Kabanata II

4.8K 110 5
                                    


Masakit isipin na ibinigay mo ang iniingatan mo sa taong itinuring mo nang kapatid. Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko kayang sayangin ang buhay ko dito sa mundo. Mas gugustuhin ko na makuha niya ang gusto niya kahit labag sa kalooban ko kaysa papatayin niya ako ng ganitong kaaga.

Aakmang tatayo ako ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko kaya napahiga ako pabalik.

"Saan ka pupunta?" alam kung nagising ko siya kasi klaro naman sa boses niya na galing pa talaga siyang natulog.

"Uuwi na ako." at kinuha ko ang mga kamay niya sa bewang ko pero lalo niya itong hinigpitan.

"Hindi ka aalis." matigas niyang sabi sa akin.

"Nakuha mo na ang gusto mong kunin. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko ha?" sabi ko sa kanya. Nagwagi ako nung kinuha ko ang mga kamay niya sa bewang ko. Kinuha ko ang kumot at kinumotan ang sarili ko.

"Wag kang mag-alala. Nakita ko na yan. Dapat nga ipagmalaki mo pa yan eh."

"Sino ka ba ha? Hindi na ikaw si Kiel! ibalik mo ang kaibigan ko!" nilapitan mo siya at hinampas-hampas pero nakuha niya ang isang kamay ko na nakahampas sa kanya at ang isa naman ay nakahawak sa kumot pero kinuha niya ang isang kamay ko kaya dalawang kamay ko na ang hinawakanniya dahilan para mahulog ang kumot. Akmang tatanggalin ko ang ang mga kamay niya pero . . .

"Sige, kunin mo kung ayaw mong makalabas ka pa rito ng buhay." Sabi niya. Hindi na talaga siya ang kaibigan na nakilala ko. Hindi na siya si Kiel!

Ngayon ko pa namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Gusto ko ng Bumalik sa bahay. Gusto kung bumalik ang Kaibigan ko. Gusto kung bumalik na si Kiel!

'Kiel, bumalik ka na' sabi ng isip ko.

"Mary. Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit wala na ang Kiel na kaibigan mo noon." agad akong napatingin sa mukha niya. Ako? Okey pa naman kami nung isang araw ah? Bakit, bakit ako?

"Napakamanhid mo para hindi mo makita ang nararamdaman ko, Mary. Noon pa lang, mahal na kita. Ginawa ka para sa akin. Kaya kailangan mo rin akong mahalin. Lahat ng sayo noon ay akin na ngayon pati na rin ang katawan, puso at kaluluwa mo! Tandaan mo yan Mary." napasinghap ako nung sinigawan niya ako. Hindi ko na talaga siya naiintindhan!

"Walang nagmamay-ari sa akin, Kiel. Kahit ako ay hindi man kailan nag-aari dito sa mundo! Ako ay pagmamay-ari ng Diyos, naiintindihan mo ba yon?" paiiyak na pasigaw ko rin sa kanya.

"Diyos? Asan siya? Diba wala siya dito?Paano ka niya ipagtatanggol ngayon ha? Sundin mo nalang ang kapalaran mo Mary. Kahit kailanman ay di ka niya kayang tulungan." napaawang ako sa sinabi niya. Paano niya nasabi ang mga yun? Sabay kaming nagsisimba noon, sumasali kami sa mga GSK, sabay kaming lumaki sa banal na lugar, pero bakit? Parang hindi na siya si ---

"L-luma-ma-yo ka-a! Hindi na ikaw ang kaibigan ko!" kinuha ko ang kumot at ang mga kamay ko sa kanya, tumayo at lumayo ako sa kama. Dali-dali akong pumunta sa pintuan pero na abutan parin niya ako at hinarap niya ako sa kanya.

" Oo, tama ang iisip mo. Hindi na ako si Kiel na kaibigan mo. Ako, si Kieljandro Dominggo, na isang taong binenta ang kaluluwa sa demonyo!"

"Ba-baki-kit mo nagawa yun?" hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko kaya hinayaan ko itong tumulo.

"Bakit? Bakit Kiel? BAKIT?" hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya pala ang mga bagay na iyon.

"Ito ang kasagutan kung bakit naging ganito ako." Agad niya sinakop ang bibig ko. Noong una itinutulak-tulak ko pa siya pero sadyang malakas siya kaya bumigay na lang ako pero hindi ko pa rin binuksan ang bibig ko. Dahil matigas ang ulo ko, hindi ako sumunod sa kung ano ang ginagawa niya. Hinawakan niya ang bewang ko pero wala pa rin ako. Hinigpitan niya ang paghawak sa bewang ko at pinisil niya ang pang-upo ko dahilan para makapasok ang dila niya sa bibig ko.

"Ano b-- hmmp!" agad niya akong dinala pabalik sa kama at ginawa namin ang di dapat ginagawa ng tulad naming hindi pa kasal.

- - - -

Alas 7 na ng gabi. Nagmamakaawa talaga ako kay Kiel na umuwi pero may isang kondisyon siyang ibinigay.

"Sasama ako."

At ngayon, kasama ko siya. Hawak hawak niya ang kamay ko ibig sabihin, hindi ako makakawala sa kanya.

Nakarating din kami sa bahay naman. Kinakabahan akong pumasok. Paano ko ba sasabihin sa kanila? Isang ayaw kung gawin sa tanang buhay ko ay ang magsinungaling. Nagsinungaling na ako noon pero ayaw ko ng ulitin pa.

Bibitawan ko na sana ang kamay niya ng hilahin niya ito pabalik.

"Wag mong kunin." Wala na talaga akong magagawa pasinabi niyang 'sundin mo ang lahat' na tono. Nakakainis lang kasi eh! Parang nasa isa akong hawla na hindi pinapakawalan ng amo niya.

Pumasok na kami sa bahay at bumungad ang mga nag-aalalang mukha ng pamilya ko. "Erine, anak." lalapitan sana ako ni Papa ng hilahin ako ni Kiel patungo sa matipuno niyang katawan. Pinagseselosan niya ba ang Papa ko?

"Erine, bakit ngayon ka lang? nag-aalala kami sayo. Isang araw at kalahati kang nawala? nagpapasalamat kami at walang masamang nangyari sayo. Kiel, salamat at binantayan mo ang kapatid ko." sabi ni ate Dianne. Panganay sa aming magkakapatid.

"Walang ano man po." sabi ni Kiel. Iba ang aura niya kanina at ngayon. Nagpapanggap ba siya? tsk!

"iho, salamat at kasama mo lang pala ang anak ko. Erine, sa susunod magpapaalam ka ha? Hindi yung hindi namin alam na aalis ka pala kasama si Kiel." sabi naman ni Mama.

"Opo." saad ko rito.

"Tito, Tita, Ate, may sasabihin po kami ni Mary." Agad akong napatingin sa kanya. Kami? may sasabihin kami? ano naman ang sasabihin ko?

"Will be getting married TOMORROW."

Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon