A/N:
OHYEAH. MAY UPDATE NA AKONG NAGAWA. YES! =) SORRY SA DELAY HA. PERO PROMISE, MATATAPOS NA 'TO. :) KONTI NALANG TALAGA. AS IN. HAHAHAHA
SALAMAT SA PATULOY NA PAGBASA NG STRANGERS AGAIN. :)
READ. COMMENT. VOTE. LIKE. :)
XOXO,
MIRA-LABS ♥
___________________________________________________________________________
CHAPTER 38
RAI’S POV
Inaayos ko yung mga gamit ko nang may biglang kumatok sa pintuan ko at niluwa ang best friend ko. Bakas sa mukha niya na masaya siya kasi ngiting-ngiti ung mga labi niya. Akala mo nasapian eh.
"Hey Rai, ito na yung pinapagawa mo.” Sabay abot sa akin nung mga papel.
“Salamat. Saglit nalang, may aayusin lang ako dito.” At binalik ko ang atensiyon ko sa mga kalat na inaayos ko.
“Sure ka na talaga sa gagawin mo? Not that I'm against it, pero alam mo naman." Tanong sa akin ni Gielean.
Tumango ako sa kanya bago sumagot.
"Noon, natakot akong magmahal dahil ilang beses akong nasaktan dahil sa taong mahal ko, sa kanya.. Kay JC. Hanggang kailan ako magpapalamon sa takot kung alam ko namang hindi ko na yun maibabalik? Nandito na yung panibagong chance na binigay ni God sa amin. Papalagpasin ko pa ba? Kung hindi pa ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Sapat na ung dalawang taon na nahiwalay siya sa akin. Yung dalawang taon na pinilit kong kalimutan siya. Yung dawalang taon na dineny ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal. Pero malakas talaga ang kapit niya sa puso ko eh. Ayaw bumitaw." Tapos tumawa ako. Tinignan ko si Gielean at bakas sa mukha niya ang tuwa at pagkamangha sa sinabi ko.
"Grabe, your perceptions in life improved. Kung alam ko lang na ganyan pala ang mangyayari sa’yo sana tinulungan ko pa si JC. Hahahah." Sagot niya sa akin.
"Loka ka talaga!" Sagot ko nalang sa kanya.
“Hay nako, tara na nga kina Kenneth. Kanina pa nagaantay mga yun. Ang bagal mo kasi.” At hinila ako ni Gielean papunta sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Strangers Again || COMPLETE
Romance[COMPLETE] "Noon, natakot akong magmahal dahil ilang beses akong nasaktan dahil sa taong mahal ko, sa kanya.. Kay JC. Hanggang kailan ako magpapalamon sa takot kung alam ko namang hindi ko na yun maibabalik? Nandito na yung panibagong chance na bini...