[CHAPTER 6: WALLS IN THE PAST - PART 4 // The end.]

3.5K 35 14
                                    

Dedication: Ang kulit kasi. CHos! Hahaha! (:

Ito na yung last part ng Chapter 5. Kung may tanong pa kayo sa mga kaganapan, comment niyo lang at baka maexpound ko sa next update. Thanks for waiting! (:

xoxo,

MIRA ♥

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

PART 4 // The end.

PRESENT TIME.

HINIHINTAY KO lang yung magiging reaksiyon nila. Asusual, naiiyak na naman kasi ako.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin to? Kaya ba bigla nalang kayong di nagpansinan non?”

Tumango ako. Umiiyak na kasi ako. Kahit pa ilang taon na ang nakalipas nun.

“Ang nakakapikon na part na hanggang ngayon hindi maalis sa sistema ko ay gumawa na nga siya ng kalokohan, mahal ko pa din siya.” :|

“Dalawa lang yan kung bat iniiyakan mo pa din siya. It's either, naiinis ka dahil nagpaktanga ka sa panggagag.0 niya o gusto mo siyang kalimutan pero di mo magawa dahil hanggang ngayon siya pa din. Rai, hindi tayo superheroes na magpaparaya para sa iba. Sa ginawa mong yon, sa tingin mo makokonsensyiya yung babae? Aba! Baka natuwa pa nga yung babae kasi natalo ka niya. Tama din ung sinabi niyang kung pwede pang ayusin, ayusin. Pero sa part niya may mali din siya. Mali siya dahil gumawa siya ng kagaguhan. Pero sana nagusap ulit kayo. Yung hindi na kayo parehong emotionally affected.”

“Sabi nga nila, don't make decisions when you're mad. Don't make promises when you're happy.”

Oo nga. Sana pinagusapan namin ulit. Pero ano nga bang magagwa ko? Umiwas ako eh. Ayoko kasi masaktan pa.

“Chaka never na ba ulit siyang nakipagbalikan?”

Umiling ako.

“Makikipagbalikan siya. Pero siguro napagod dahil palagi kong tinuturn down. At sabi ko nga, hanggang kaibigan nalang muna kami.”

“Talagang pinanindigan mo yan noh?”

“Oo. Mas mabuti na yun kesa naman ituring ko siyang ibang tao lang.”

Tapos tumahimik.

“So what's your plan now?”

“Nothing. Just go with the flow.

“Eh diba nanjan na naman siya?”

Tumango ako. Si Gielean pa nga ang sumagot ng tawag niya nung isang beses diba?

“So wala kang balak? Pano kapag nakipagbalikan?”

“Sabi ko sa inyo, friends lang ang kaya kong ibigay sa kanya.”

“Paano kung pursigido? Paano kung gusto ka niya makuha ulit? Paano kapag----“

 

“Paano kapag tapos na siya sa play time at seryoso na siya? Tatanggapin mo ba ulit siya?”


“Hindi ko alam.” :/

Strangers Again || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon