Back to back update with 'If We Fall In Love' by batmanisback.
Part 2 na! :) Ano na nga bang nangyare noon kina JC at Rai? Hahaha! Sana may masagot na tanong ang chapter na to. Enjoy reding! :)
xoxo,
Mira ♥
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PART 2 // Chase.
Simula nung araw na nagkakilala kami, halos palagi na siyang dumadalaw sa room namin. At dun ko din nalaman kung bakit palagi silang nasa may harapan ng pinto kapag walang klase.
Inaantay pala nila akong lumabas.
Kasi alam nilang may crush sa akin si JC.
At ang manhid ko daw at di siya napapansin.
Si JC na may sweet na ngiti.
Si Jc na may magagandang mata.
Si JC na gwapo at habulin ng babae.
Si JC na magaling magbasketball at MVP nung Sophomore kami.
Si JC na makulit at paminsan minsan tinotopak din.
At si JC na di ko akalain na magbabago sa buhay ko.
Habang tumatagal mas lalo kaming nagkakalapit ni JC. Palagi niya akong hinihintay sa labas ng room tuwing uwian. Lumalabas kami after ng klase. Pupunta ng mall o di kaya ng plaza. Minsan ay hinahatid niya din ako. Kilala na nga siya nina Kuya, Mommy at Daddy! Grabe! Ilang beses na nga nila ako tinatanong kung ano na daw ba kami ni JC, ang tanging sagot ko lang naman ay..
“Magkaibigan lang po kami.”
Isa pa pala. Meron siyang tawag sa akin. He always calls me JHI. Hindi ko alam kung ano yun at bakit yun. Tuwing tatanungin ko naman siya ang isasagot niya lang sa akin ay naisip niya lang un at ang cute naman daw pakinggan.
Pero shempre, habang tumatagal parang hindi na kaibigan ang turingan namin. Para na kaming couples. Pero hindi. In short, pseudo-relationship.
Hanggang sa dumating ang Christmas break. Hindi siya nagpaparamdam. Nakailang text na at tawag ako sa kanya pero lahat ng iyon walang sagot. Ilang oras nalang at Pasko na pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.
Ilang minuto nalang at malapit na ang countdown.
BINABASA MO ANG
Strangers Again || COMPLETE
Romance[COMPLETE] "Noon, natakot akong magmahal dahil ilang beses akong nasaktan dahil sa taong mahal ko, sa kanya.. Kay JC. Hanggang kailan ako magpapalamon sa takot kung alam ko namang hindi ko na yun maibabalik? Nandito na yung panibagong chance na bini...