May isang Dakilang nilalang na matagal nang pagala-gala at pa-ikot-ikot sa walang hanggang kawalan.
Sa gitna ng kadiliman ay ang nagniningning n'yang katauhan ang tanging liwanag na pumapalibot sa kabuuan ng walang hanggang kawalan.
Dahil sa pag-iisa, Lumikha siya ng isang bagay na labis niyang inibig.
Ang Mundo.
Ang Mundo ay binalot n'ya ng maraming napakagandang bagay. Ang araw at buwan, mga bituin, langit at ulap, mga karagatan, mga lupain, mga bundok, mga halaman at bulaklak, mga hayop na malalaki at malilit, mga nilalang na pinamanahan ng karunungan at malayang pagpapasya.
Labis s'yang namangha sa kaniyang nilikha kaya tinawag n'ya itong paraiso.
Ang mundo noon ay isang kontenente lamang. Sa pinaka sentro nito ay may napakaganda at napakalawak na karagatan. Ang tawag sa karagatang 'yon ay ELOIM OSEAN(karagatan ng dios).
Sa pusod ng karagatan ay may isang malaking isla na tinatawag na NIRVANA. Dito nanirahan ang Dakilang nilalang habang sinusubaybayan ang mga likha niya.
Habang napupuno ang mundo at lumalawak ang karunungan at kaalaman ay nabatid ng mga tao na may isang pambihirang nilalang na siyang lumikha ng lahat: Tinawag nila itong Eliah na ang kahulugan ay MANLILIKHA.
Kasabay ng pag-unlad ay siya ring paglaganap ng mga kaguluhan. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng mga paglalaban-laban, pag-aagawan ng nasasakupan at patayan na labis na ikinalungkot ni Eliah.
Gumawa ang manlilikha ng paraan para mapigilan ang kaguluhan. Hinati niya sa labing dalawang Realms ang dati'y isang kontenente.
ang bawat realm ay pinagpala nya.
Ang Nirvana ay pinalilibutan ng Eloim Osean. Ang karagatan namang ito ay pinalilibutan ng apat na realms.
Ang Depir na nasa hilaga
Ang Serirch na nasa timog.
Ang Keenl na nasa silangan.
Ang Geran na nasa kanluran.Ang iba pang mga realms na nahati sa palibot ng mundo;
Ang Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn.
Ginawa ito ni Eliah upang maiwasan ang paglalaban-laban at pag-aagawan ng teritoryo.
Subalit hindi nagtagal ang ganoong proseso. Kinalaunan ay nagkaroon na naman ng pagsakop at digmaan. lumaganap na naman ang dugo, pagkasira at kaguluhan.
Realm laban sa realm.
Labis itong ikinapighati ng manlilikha at iyon ang naging dahilan ng kaniyang panghihina. Ang dating walang kasingningning na liwanag na taglay niya ay unti-unting nanamlay.
Para mapigilan ang paglalaban ay pumili si Eliah ng karapatdapat na nilalang, tinawag itong Protektor at ibinahagi sa mga ito ang Supramisia. Ito ay isang kapangyarihan mula sa bahagi ng ningning ng manlilikha. Magmula noon ay ipinapasa na ang nasabing kapangyarihan sa bawat henerasyon.
Isang gabi habang nagpapahinga si Eliah sa Nirvana ay mayroong itim na p'wersang kumawala mula sa kaniya. Nangyari ito sapagkat nabawasan na ng supramisia si Eliah.
Gamit ang madilim na kapangyarihan, inudyukan ng Kadiliman ang mga hari ng bawat realms na magtungo sa Nirvana at kunin ang nalalabing Supramisia kay Eliah upang mapagharian nila ang buong mundo.
Nagkaroon ng matinding kaguluhan, pagkawasak at delubyo.
Labag man sa kalooban, ginawa ni Eliah ang alam niyang nararapat. Muli niyang pinag-isa ang Supramisia ng mga protektor, ginapi ang kadiliman na tinawag na Ysbbah at ikinulong ito sa kailaliman ng daigdig.
Muling nanumbalik ang Supramisia sa mga protektor at simula noon ay hindi na nakita pa ang Nirvana maging si Eliah.
BINABASA MO ANG
THE REALMS 1 [Unedited.Completed]
AdventureHinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat r...