5: REALYANSA

304 20 46
                                    

WELKINNOVA
(Serihch Realm)

Sa ibabaw ng kastilyo ng Serihch, isangdaan talampakan ang pagitan, mayroong isang pulo na nakalutang. Ito ang Welkinnova, kaisa-isang isla sa buong mundo na nakalutang sa kalangitan.

Dito nananahan noon ang dating protektor ng kahariang Serihch. Nang maging hari at protektor si Cazmir ay itinalaga niya ang isla bilang base ng Realyansa.

Sa Welkinnova idinaraos ang anumang pagtitipon ng mga kabilang sa samahan. Selyado ito ng mahika at walang sinuman ang nakapapasok maliban sa mga kasapi.

Halos magkakasunod na nagdatingan ang mga hari't protektor sa silid pulungan.

Haring Magnus ng Geran.
Haring Claude ng Depir.
Hari't protektor ng Serihch na si Cazmir.
Haring Wenscelces ng Keenl.
Haring Valthazar ng Merad.
Haring Goldiukuz ng Levinthecus.
Haring Nebbu ng Veny.
Haring Elfinbert ng Azlufagler.
Haring Solom ng Saphiro.
Haring Conrad ng Ozhgo.
Haeing Zigfred ng Traveil.
At Haring Caesar ng Hruween.

Protektor Fahrouk ng Geran.
Protektor Adalric ng Depir.
Protektor Ganezh ng Keenl.
Protektor Voldibur ng Merad.
Protektor Griffithiuz ng Levinthecus.
Protektor Farquhar ng Veny.
Protektor Elfinwulf ng Azlufagler.
Protektor Eztevan ng Saphiro.
Protektor Deitrich ng Ozhgo.
At Protektor Alianah ng Traveil.

Nakaupo ang labindalawang hari sa gintong upuan habang ang mga kamay ng ilan sa kanila ay nakapatong sa mahabang gintong lamesa. Ang mga protektor naman ay nakatayo sa likuran ng kanilang hari tangan ang kani-kanilang Rodria.

Si Cazmir na tinatawag na Baronprotektor, namumuno sa Realyansa ang nakaupo sa pinaka sentro nitong lahat.

Tumayo ang binatang prinsepe senyales na umpisa na ang pagpupulong. Hinawi niya panandalian ang malaginto niyang buhok bago nagwika.

"Maligayang pagbati sa ngalan ni Eliah, at mula sa kaharian ng Serihch. Mga kapwa ko hari at protektor, maligayang pagdating sa Welkinnova," nakangiti siyang yumukod sa lahat bilang paggalang.

Tumayo rin ang bawat isa at nagbigay galang.

"Para saan ba ang pagpupulong na 'to?" tanong ni Claude. Nasabi ito ng haring Deperian sapagkat katatapos lamang ng pagpupulong ng Realyansa nitong nakalipas na linggo. Sa pagkakaalam ng ginoo ay natapos na nila ang lahat ng dapat pag-usapan.

Isa sa tinalakay sa pagpupulong kamakaylan ay ang pagpapalit ng protektor na magbabantay sa Hruween. Napagkasunduan ng Realyansa na kada-taon ay magpapalitan ang labing-isang protektor upang pangalagaaan ang Hruween. Sa taong ito, si Eztevan ng Saphiro ang nakatalagang mangalaga sa nabanggit na realm.

"Batid kong nagtataka kayo kung bakit ako muling nagpatawag ng biglaang pagpupulong," tugon ni Cazmir. "Hindi ko na pahahabain pa."

Sumeryoso ng mukha ang Baronprotektor dahilan upang mapukaw ang atensyon ng bawat isa.

"Isa sa mga tinalakay natin sa huling pulong ay ang bali-balita sa muling paglaganap ng blackamoorluna. Ayon sa aking pagsisiyasat ay totoo ang mga iyon."

"Pinatawag mo ba kami para sabihin na dapat naming paghandaan o pigilan ang binabalak nila habang maaga pa." malumanay na sambit ng hari ng Keenl na si Wenscelces.

Si Wenscelces ang Pinakasimpleng hari sa labindalawa. Nasa edad animnapu, tama ang tangkad, may maamong mukha na gaya ng pananalita, eksakto ang puti ng balat at pangangatawan, mahaba ang buhok at balbas na abot hanggang sa kanyang tuhod

Tumango si Cazmir bilang pagsang-ayon saka muling nasalita. "Tumpak. Habang maaga pa, dapat ay mapigilan na natin kung anoman ang masama nilang plano."

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon