Chapter 1: Leah and her Life

166 4 3
                                    

CHAPTER 1:

(Leah and her Thoughts)

"Leah....oh my Leah..." sige lang, tawagin mo pa ang pangalan ko...

"Tik tok tik tok" ang ganda na ng part... kailangan talaga may sumisingit? sandali nalang.... kaunti nalang.... (babalik sa pagtulog ko)

"How could i not notice you before, thy face, and thy beauty..." oh, napaka sweet naman talaga ng Prince Charming ko (para akong naiihi na ewan, kinikilig ako)

"Tik tok tik tok..." talaga nga naman, bakit ba kasi sumisingit pa eh....

"Leah... Leah...." ano ba ang tagal naman sabihin... go on... nakikinig ako.... 

"Leah... Leah... I--i.... rea....lly....." teka teka, wait lang bakit ang hina ng signal.... signal signal..... choppy... choppy... over... over... (naghanap ako ng pwesto, dumapa, tumihaya, tumagilid hanggang sa...)

"What i'm telling is.... Leah..." ayan na... ayan na.... ipagtatapat na niya...

"Leah.... Le....ah..." anong nangyayari... bakit ganoon? nag-iiba ang boses niya.... (ng unti-unting nag-iba ang boses ng Prince Charming ko)

"LeeEEEEaaaAAAhHHHhhh" (distorted voice)

"KkkKKKrrrRRiiIiiiinnnGGggg......" istorbong alarm naman 'to oh... walang pakisama... (sabay kamot sa ulo ko sa sobrang imbeyrna sa alarm)

"NO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay bangon ko sa kama... at narito ang kamay ni Inay (na hindi ko namalayang nasa tabi ko pala)... nakahawak sa aking maliit at namumulang tenga...

"Aray... aray mama... ano ba?" reklamo ko...

Nanlisik ang mata ng aking ina sabay sabi, "Ikot ka ng ikot, kibot ka ng kibot, kanina pa nag-aalarm iyong alarm clock mo... Leah ka ng Leah, para kang sira ulo.... Hala sige bumangon ka na.... alas otso na...hindi ba sabi mo ngayon iyong exam ninyo...."

Ang ganda na sana kaso umandar na naman ang pagkamachine gun ng bunganga ng mahal kong ina... kahit ano namang sabihin niya, di ko maintindihan sa sobrang bilis ng pagsasalita niya...

Anyway.....

"Kamusta kayo? Ako nga pala si Leah Reynoso, 19 years old, single and ready to..... ooopsss, (wala akong maidugtong). I'm a BS - Psych student (2nd year), actually it's my 3rd course, not to the fact na natapos ko yung unang dalawa... i mean, pangalawang shift ko na ito and fortunately pang-apat na university ko na ito. Honestly speaking hindi ko pa alam kung ano talaga ang gusto ko, basta sa ngayon, gusto kong pag-aralan ang mga tao, kaya napunta ako sa Psychology.... isa pang bagay na dapat niyong malaman tungkol sa akin... hilig ko ang magsulat, and i am an aspiring writer... Tutok lang kayo hanggang sa huli huh, huwag bibitiw... malay niyo maisulat ko din ang story niyo balang araw... pero sa ngayon.... 

Story muna ng magulo at maingay kong buhay ang matutunghayan ninyo, sa ups and downs ng teenage life ko, at sa mala-Fantasy na kwento ng love life ko, sigurado mag-eenjoy kayo, I'm Leah Reynoso and this is my everyday life..."

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon