6: YLNAFIZEI-YSBBAH

279 20 43
                                    


"Mula sa dulong bahagi ng timog ay sisibol ang makapangyarihang bahaghari. Isisilang siya, tatlong taon mula ngayon, dalawang dekada bago ang ika-dalawang libo't limang daang taon ng daigdig, subalit bigla siyang aagawin ng liwanag sa atin."

Sa gabi ng muling pagdilim ng buwan, sa ika-dalawang libo't limang daan ng mundo ay magbabalik siyang muli.

Ang susi upang magkaroon ng daan sa ibabaw ng mundo at muling makabalik ang ating panginoon, ang panginoon ng kadiliman."



---

WELKINNOVA
(Serihch Realm)

Ipinakita ng Baronprotektor ang itim na aklat na may labing-anim na pulgadang haba't may kapal na kalahating dangkal.

Naka-ukit sa takip-pahina ang trianggulong may tatlong bilog sa bawat anggulo, sa loob ng bawat bilog ay naka-ukit ang tatlong bagay. Sa itaas na bahagi ay mata, sa ibabang bahagi sa kanan ay rosas at sa ibabang bahagi sa kaliwa ay pakpak. Sa gitna ng trianggulo ay naka-ukit ang buwan at sa loob naman ng buwan ay nakaukit ang iba't-ibang sinaunang letra. Ito ang simbolo ng Blackamoorluna.

Sa ibabang bahagi ng simbolo ay mayroong nakasulat kaya sabay-sabay nila itong binasa.

"Ylnafizei-Ysbbah."

Matapos mabanggit ang pamagat ng libro ay saka nagsalita si Cazmir.

"Base sa pamagat, ito na nga ang aklat na matagal ng ipinahahanap ni ama. Ayon sa kaniya, dito malalaman ang tunay na kahulugan ng simbolo ng blackamoorluna na tumutukoy din sa propesiya sa pagbabalik ni Ysbbah."

Sa kanilang mundo, ang Y o Yl na letra na nasa unahan ng salita ay katumbas ng salitang "Dakila". Sa panahong kasalukuyan ay madalang o halos hindi na nagagamit ang Y o Yl, itinuturing na kasi itong wika ng mga Ylziemt (dakilang-ninuno). Noon ay Yeliah ang bigkas ng mga tao sa manlilikha, subalit sa hindi malaman na kadahilanan ay napalitan ito ng Eliah. Makikita ang sagot sa bagay na iyan sa aklat ng kasaysayan.

"Dakilang propesiya ng dakilang Sbbah," isinalin ni haring Zigfred ang kahulugan ng pamagat ng aklat habang nakaturo sa mga letra.

"Ano namang bagay ang nakagugulat sa nilalaman n'yan?" malamig na tanong ni Claude.

Binuksan ni Cazmir ang aklat at sinimulang ilathala ang ilang nilalaman nito.

"Simula ng nagkaroon ako ng kaunawaan sa mga bagay-bagay ay lagi ko nang iniisip kung ano ba ang layunin ko sa mundong ito."

"Matagal bago ko 'yon nalaman, maraming pagkakataon ko pa lang tinatanggihan ang biyaya n'ya sa akin."

"Hanggang isang gabi, lumitaw ang pangitain. Nalaman ko ang sagot sa aking tanong, kung ano'ng aking layunin sa mundo. Mapalad ako, napakapalad."

"Matagal na akong tinatawag ng tinig, Matagal na pala s'yang naghihintay sa akin. Oo ako nga! Aking naintindihan ng dahil sa pangitaing iyon na ako nga."

"Ako nga ang Pinili para mamuno sa kaniyang pagbabalik."

"Salamat sa paghirang sa akin panginoon ng kadiliman. Ysbbah, inilaan mo ako para sa gawaing ito."

"Ako'y hahayo hanggang sa nais mo kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito. Ako'y hahayo upang ihayag ang pagbabalik mo."

Patuloy na nakinig ang lahat.

"Nagkaroon na naman ako ng pangitain. Noong unang limang daang taon ng mundo ay isinilang ang paglaya ng kadiliman subalit ikinulong ito ng liwanag sa pinakamalalim na bahagi ng daigdig, sa Infernis."

THE REALMS 1 [Unedited.Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon