#Jealous
Pagkagising ko sa umaga ay mahimbing pa rin na natutulog ang asawa ko. Ang sarap talagang ulit-ulitin ng salitang asawa ko. Kahit na isang buwan na ang nakakaraan ay parang kahapon lang kami ikinasal.
Dahan-dahan akong bumangon saka hinawi ang buhok ko nang biglang gumalaw si Xyven sa tabi ko. I look at him and smiled. Ang gwapo n'ya ngayon kahit tulog.
Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa banyo para makapaghilamos. I need to wake up early for Dane. It's Dane's Day today and I will bake cookies for him.
Pagkalabas ko sa banyo ay nadatnan ko si Xyven na nakaupo sa gilid ng kama. Ngumuso ako at nilapitan siya. I'm so happy na kahit na sobrang busy niya ay pinili n'ya pa rin na umuwi.
Sino ba naman kasi ang taong kararating lang ng Singapore ay uuwi agad para lang sa asawa n'yang nag-iinarte? Si Xyven lang.
"Gising ka na pala." ani ko saka lang niya ako napansin.
Bumuntong hininga siya bago ako sinenyasan na maupo sa kanyang tabi.
"Why are you with him, chief." seryoso niyang tanong nang makaupo.
"Who are you referring to, love?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"The douche," aniya habang nakatingin sa akin at nang makita niyang nakakunot ang aking noo ay kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "You're with Name yesterday."
Tumayo ako sa kama at lumuhod sa kanyang harapan.
I touched his face and kissed his chin.
"I was bored so I decided to visit Azure but I got hungry so ate first. Wala na akong makitang vacant and there he is eating alone and he has a kind heart to let me share with him. It was nothing, love." malambing kong paliwanag sa kanya. That's the truth and he deserves to know. Wala rin naman akong dapat itago.
"Why did you cry? Did he hurt you?" malamig niyang sinabi.
"No, he didn't. I wasn't lying when I told you that I missed you. Raging hormones, love." I said as a matter of fact. "I'm sorry if I made you worried. Iniwan mo pa talaga ang trabaho mo para sa akin. Sinabi ko naman na okay lang kahit huwag ka nang uumuwi hindi ba? Kararating mo pa lang yata n'un." I said as I remember na mayroon siyang iniwang trabaho sa Singapore.
"Hindi okay sa akin iyon. I love my company but I love you and our children more. Walang trabaho ang mauuna pagdating sa inyo. Kayo ang priority ko." malamig niyang sabi ngunit batid ko ang kanyang pagmamahal sa bawat salitang kanyang binibigkas.
Ngumiti ako sa kanya at nakita kong unti-unting umaangat ang gilid ng kanyang labi.
"Baba na tayo? I'll cook for us." sabi ko sabay tayo to drop the topic.
"Alright." aniya sabay ngisi.
Para akong teenager na kinikilig tuwing ngumiti o hindi kaya'y ngumingisi si Xyven. Bakit kasi ang gwapo at sweetg ng asawa ko. Maswerte ako at ako ang asawa niya.
Pagkarating sa kusina ay naroon na si Nay Lusing nagbabalat ng sibuyas. Binati ko siya at ginawaran ng halik sa pisnge.
"Tulog pa ho ba si Dane, Nay?" tanong ko sa kanya bago naglabas ng gatas mula sa ref.
"Oo, Nak. May lakad ba kayo ngayon?"
Nilingon ko si Xyven na seryosong nakatingin sa akin. I'm sure na pupunta siya ngayon sa opisina dahil sa maaga niyang pag-uwi dito sa Pilipinas.
"Hindi po, Nay. Dito lang po kami. Pupunta rin po siguro si Dane sa unit nina Zach." sagot ko sa kanya bago ko ulit binalingan si Xyven.
Nagtindigan ang balahibo ko nang seryoso niya akong tingnan ngunit nawala rin ito nang sumulpot si Dane sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
Flaming Desire #Wattys2016
General FictionRATED SPG Warning: Not suitable for young readers or sensitive minds. Contains graphic sex scenes, adult language and situation intended for mature readers only. For Xiarra Klare Mendoza love means him. Binigay niya ang lahat ng meron siya kahit na...