Chapter 18: Annoyed

32 4 0
                                    

Christine's POV

Nanatili ang tingin nya sa amin na pawang may ideya na sya na hindi pa namin natatanong si Matthew ukol dito. Yumuko lamang ako at pinaglalaruan ang aking mga daliri.

"Maa'm, do we still have to ask him? Hindi ba ay mas mahalaga ang desisyon ng nakakararami kaysa sa isa?" tanong ni Almira sa matigas na tono.

Tumaas ang isang kilay nya at tinignan nya kami sa mapanuring mga mata. I couldn't help but to avoid her gaze.

Saglit nyang hinilot ang kanyang sentido na para bang nahihirapang magdesisyon.

"I want to be fair to all of you. So please.... kindly ask him first." pakiusap nya

Wala kaming nagawa kundi pumayag sa gusto nya. Isa pa, mukhang papayag din naman si Matthew na palipasan na ito. I guess...

But that expectation of me became faded when he said directly to my face that I should pay for my mistake.

Hapon iyon ng namataan ko sya mula sa malayo. Suot nya ang kanyang P.E uniforme kaya't batid kong kakagaling nya lang sa Gymnasium. Pinagpapawisan ang kanyang buong katawan ngunit mukhang wala lang iyon sa kanya dahil hindi man lang sya nag-abalang punasan iyon.

"Matthew." I called him.

Lumingon lingon pa sya sa kanyang paligid upang tignan kung sino iyong nagsalita kaya naman winagayway ko ang aking kamay upang ipakita sa kanya na nag e-exist ako at nandito ngayon sa harapan nya.

I sighed deeply when he looked at me with a confused face.

"Tungkol don sa dedication booth.. Tinanong namin si Maa'm kung pweding palampasin nalang iyong hindi ko pagsipot.. Ang s-sabi naman nina Almira, ayos lang daw iyon sa kanila...k-kaya naman pinapatanong ni Maa'm kung
a-ayos lang din ba----"

He cutted me off." Hinde." direktang sambit nya habang iniayos ang kanyang salamin.

Hindi ako makapaniwalang tinignan sya. Nagbibiro ba sya? What the hell?!

Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili bago ibuka ang bibig."Bakit? Anong rason mo?"

"Hindi ba obvious ang rason ko?Kung nagkamali ka, kailangan pagbayarin mo iyon." tugon nya.

Nakakainis ang mukha nya kahit wala pa syang ginagawa! Pakiramdam ko, gusto nya lang akong pahirapan kaya ginamit nyang tulay ang bagay na ito para maisakatuparan iyon!

"Nang-aasar kaba?! Sa tingin mo ba gusto ko ang nangyaring iyon? Sa tingin mo, ginusto kong hindi maka-attend?!" iritado ko syang sinigawan.

" Sa tingin ko? Oo. Kasi, kung gusto mo talaga, gumawa ka ng paraan para hindi maudlot iyon." aniya.

Umiwas ako ng tingin. Tama sya. Dapat ay hindi na ako nag-stay doon! Gusto kong ipamukha sa kanya na sya ang dahilan kung bakit hindi ako nakasipot ngunit mas pinili kong itikom nalang ang aking bibig. Besides, he wouldn't believe me anyway. Magmumukha lang akong tanga.

Iniiwas ko ang aking tingin at kinagat ang aking labi upang pigilan ang aking sarili sa mga nagbabadyang luha sa aking mga mata. Naiinis ako.. naiinis ako dahil tama sya.. naiinis ako dahil wala man lang syang ideya na sya ang dahilan kung bakit nangyari iyon.

Unexpectedly, you came to meWhere stories live. Discover now