3: BLACKAMOORLUNA

378 22 78
                                    

Hindi maaninag ni Ram kung sino ang nilalang na nakatayo sa harapan. Pilit na iminulat ng binata ang mga mata para masipat ito.

"I-ikaw?" saad n'ya habang lumilinaw ang paningin.

Hindi naman nagsalita ang kaniyang kaharap, matalim lamang itong tumitig sa kabuuan niya.

Nang tuluyan ng bumalik ang diwa saka lang napagtanto ng binata na ang nasa pagitan nila ng estranghero ay isang rehas.

Napabalikwas siya ng bangon matapos mapagtantong nakapiit siya.

"T-teka? Anong g-ginagawa ko rito?" gulat-tanong niyang sabi habang nakatingin sa estrangherong nasa labas ng rehas.

"Anong ginawa mo sa buhok mo?" taliwas na tugon-tanong ng lalaki.

"Huh?" saka lang napansin ni Ram na naging kulay ginto ang kaunting bahagi ng buhok niya sa bandang unahan. "A-ano to?" habang inaaninag ang buhok.

Ibinalik ng binata ang atensyon sa estranghero subalit wala na ito. "Sino ba ang taong 'yon?" bulong niya sa sarili.

"Kanina ka pa ba gising?" anas ni Kelsen mula sa likuran.

Ikinabigla ni Ram ng makita ang matalik na kaibigan kasama sina Dimo at Regor. Mas lalo siyang nagulat ng masilayan ang natamo ng mga kasama.

Doon ay naalala ng binatang minero ang nangyari. Nagkaroon ng paghugo sa kastilyo, pagtapos ay may nakita siyang kakaibang liwanag sa balon na bumulusok sa kaniyang katawan at sumabog kaya nawalan siya ng malay.

"Anong nangyari? Paano tayo napunta sa piitang ito?" Lumapit si Ram sa matalik na kaibigan. "Kumusta kayo ni Tatay Dimo?"

Hindi kumibo si Kelsen. Wala pa ito sa diwa dahil sa mga nangyari sa guhong kastilyo.

"Sinalakay kami ng Blackamoorluna," mahinang wika ni Regor habang iniinda ang mga tinamo.

"B-blackamoor-l-luna?" naguguluhan si Ram. "Sino ang mga 'yon?"

Tutugon pa sana si Regor ng biglang bumukas ang pintuan papasok sa piitan at iniluwa nito ang ilang kawal kasama ang isang ginoo na may napaka-eleganteng kausutan. Sa likod ng suot nitong makintab na kulay asul na linen ay nakaukit ang simbolo ng kaharian ng Hruween. Ang alakdan.

Napaatras sila ng makalapit ang mga ito.

"Magbigay galang kayo sa hari," utos ng isang kawal habang nakatingin ng matalim.

Maliban kay Dimo na paralisado ay agad yumukod ang tatlo ng mapagtanto na isang hari ang kanilang kaharap.

"Ikinalulungkot kong sabihin na pumanaw na ang dalawa niyong kasama," malumanay na introdaksyon ng hari.

Laking gulat ni Ram ng marinig iyon. Siya lang kasi ang hindi nakaalam sa nangyaring sagupaan sa guhong kastilyo.

"Ako si Haring Caesar ng Hruween, kaisa ng Realyansa sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa buong mundo, sumusumpa sa banal na karagatan ng Eloim Osean na kung hindi kayo magsasabi ng katotohanan ay papatawan ko kayo ng parusang kamatayan."

Nagimbal ang mga minero sa winikang iyon ng hari.

"Ngayon mga dayuhan, ihaharap kayo sa paglilitis upang ihayag ang inyong pakay sa guhong kastilyo ng dating protektor ang aking kaharian?"



----

Pag-alis ng hari at ng mga kasama nito ay napatanong si Ram sa mga kasama kung ano nga ba ang nangyari matapos ang pagguho.

Dahil doon ay nagbaliktanaw kay Kelsen ang lahat ng nangyari.

Bago nawalan ng ulirat ay naaninag pa ni Kelsen ang lalaking may ginintuang buhok kasunod ang puting liwanag na bumalot sa buong paligid.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon