10: MANSON

255 16 45
                                    

Ayon sa tala ng kasaysayan, noong panahon ng Ylziemt (dakilang-ninuno) ay may limang angkan na siyang naging pundasyon ng mundo upang mapabilis ang pag-unlad ng sibilisasyon.

Isa sa lima ay ang angkan ng Manson.

Nakilala ang Ylziemt Manson bilang unang mangangalakal. Sa kasalukuyan naman ay tanyag ang nasabing angkan dahil sa pagiging relihiyoso nito.

Bukod sa pakikipagpalitan ng mga kalakal, bago ang Oldnick-era ay nagsimulang magpalaganap ng ebanghelyo ang Manson. Marami itong ipinatayong templo sa iba't-ibang panig ng daigdig at nagpasimula ng pagbibigay samba sa Manlilikha sa loob ng templo. Bago kasi no'n ay kung saan-saang lugar lamang nagbibigay papuri kay Eliah ang mga tao.

Malaki ang naging kontribusyon ng angkang ito sa pag-unlad kaya labis silang minahal ng marami.

Si Anton Manson ay huling tagapagmana ng angkan na nabubuhay sa kasalukuyan.

Taliwas sa akala ng mundo, pitong taon pa lamang ay lihim na siyang inihandog ng kaniyang ama upang pagsilbihan ang blackamoorluna.

Sa murang edad ay minulat na si Anton sa lahat ng klaseng karahasan ng lingid sa mata ng mga nakakikilala sa kanilang pamilya.

Nang magkaroon na ng sariling pamilya, bago mamatay ang amang si Dooke Manson ay ipinasa nito sa kaniya ang pinakatatagong lihim ng pamilya. Isang bagay na tanging Manson lamang ang maaaring magtaglay.

Kapalit ng bagay na iyon ay inalay niya ang buhay ng nag-iisang anak.

Hindi natanggap ni Magden (asawa ni Anton) ang nangyari sa kanilang anak kaya nagpakamatay ito.

Magmula noon, maliban sa karahasan ay wala ng natirang pagmamahal sa puso ni Anton. Malugod na tinanggap ng lalaki ang anumang iniatas sa kaniya ng kadiliman subalit wala pa rin ideya ang mundo tungkol dito.






-----

Probinsya ng Kaveyj.
(Ozhgo Realm)

Sa pangunguna ni Saulo, ay sinuyod ng mga kawal ang kabundukang nakapalibot sa probinsya sa paniniwalang naroon lamang nagkukubli ang mga dumakip sa mamamayan ng probinsya.

Wala si Deitrich sapagkat pansamantala itong nagbabawi ng lakas matapos gawin ang malaking kalasag sa palibot ng buong Ozhgo.

Pinaalalahanan ng protektor ang lider na si Saulo na sa oras na makita nila ang pinagkukublihan ng kalaban ay tantyahin ang anumang magaganap.

"Kapag naramdaman mo na dehado ang mga kawal, 'wag kang magdalawang-isip na umatras. Hindi mo kailangang isa-alang-alang ang buhay niyo sa panganib. Maaaring gamitan nila kayo ng salamangka, tiyak na wala kayong laban," Baliktanaw ni Saulo habang seryoso sa paglalakad sa gitna ng masukal na kabundukan.

Napahawak ang lider ng tigapag-imbestiga sa kaniyang baluti at muli na namang nagbaliktanaw.

"Sa ngayon ikaw lamang ang kaya kong mabahaginan ng enkantasyon." bumulong si Deitrich sa hangin bago ilapat ang kamay sa dibdib ni Saulo. Nakaramdam ng kakaibang init ng katawan ang huli kasabay ng paglalaho ng asul na liwanag na bumalot sa katauhan nito. "Kahit papaano ay mayroon kang proteksyon dahil sa ginawa kong labas na pananggalang."

"Patnubayan niyo kaming lahat Eliah," bulong sa sarili ng ginoo.

Nang sumapit ang gabi ay bumalik ang grupo ni Saulo sa baryong sinalanta ng kaaway upang pansamantalang makapagpahinga.

Kasama ang ilang matataas na kawal saglit silang nagpulong sa isang silong para paghandaan ang bukas na panunuyod sa iba pang parte ng kabundukan.

"Nalibot na namin ang apat na bundok sa bahaging timog na nakapaligid dito sa probinsya," Itinuro ni Bod ang bahagi ng mapa na nasa maliit na mesa.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon