16: WALUMPU

217 9 43
                                    

TRAVEIL

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TRAVEIL.

Ang Traveil ay binansagang Aproditiz na ang kahulugan ay kagandahan. Si Aproditiz ay Ylziemt Traveilis na itinalagang santa sapagkat itinuturing siya ng mamamayan na sugo ni Eliah. Ang ilang detalye tungkol sa kaniya ay nakatala sa aklat ng kasaysayan.

Ang mga mamamayan sa nasabing realm ay pinagpala nang angking kagandahan at kakisigan. Sila ang may pinakamagandang lahi sa buong mundo. 'Di kagaya ng ibang kaharian, ang Traveil ay hitik sa tradisyon, sila ang may pinakamaraming idinaraos na pista sa labindalawa. Bukod pa roon ay nagkalat din sa lupain ang mga tinatawag na aminismo. Ito ang mga taong nananampalataya kay Eliah subalit sumasamba rin sa mga puno, kabundukan at iba pa.

Makikita ang Traveil sa mapa na nasa pagitan ng dalawang kaharian. Ang Veny na nasa hilaga at Saphiro na nasa timog. Nakapwesto ang nasabing realm sa dulo ng gitnang-silangan.

Bukod sa magagandang lahi ay nagtataglay din ang kaharian ng masaganang lupain, pamumuhay at magagandang kapaligiran. Maraming tagong kwentong kababalaghan ang bansa kaya naman napuno ito ng tradisyon na magpasahanggang ngayon ay nagpapatuloy.

Ang Traveil at may apatnapu ng hari ang nagdaan at isa sa hindi pinakamalilimutang namuno ay ang kasalukuyang hari na si Zigfred.

Dalawampu't isang taong gulang ng mahalal siya bilang hari.

"Sa ngalan ng Dakilang Manlilikhang si Eliah, ng Eloim Osean, ng Aproditiz at ng buong ninuno ng Traveil, isa ka ng ganap na hari-humayo ka at gampanan ng maayos ang pamumuno sa buong bansang Traveil!"

Dumagundong ang malakas na tunog ng malalaking instrumento matapos ang seremonya. Naglakad paharap ang makisig na hari matapos maiputong sa kaniyang ulo ang korona na anyong pakpak ng dragon at sa sentro ay mismong ulo ng nabanggit na nilalang.

Inayos ng binata ang kasuotan niyang gawa sa mamahaling klase ng telang nangingintab sa pagkakayumanggi. Napakaelegante nito kung titingnan at sa bahaging dibdib at magkabilang dulo ng manggas ay naka-ukit ang simbolo ng kaharian ng Traveil. Ang Dragon.

Nagtaas ng dalawang kamay si Zigfred na ginaya ng mga tao habang hawak ang maliit na piraso ng telang may simbolo ng kaharian, pakiki-isa ito bilang pagsasaya sa kaniyang pagkakaluklok. Nilibot ng binatang hari ang buong entablado habang nakangiting kumakaway. Dahil doon ay lalong lumitaw ang taglay niyang karisma na lubos ikinabighani ng nakararami, lalo na ng mga kababaihan, mapa-bata man o matanda.

"Maraming Salamat mga mamayan ng Traveil. Sa ngalan ni Eliah at ng labindalawang kaharian, sa pakiisa sa Realyansa sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan, isinusumpa ko sa banal na karagatan ng Eloim Osean, maglilingkod ako ng tapat sa aking lupaing sinilangan!"

May napahiyaw sa galak, may naiyak, may napatalon at napagulong sa mga namutawing salita ng bagong hari. Ganoon katindi ang epekto niya sa taumbayan. Iba talaga ang dating ni Zigfred, may iilan pang mga tao sa 'di kalayuan na isinisinghal ang pangalan niya bilang isang Diyos na nagkatawang tao.

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon