Desire 22

162 32 7
                                    

#Surreal

Two lines.

When I've seen the pregnancy test result with my own eyes, it felt surreal.

It takes almost 15minutes for me to absorb it. Kahit naman expected ko nang positive ang resulta ay para parin akong nabigla. No! Nabigla talaga ako.

Parang gusto ko na ngang magtago sa ilalim ng lababo o hindi kaya ay iflush ang sarili ko sa toilet bowl. I'm scared!

"Chief, aren't you done yet?" katok ni Xyven sa pinto.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang kanyang pagkatok. Shit!

"Uhm. I'm done!"

Inayos ko ang aking sarili dahil sa palagay ko ay mukha akong ginahasa ng tatlong tigre. Dali dali akong lumabas ng banyo, doon ay nakita ko si Dane na nakaabang sa aking paglabas.

Mukha itong constipated dahil may malalaking butil ng pawis sa kanyang noo at saka namumutla.

Nilampasan ko siya at dumiretso sa maliit na kwarto kung saan naroon si Dr. Andrade.

Nang makita niya ako ay nangiti ito na para bang alam na niya ang resulta. Well, hindi naman malabo iyon dahil sanay na itong basahin o alamin ang resulta gamit ang reaksyon ng isang tao.

Sumenyas ito na mahiga ako sa maliit na kama na nasa tabi ng isang apparatus, ibinalik ko sa lalagyan ang PT at nilagay sa aking bulsa bago ako lumapit sa kanya.

"So, I guess the result is positive?" tanong nito ng makahiga na ako sa hospital bed.

Tumango ako bilang tugon. Hindi pa rin kasi magsink-in sa akin na buntis ako. Yes! Walang duda na masaya ako pero hindi din maiaalis sa akin ang matakot.

"You'll undergo ultrasound, para masigurado natin. Okay?"

"Okay, doc." tipid itong ngumiti sa akin.

"Mas mabuti kung narito ang asawa mo," aniya habang may ipinapahid sa aking tiyan. "Sandali at tatawagin ko muna." sabi nito bago lumabas upang tawagin si Xyven na marahil ay naroon pa rin sa labas ng CR.

Matapos ang ilang sandali ay pumasok na si Dr. Andrade, kasunod si Xyven na walang imik sa kanyang likod.

Lumapit si Xyven saka umupo sa aking tabi.

May kinalikot si Doc saka niya ito inilapat sa aking tiyan. Konektado ito sa maliit na screen sa aming harapan.

Ginalaw galaw niya ito sa aking tiyan hanggang sa may makita kaming maliit na bagay sa screen. Sobrang liit pa n'ya. My baby.

Humigpit ang hawak ni Xyven sa aking kamay, para itong kumukuha ng suporta sa akin.

Nilingon ko si Xyven, then I saw the man I love, with his tears rolling down his face. Pulang pula ang ilong nito at patuloy ang pag-agos ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

Tumayo ito at mahigpit akong niyakap, habang paulit ulit na binubulong ang katagang, I love you at Salamat.

Knowing na masaya siyang malaman na buntis ako ay nakatulong ito upang mapanatag ang aking loob.

"Congratulations Mr. & Mrs. de Silva! You're six weeks pregnant!"

Masaya itong nakipagkamay sa amin before she printed the ultrasound result.

Xyven seems so happy and delighted because of the news.

Nang matapos kaming magbayad ay lumabas na kami ng clinic. Todo alalay pa ito sa akin na para akong lumpo. Nakakairita tuloy na nakakakilig.

Flaming Desire #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon