MERAD REALM
Ang Merad ay tinaguriang paraiso ng paru-paru. Bukod sa simbolo ng kaharian ang nasabing nilalang, dito lamang matatagpuan ang mga paru-paru na kasinglaki ng tao. Ayon sa kasaysayan, noon ay magkasamang namumuhay ang Meradian at ang mga Gigasfli o dambuhalang paru-paru subalit sa panahon ngayon ay maituturing na lamang itong alamat.
Naabutan na lamang ni Ram ang sarili na nakatayo sa loob ng napakalawak na silid. Paglinga niya pakaliwa ay nakita niya si Voldibur na naglahad ng kamay hawak ang Rodria. Sa isang iglap ay biglang naglaho sa kawalan ang bagay.
"Maiwan muna kita rito saglit," anas ng protektor, pagkadaka.
"T-teka lang po," Habol ni Ram. "Nasaan ba tayo? Maaari po bang ipaalam n'yo sa aking ama ang tungkol dito, marahil ay nag-aalala na siya sa'kin."
Tumango lang ang kausap bago naglakad palabas sa malawak na silid. Sumunod naman ang binata at ng buksan niya ang mataas na pinto ay nakakandado na ito.
Nagsimulang kabahan si Ram. Wala naman siyang ideya sa kasalanan niya maliban sa pagsuway sa batas ng Hruween. Alam niya na parurusahan sila, subalit bakit siya lamang ang isinama ng protektor?
Kailangan makaalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Hindi alam ng binata ang kahihinatnan ng pagtakas na iyon, ang sigurado si Ram, nag-aalala na ang kaniyang ama.
Tumalikod siya sa pintuan at ipinagala ang mata sa buong paligid. Nakita niya ang malaki at pahabang bintana na may apat na haligi. Madaliang sumilip doon si Ram habang inihaharang ang isang kamay sa mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag galing sa labas. Nang tuluyang ng makalapit sa paralungawan ay gulat at pagkamangha ang naging ekspresyon ng kaniyang mukha.
Mula sa kinalalagyang gusali, tanaw niya sa ibaba ang mga batong kabahayan at mga taong abala sa mga bagay-bagay. Pagpaling sa kaliwa ay sumilay ang mga batang naglalaro sa ilalim ng mga puno habang nababanaag ang pagaspas ng tubig mula sa malinis na talon na umaagos sa gitna ng mga kabahayan. Pagdako naman sa kanan ay doon nakita ng binata ang isang rebulto na may taas na higit isangdaang talampakan. Nakatayo ito paharap sa kanluran at may paru-parung rebulto na nakadapo sa kamay nito. Minasdan niya ang kalawakan ng syudad bago muling tumingala. Doon ay nakita niya ang mga nagliliparang ibon kasabay ng mga iilang paru-paru, dumapo pa sa kaniya ang isa na umalis din agad.
BINABASA MO ANG
THE REALMS 1 [Unedited.Completed]
AdventureHinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat r...