#Haileyparot
Mabilis pa sa alas kuwatro akong nagmaneho papunta sa de Silva Building.
Inis na inis ako dahil sa babaeng sumagot ng tawag ko, para yun sa asawa ko at hindi para sa kanya. Hindi ba niya alam ang salitang privacy?!
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha hindi dahil sa kilig kun'di dahil sa labis na pagka-inis.
Nang mai-park ko na ang aking sasakyan ay mabilis ang ginawa kong paglakad. Halos lahat ng tao na nakakakilala sa akin ay binabati ako ngunit wala ako sa mood para batiin sila pabalik.
Huwag lang talaga nila akong iinisin dahil baka sila ang mapagbuntunan ko ng galit.
Sa loob ng elevator ay panay ang tingin nila sa akin. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ako napadpad dito, hindi naman kasi ako madalas pumunta rito.
"Good morning po, Mrs. de Silva." bati sa akin ng lalakeng nasa aking tabi.
Pinagtaasan ko ito ng kilay dahil hindi ko naman ito kilala at isa pa wala ako sa mood makipag-usap.
Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang office ni Xyven ay inayos ko ang aking damit para naman mahiya 'yong haliparot na kakalbuhin ko, malaki ang ngisi ko pagkalabas ng elevator habang ang lalake naman na tinarayan ko kanina ay mukhang mata-tae na sa takot.
Nauna siya sa paglalakad at sa tingin ko ay sa opisina rin ni Xyven ang tungo niya.
"Excuse me, Mister...." tawag ko sa kanya sabay tingin sa kanyang ID. "Mr. Ramos ... saan ang punta mo?"
"Sa office po ng asawa n'yo Ma'am." aniya habang nakatingin sa plastic na bitbit niya.
"Merienda n'ya? Ako na ang maghahatid. Akin na." ani ko sabay lapit sa kanya para kunin ang plastic pero bahagya itong umatras.
"Pasensya na po, Ma'am. Pero hindi po ito para kay Sir. de Silva," takot na aniya sa akin at parang nagdadalawang isip na itutuloy ang sasabihin. "Inutos po ito sa akin ni Ma'am Hailey." pagpapatuloy niya.
"Hailey?" tanong ko sa kanya.
"Opo. Bisita po niya." kinakabahan niyang sagot sa akin.
Lalong nag-init ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi. So the bitch's name is Hailey. Huh! Bagay nga sa kanya. Haileyparot!
Mabilis akong lumapit sa kanya at hinablot ang plastic mula sa kanyang kamay. Ang kapal ng mukha niyang mang-utos!
Walang katok akong pumasok sa opisina ni Xyven habang nakabuntot naman sa akin ang kanyang sekretarya. Unang bumungad sa akin ang malanding babae na nakakapit sa asawa ko at ang isang matandang lalake na sa tingin ko ay ama ng babaeng malandi.
"Chief!" ani Xyven pagkakita sa akin bago tumayo at lumapit sa akin.
Nakaamba na siyang yayakapin ako ng nilampasan ko siya at hinarap ang malanding babae na nakangisi sa aking harap.
"So you are Xyven's wife." nakangisi niyang sabi sabay tayo para bumeso sa akin pero umiwas lang ako. Huwag siyang magkakamaling lumapit sa akin kung ayaw niyang balatan ko siya at gawing chicharon.
"I'm Hailey, ako ang sumagot ng tawag mo kanina. Your husband wasn't here kasi." malanding niyang sabi sabay malagkit na tumingin sa asawa ko kaya naman napataas ako ng kilay.
"It's nice meeting you, Haileyparot." nakangisi kong bati sa kanya. "I mean. Hailey." Bahagyang tumaas ang kanyang kilay at nawala na rin ang kanyang ngisi.
I smirked and rolled my eyes at her. Haileyparot!
Hinila ako Xyven at bumulong sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Flaming Desire #Wattys2016
Ficción GeneralRATED SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. For Xiarra Klare Mendoza love means him. Binigay niya ang lahat ng meron siya kahit na...