"Bro, maglalunch muna tayo. Kahapon pa kasi ako walang kain." Sabi ni Denver kay Kiel.
Nakahawak pa rin ang kanang kamay ni Kiel sa bewang ko. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang sarili kong kamay ng hawakan nung kaliwa ni Kiel. Napaangat ako ng tingin sa kanya pero nakatingin siya kay Denver habang si Denver ay nakatingin sa magkahawak naming kamay.
Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Denver sa ganitong sitwasyon. Naiiyak na ako , na ewan. Hindi ko maiintindihan ang mga kinikilos ko ngayon.
"Sure. Nagugutom na rin kasi kami ng asawa ko. Masama pa naman sa kanya ang magutom." Bigla naman akong napatingin kay Kiel. Pinagsasabi nito? Wala naman akong sakit ah! Itong lalaking to, gusto ata ako siraan.
"Sa Moonlight na lang tayo kakain. Ano sa tingin mo, pre? I'm sure magugustuhan rin yun ng asawa mo." Bigla akong napahinto. Napahinto rin si Kiel.
Nang-aasar ba ang tadhana? Noon, halos ipagdamot sa akin ang kaligayahan ng nag-iibig. Ngayon, gusto atang ipakain sa akin ang pinagdamot noon. Like, seriously? is this what we call na miracle or blessing? Kasi kung himala ito, bakit nangyari pa kung saan nagback-out na ako na magkaroon ng karelasyon at kung blessing ito, ah! I don't know! Nakakapraning na ang mag-isip!
Napatingin ako sa mga mata ni Kiel. Tinignan niya rin ako sa mata. Parang hinalungkat nito ang mga iinisip ko ngayon. Nakita ko na naman ang dark side nito sa mata na parang galit at selos pero agad iyon naglaho.
"Hon, gusto mo ba dun?"
Wala naman kasi akong choice eh.
"Kahit saan. Okey lang."
"So pare, how's the company this past few months?" Sabi ni Denver kay Kiel.
"Okey naman. We are opening for new branches in Visayas and Mindanao. And as what as Mr. Demecillo told us, the chinese and arab investors would like to invest in our company. Once they will love the products, ipapaexpand na daw ni Mr. Demecillo ang mga branches natin dito sa asia." Saad naman ni Kiel. I just ignore what they are talking about. Business naman kasi ang pinag-uusapan nila.
"Well, thats good to hear." sabi naman nito.
Mga ilang minuto na rin kaming naghihintay sa order namin dito sa Moonlight.
After the long conversation, sa wakas at natapos na rin sila. Hindi ko naman maiintindihan ang pinag-uusapan nila. Natapos lang ang kanilang pag-uusap ng dumating na ang order.
Ba't ang baho ng food?
"So, shall we eat?" Sabi ni Denver sa amin.
Nilapitan ko si Kiel at sinabihan. "Kiel, pwede mo bang palitan tong pagkain? Kasi ang sakit sa ilong ko eh. Ang baho. Ayaw ko sa amoy." Sabi ko sa kanya. Eh sa magsisinungaling ako. Why not tell the truth?
"Are you sure?" Patanong ni Kiel sa akin.
"Pretty sure."
"Is there any problem?" Tanong ni Denver sa amin.
"Ayaw niya sa food." Saad ni Kiel.
"Diba Cathy you like prawns?" Sabi ni Denver sa akin. At dahil sa tanong na yun, napatanong si Kiel.
"Paano mo nalaman ang favorite food niya?" May something sa voice niya nung pagkasabi nun. Parang iritado, iinis at ... selos.
Nabilaukan si Denver nung tinanong siya ni Kiel. Pero agad siyang nakabawi.
"Nung nagpili kasi siya ng maoorder ay parang lasap na lasap siya sa kanyang oorderin. That's why." At bumalik na siya sa pagkain.
"Ah-eh Kiel, paki order nalang ng shake. Pupunta muna ako sa C.R."
Agad akong tumayo pero pagtayo ko, nahilo ako. Akala ko mahuhulog talaga ako sa sahig pero may nakasalo sa akin.
Si Denver.
Nabalik lang ako sa realidad nung dumating si Kiel galing sa opisina. Tumingin kasi ako ng teleserye. Wala kasi akong trabaho ngayon kasi nag-iisa lang naman ang trabaho ko. Ang isang missionary.
Narinig ko ang busina ng kanyang sasakyan, binuksan yun ni Anita kaya pumunta nalang ako sa kwarto para magbihis. Tapos na rin naman akong magluto at nakahain na rin ang mga kakainin niya doon. Oo, ako ang nagluto kasi gusto ni Kiel na ako ang magluto. Pagkatapos kung magbihis, humiga muna ako sa kama. Kanina pa akong natutulog. Paggising ko kasi kanina, nasa kwarto na ako. Nakabihis na. Ang naalala ko lang ay nasalo ako ni Denver. Hindi ko nga alam kung ba't nahilo ako kahapon. Kumain naman ako nung umaga. Yung paborito kong ulang, hindi ko nagustuhan ang amoy. Hindi ko nga alam kung bakit.
Biglang bumukas ang pintuan. Si Kiel.
"Kainin mo muna ang hinanda ko na pagkain." Sabi ko sa kanya pero nabigla ako nung tinanong niya ako.
"Bakit mo kilala si Denver?" Hindi ko napaghandaan ito. Sabi ko na nga ba eh.
"As what I told you yesterday, he was my schoolmate before." Buti hindi ako nautal.
"Siguraduin mo lang Erine kasi pagnalaman kong may kabit ka, I will fuckin' kill that animal with his family." Wala akong karapatan na mangangaliwa kasi utos ng Diyos sa atin na nakalagay sa Sampung mahahalagang utos ng Diyos. Pero ang pinalaayaw ko sa lahat ng narinig ko sa kanya ay papatay siya ng tao o mga tao pagnangangaliwa ako.
Dapat na talaga siyang katakutan. There's a devil living not only on his body but also in his mind and soul.
Mapapabago ko pa kaya ang takbo ng kanyang isip?
Should I love him?
"Inumin mo 'to. Yung mga prutas at gulay lang kainin mo." Binigyan niya ako ng gamot.
"Ako lang?"
"Ikaw lang." May bipolar ata 'tong si Kiel. Paibaba kasi ang mood. Magagalit at magiging sweet.
May nakalimutan pala akong itanong kaya tinanong ko siya. "Ahm Kiel, Anong nangyari kahapon? Diba nahimatay ako nung tanghali? Ba't tinanghali rin ako nagising?"
"Nastress ka lang. You need a lot of rest kaya nga kita binigyan ng vitamins. Hindi ka na nag-iisa." Doon ako nagtaka sa huli niyang sinabi. Hindi na ako nag-iisa?
"Ah, t-thank you. Pero anong hindi ako ang nag-iisa ang ibig mong sabihin Kiel?"
" Just stay healthy. Kaya matulog ka na." Kanina pa talaga ako inaantok pero 'tong bunganga ko, hindi matigiltigil sa kakatanong.
"Kiel, I want to work." Hindi ko na nakayanang ibuka ang aking mga mata kaya isinara ko nalang ito.
Hindi ko na mailinaw ang kanyang sinabi kasi tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.
"You can't Erine. You don't need to be stress out 'coz your bearing my child."

BINABASA MO ANG
Hell Mary
Ficção Geral"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez