Matapos kumanta ay pinaupo ni Denver ang dalaga. Hindi mawala-wala ang pagkagulat nito. Napangiti na lang siya. Mga ilang mga minuto rin silang tahimik kaya napagtanto ng binata magsalita.Pero naunahan siya ni Erine.
"Happy Birthday." tapos ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. She look so angelic on her gown and make-up tonight. Hindi siya nagkamali sa pagpili ng gown. May taste rin pala siya kahit papaano.
"Thank you." parang bumigat ang atmosphere ng dalawa dahil sa awkwardness na namamagitan. Kaya sinimulan niyang mag-isip isip kung ano ang mga magagandang bagay na pag-usapan pero sa pangalawang pagkakataon, naunahan siya ni Erine.
"Akala ko maraming guest ang dadalo, bakit tayo lang? Its your 21st birthday, right?" tanong nito dito. He was already have an answer to that question.
"I just want only you to be on my special day." sagot nito.
"Why me? How about your family, your friends?" he was about to answer the question when the waiter has already arrive bringing the food for their dinner.
"I will tell you later but for now kumain muna tayo. Kanina pa akong walang kain eh." tas tumawa siya ng mahina lang habang pailing-iling ang dalaga.
"Tita, kailan po ba uuwi si Erine?" tanong ni Kiel sa mama ni Erine. Dumiretso siya dito pagkatapos ng final exam nila para makibalita. Gusto niya sanang itext ang dalaga pero pinigilan niya ang sarili na itext ito.
"Oh hijo, ikaw pala yan. Halika at kumain ka muna rito."
"Ah 'wag na po. Sa bahay na po ako kakain. Nandito lang po ako para itanong kung kailan uuwi si Erine." sabi nito sa ina ni Erine.
"Sa susunod na araw ko na siya papauwiin. Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Namiss ko ang anal kong yun."umupo ito sa silya. "Halika ka na iho! masarap 'tong luto kong adobo! 'Wag kanang mahiya! 'Nu kabang bata ka!" tumatawa-tawang pagpilit nito sa binata.
"Sige na nga po. Nagugutom na rin po kasi ako." tumawa na rin ito.
Pagkatapos nilang kumain ay nagkwentuhan lang sila ng kung ano-anong bagay.
"Favorite food? Favorite Color? Favorite movie line?" tanong ni Denver sa dalaga. Gusto niya lang malaman ang mga gusto nito. Gusto niyang malaman ang tunay na Erine. Gusto niya si Erine. Gusto niya ito.
"Ang dami naman pero sige na nga! Favorite food? Adobong manok especially pagluto ni mama! Favorite color, ahmm rainbow kasi para lang siyang buhay ng tao, hindi ito magiging balanse kung wala ang isang elemento. Mawawalan ng silbi ang ibang kulay kung wala ang isa. At favorite movie line? Ahmmm," nag-iisip ito habang nakatingin sa langit."Hindi mo malalaman na may kulang hanggang walang darating na mag-pupuno."
Matamtang tumingin si Denver sa dalaga. Natamaan siya sa sinabi nito.
Sinabi ito ni Erine ng nakatingin sa ulap tapos ibinaling niya ang tingin kay Denver at ngumiti.
"Sa 'The Mistress' yung line na yub kaya lang nakalimutan ko kung sino ang nagsabi nun. Basta ang natatandaan ko ay yung linya lang, hindi yung nagsabi." tapos tumawa na ito. Pero tumigil lang siya sa pagtawa nung nakita niya na seryoso ang kausap nito kaya tumingin siya sa ibang gawi. Naalala niya ang sinabi nito kanina bago sila kumain kaya tinanong niya ito.
"Ah, Denver. Ahmm," hindi niya matanong agad ang dapat itanong. Nabigla siya ng tumayo ito sa upuan at nilahad ang kamay.
"Let's dance." alinlangang kinuha iyon ni Erine. Para kasing bumalik ang awkward atmosphere sa kanila.
From the moment I met you, I just knew you'd be mine
Nagsimula na ang musika kaya sumayaw na rin sila. Sinasabayan nila ang musika.
You touched my hand and I knew that this was gonna be our time
"Erine," pasimula nito. "The moment I laid an eyes on you, I know it was you. I felt like there's something missing everytime if I didn't see you."
I don't ever wanna lose this feeling
"This heart of mine beats everytime you smile. Nakakabaliw ang ngiti mo Erine. Parang dinadala mo ako palagi sa langit."ngumiti si Denver. Deep inside, parang may kung anong bagay'ng lumilipad sa tiyan ni Erine.
I don't wanna spend a moment apart
"Please listen carefully to the lyrics. The message of the song explains my feelings . . . for you."Sa loob-loob, natigilan si Erine. Hindi nagsink-in ang sinabi nito sa kanya. Pinagpatuloy lang nila ang pagsayaw. Nang magsink-in sa kanyang utak ang sinabi, agad siyang nakinig ng maayos. Gusto niyang malaman kung ano ang laman ng kanta.
'Cause you bring out the best in me,
like no one else can do
That's why I'm by your side
and that's why I love you
Biglang lumuhod si Dencer sa harap niya ng may dalang couple ring.
"Kaya ikaw lang ang nandito kasi this night would be special if ikaw lang at ako."
"Erine, I just know you a couple of months ago pero itong puso ko eh . . . ang hirap turuan. Sa araw araw na nakikita kita, parang ayaw ko ng mawala ka sa tabi ko. Bakit ka pa dumating sa buhay ko?" tumingin ito ng maigi sa kanya. Gusto niya sanang sumabat pero hinayaan niya itong magpatuloy. " Alam mo, ang dami kong pangarap sa buhay. Pangarap na binuo ko mula pagkabata. Pangarap na hindi ko inasahan na sa isang iglap, pwede palang mawala. Bakit ganito, Erine? Bakit isang araw, gumising ako na . . . ikaw na ang pinangarap? . . . 'Yung sinabi mo kanina na 'Hindi mo malalaman na may kulang hanggang walang darating na mag-pupuno', dun ko napagtanto na hindi pa pala nawala ang pangarap ko mula pagkabata. Hindi pala ito mabubuo kung may kulang. Pero dumating ka at unti-unti mo ng pinupuno ang kulang nitong puso ko."
". . . Erine, ikaw na lang ang kulang. Posible kaya na matupad ang pangarap ko, kung sasagot ka ng 'oo'?. . ."
". . . Mary Catherine Mendez, Pwede ka bang maging akin?"
BINABASA MO ANG
Hell Mary
Fiksi Umum"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez