Christine's POV
"Christine" I heard him calling my name but I was too pre-occupied to hear it clearly. His voice was echoing repeatedly on my ears.
Tinapik tapik ko ang aking sarili upang bumalik sa wisyo. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang tumayo. Seriously, what's happening to me?
"Y-yes?" I asked, trying not to crack my voice.
"Bat kapa tumakbo? Pwede ka namang maglakad. Tignan mo tuloy, pinagpawisan ka ng todo. " saad nya habang nakakunot ang kanyang noo. Mukha syang galit ngunit hindi ko alam kung ano ang posibleng dahilan.
Nagkibit balikat na lamang ako at iniiwas ang tingin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang ilahad ang kanyang panyo sa harapan ko. Malinis at maayos pa ang pagkakatupi nito kaya sigurado akong hindi nya pa nagagamit iyon.
"Punasan mo" sambit nya ng nakanguso habang nakakunot padin ang kanyang noo.
Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin iyon. Masyado naman kasing hassle kung kukunin ko pa iyong towel ko sa locker. Habang nagpupunas ako ng pawis ay nagsimula na akong maglakad. Nararamdaman ko namang sumusunod sya sa akin.
Habang papalapit kami sa classroom, dinig na dinig ko na ang mga halakhak nina Almira. Mukhang nag-enjoy sila habang wala kami ah?
"HAHAHAHA!!"
"HAHAHAA!! Oo nga! Grabe."
Natigil lamang sila ng tumambad ako sa kanilang harapan. Gulat na gulat sila sa pagdating ko na animo'y ang tagal na nila akong hindi nakikita. Kumunot ang aking noo.
"A-hhh. Nakuha nyo ba yung mga props?" tanong ni Almira.
Marahan akong tumango at winagayway ang plastic na kanina kopa dala-dala. Mukhang nakuha naman nila ang gusto kong sabihin dahil pagkatapos non ay sabay sabay silang tumayo.
Hindi ko na sila hinintay pa. Nauna na akong maglakad tungo sa parking lot. Gusto ko na talagang umuwi, hindi ko kakayanin na manatili doon kasama si Matthew.
"Christine!! Sandali lang. Ba't ba ang bilis mong maglakad?!" sigaw ni Sam mula sa malayo.
Bumuntong hininga nalamang ako at nakapamewang na hinarap sila. Malayo layo nadin ang narating namin at malapit na kami sa parking lot. Hindi ko alam kung anong inerereklamo nila.
"Grabe! Buti naman naisipan mong hintayin kami?" ani Aubrey na hinihingal
Napayuko nalamang ako at binagalan ang aking paglalakad upang magsabay sabay kami. Naging tahimik iyon, tanging mga buntong hininga at ang aming mga yapak lamang ang gumagawa ng ingay.
"Sana maging successful ang paghahanda natin sa booth. Ayokong madissapoint sila sa atin." biglang sambit ni Sam.
Napabaling ang tingin ko sakanya. We feel the same. Kahit hindi naman sabihin nila Almira at Aubrey,alam kong ganoon din ang iniisip nila.
~
Bago kami tuluyang magkahiwa-hiwalay, napagkasunduan naming lahat na maaga kaming papasok bukas.Nandito na ako ngayon sa loob ng aking sasakyan. I feel exhausted. Naaninag kong nakaalis na sina Aubrey ngunit nandito parin ako sa loob ng aking sasakyan at naghihintay sa wala. I don't know, I just feel that I don't want to go home yet.

YOU ARE READING
Unexpectedly, you came to me
Teen FictionChristine and her friends was very popular in their school. Hinahangaan sya dahil sa kanyang itsura,talento at kung ano pang magagandang katangian mayroon sya. But on the other hand, Christine didn't asked for that popularity. She just wants to live...