Isla ng Jolif
(Traveil Realm)"Ano ang iyong pakay sa isla ng mga dragon, madastra Lilith?" magalang na tanong ni Anton habang nakatanaw sa papalubog na araw.
Nakap'westo ang dalawa sa isang talampas malapit sa batuhang bundok at mula roon ay minamasid ng babae ng kadiliman ang bahagi ng gubat na natupok ng apoy.
Nang mapansin ay nabaling din ng tingin doon si Anton. "Mukhang may sagupaang naganap sa dakong iyon,"
"Matinding sagupaan, Anton, napaka-interesante talaga ng mga dragon," nakangising tugon ni Lilith
"Tila yata mayroon kayong binabalak?"
"Malalaman mo rin, Anton, nalalapit na," saka ito humalakhak.
Naantala ang usapan ng dalawa matapos magliparan ang mga dragon patungo sa batuhang bundok. Saglit na nabaling ang tingin nila roon.
"Sa oras na manumbalik ang buo kong kapangyarihan, hindi magtatagal ay mababawi rin natin ang mga bagay na ninakaw ng liwanag mula sa atin, at ang mundo ay sasakupin ng Infernis," pagkasabing iyon ay sabay silang naglaho sa kawalan.
-----
GERAN.
Ang realm na pinamumugaran ng mga pinakamamalakas na tao. Ang mga Geronos(tawag sa mamamayan ng Geran) ay sadyang hinubog sa pakikipaglaban sapagkat iyon ang layunin ng Ylzeimt Geronos noon pa man, Ang pisikal na lakas ang magliligtas.
Ang Geran ay nasa kanluran ng Eloim Osean na kadikit na bansa ng Depir. Probinsiya ng Gyban-Depir at probinsya ng Birse-Geran ang hangganan at dagtutugtong sa dalawang bansa. Sa pagitan ng dalawang probinsiya ay nakatayo ang matayog na pader na binuo ng mga Geronos upang maging tanda ng hangganan ng isa't-isa. Sa harang na iyon ay mayroong isang lagusan upang makatawid ang mga tao sa bawat realm.
Noong gabing iyon, mula sa kampo na nasa taas ng pader ay natanaw ng isang Geronos ang ilang taong mabilis na tumatakbo palapit sa sa lagusan.
Nagbigay siya ng hudyat sa mga kawal na nagbabantay sa lagusan upang bigyang pansin ang mga taong palapit sa kanila.
Nang makitang sugatan ang mga ito ay agad nilang tinulungan at dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa probinsiya ng Birse.
Ilang minuto matapos ang pagliligtas sa mga Depiriang sugatan ay may mga dumating na blackamoorluna.
Sinalakay ng nasabing grupo ang mga Geronos na kawal at ginapi. Pagkatapos ay tinawid ng mga blackamoorluna ang lagusan at sinalakay ang lahat ng makitang baryo sa probinsiya Birse. Dumanak ng dugo nang gabing iyon.
Eksakto naman na nasa lugar na iyon si Fahrouk. Ang protektor ng Geran.
Kayumanggi ang kulay. Malaman ang katawan na halatang hubog sa ensayo. Anim na talampakan ang taas. Ang Geoluhàr ay mababakas sa gitnang bahagi ng buhok hanggang sa likuran. Maliban sa balabal na nakapalupot sa leeg ay wala siyang suot na damit pang-itaas kaya sambulat ang malulusog niyang kalamnan sa dibdib, braso at tiyan. Sa kanang bahagi ng braso ay natatak ang simbolo ng Geran, ang maabong alupihan.
BINABASA MO ANG
THE REALMS 1 [Unedited.Completed]
AdventureHinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat r...