created by your own imagination? can you still be able to distinguish the difference between image...