HRUWENN
Pinakamaliit na realm sa labindalawa.
Meron itong labindalawang lalawigan. Ang ilan rito ay liblib at bibihira mapuntahan.Noong Nero-Era ay tanyag sa buong mundo ang Hruwenn dahil sa angking yaman nito. Maraming mga manlalakbay mula sa iba't-ibang dako ng daigdig ang bumibisita rito para saksihan ang taglay na ganda hiwaga ng nasabing realm.
Isa sa mga sikat na lugar sa Hruwenn noong panahong iyon ay lungsod ng Aiy. Kaya lamang ay may malagim na pangyayari ang naganap sa bayang ito. Kalunos-lunos ang kanilang sinapit.
Sinasayaw ng sariwang hangin ang buhok ni Ram habang dinadama ang lamig na dumadampi sa buo niyang katawan.
Sakto ang tangkad, may kaputian, itim na itim ang buhok. makakapal ang mga kilay, nangungusap ang mga mata, may matangos na ilong, sakto ang hugis ng labi, matipuno ang pangangatawan.
Unang beses n'yang sumakay ng barko at ito rin ang unang pagkakataon na makapunta sa ibang realm. Mahigpit kasi ang kaniyang ama, kahit dalampung taong gulang na ay malimit pa rin siyang pagbawalan sa maraming bagay.
Pagmimina ng iba't-ibang klase ng mamahaling bato ang trabaho ni Ram kasama ang kababatang si Kelsen pati ang ama nitong si Dimo.
Tiga-Merad realm sina Ram, Kelsen at Dimo, nagtungo lamang sila sa Hruwenn dahil sa anyaya ng isang kaibigang nagmimina rin ng mga bato.
Habang papalapit ang barko sa daungan ay pumukaw sa paningin ng binata ang isang lumang gusali na nakatirik malayo sa kinaroroonan nila. Halata na niluma na ng panahon ang gusali na may simbolo ng mata sa tuktok nito.
Mula sa kinatatayuan ay matagal niya itong tinitigan.
"M-mata?" bulong niya sa sarili.
"Toreng mata ang tawag dyan," tugon ni Dimo na tila narinig ang bulong ng binata. Nasa edad singkwenta subalit may lakas pang tinataglay at kaya pa makipagsabayan.
Napalingon na may pagtataka si Ram sa papalapit na matanda. "B-bakit po mata?" muli itong bumaling sa lumang tore.
"Ayon sa sabi-sabi, ang mga nakatira sa bayang iyan ay may mga matang may kakaibang kulay."
BINABASA MO ANG
THE REALMS 1 [Unedited.Completed]
AdventureHinati ni Eliah sa labingdalawang Realm ang dati'y isang kontinente. Ang Geran, Depir, Serihch, Keenl, Merad, Levinthecus, Veny, Azlufagler, Saphiro, Ozhgo, Traveil, at Hruwenn. Para mapigilan ang paglalaban ay nagtalaga siya ng protektor sa bawat r...