Kabanata XI

1.8K 40 0
                                    

"Cathy!" napatingin naman agad ang dalaga sa tumawag ng pangalan niya.

"Oh, Denver. Good Morning." nginitian naman ito ng dalaga. Lumapit ang binata at saka kinuha ang mga gamit na dala-dala ni Erine.

"Akin na." Ibinigay na lang ni Erine ang kanyang gamit. Ganito naman kasi ang nangyayari pag nagkikita sila.  Hindi naman kasi ito titigil hangga't hindi nito masunod ang gusto. Sa dalawang buwan niya sa CDO, hindi na siya tinantanan ng binatang Demecillo. Ihahatid sa bahay ng lolo niya, tinatawagan at tinetext siya kung kumain na ba daw ito, kamusta na daw ang lolo ng dalaga, may lakad ba daw siya, anong oras daw ang klase ng dalaga. Hindi naman siya nililigawan ni Denver pero kung makaakto kasi parang boyfriend niya ito. Hindi pa siya nakakaranas ng magboboyfriend kasi sabi ng mama niya,

'Erine, mag-aral ka muna bago magjowa.'

Yan ang laging sinasabi ng mama niya, kaya nga hindi na siya nagkaroon ng crush ninoman. Tila naging bato ang puso niya.

"Thank you Denver ha? Pero parang di naman ata tama 'tong mga ginagawa mo eh." diretsong sabi niya sa binata. Napatigil ito sa pag lalakad at tinignan siya na nakakunot ang noo.

Agad naman siyang nakabawi. Baka kasi iba ang iniisip nito sa sinabi ng dalaga.

"I mean dapat sa girlfriend mo ito ginagawa. Hindi naman kasi ako ang girlfriend mo eh." bawi nito.  Narinig niya kasi ito nung nakaraang araw na may kausap sa telepono. Tinawag niya kasi itong babe. Parang nagtatalo ito. Itatanong niya sana kung bakit umabsent ang kaibigang si Annaliece, reporting kasi nila sa College Algebra.

"Bakit mo naman nasabi na may girlfriend na ako?" tanong niya kay Erine. Bumuntong hininga naman si Erine. "I-i hear you called someone in your phone 'babe'. I was about to ask you kung nasaan si Annaliece. I didn't mean to listen to your conversation naman eh. I 'm sorry." paghingi niya ng paumanhin dito. Yumuko nalang siya dahil parang naiinis na ang binata dahil sa nirinig niya sa dalaga.

Mga ilang minuto rin silang nakatayo sa hallway ng kanilang eskwelahan. Walang nagbalak na magsalita. Mga ilang minuto rin bago napagdesisyunan ng dalaga na magsalita pero naunahan siya ng binata.

"She's just a friend. No need to worry." feeling ni Denver parang nag-eexplain siya sa kanyang girlfriend.

"Ah, ok. N-nga pala, asan pala  si Annaliece?" tanong niya dito. Hindi pa kasi ito nakapasok hanggang ngayon. Mga tatlong araw na itong absent.

"She's with her husband. They go to Palawan. May mahalaga daw'ng aasikasuhin." sagot naman nito sa tanong ng dalaga. Ang dalaga na naman ang napatigil.

'Asawa? Mukhang ang bata pa niya para mag-asawa.' sabi ng isip niya. Mukhang nabasa naman ng binata ang nasa utak ng dalaga kaya inexplainan niya ito.

"She's already 22. Bata pa kasi ito ng mabuntis. Hindi naman siya tinakbuhan ng kanyang nobyo. Kaya nadesisyunan ng magkabilang pamilya magpakasal sila. Matagal-tagal rin hindi nakapasok ng paaralan si pinsan dahil binabantayan niya ang kanyang  mga anak. Mga 4 na taon rin yun kaya nung nakalipas na taon lang siya nakabalik sa pag-aaral." pag-explain ng binata.

"Ah, parang mas bata pa siyang tignan kumpara sa akin." pagkukumpara ng dalaga sa kaibigan.

Natawa naman ang binata sa inasal ng dalaga. Kaya pinisil nito ang mukha ni Erine. "Ba't ba ang cute mo?"

"Ano ba Denver?! Bitawan mo nga ako?!" matapos nitong binitawan ang dalaga ay tawa lang ng tawa ang binata habang naiinis na hinaplos  ng dalaga ang pisning pinisil.

"Owh! Let me rephrase that. Ba't ang ganda-ganda mo?"

* * * *

"Ma, kamusta na kayo jan?" chat niya sa mama niya sa isang online app noon.

Nakita naman niyang nagtatype na rin ang mama niya. Pagkuwa'y ilang segundo ipinadala na rin nito ang mensahe sa anak.

"Ayos lang kami ng ate at kuya mo rito. Ikaw jan anak?" ito ang mensaheng pinadala ng mama niya galing maynila via internet.

"Ayos lang naman po ako rito. Medyo stable na rin si lolo." puna niya rito at tsaka pinadala ang mensahe.

Habang sa Maynila, ang mama ni Erine ay halos manlamig na sa pagpapadala ng mensahe. Kanina pa siya balisa kung sasabihin niya na ba na may malaking problema sila.

Kinakabahan man ay nagawa niya pang magreply ng maayos sa anak.

"Anak, mag-iingat ka jan ah?" tapos ay inoffline niya na ang chatmode nila ng anak.

She feel so very guilty. Kung bakit hindi niya masabisabi ang problema nila sa kanilang mga anak. Nagkaroon kasi sila ng problema sa kanilang pamilya dahil ang asawa nito ay nagkasakit ng cancer sa Japan. Doon kasi ito nagtatrabaho. Hindi ito pwede ng umuwi dahil hindi pa daw tapos ang kontratang pinirmahan na dalawang taon siya magtatrabaho doon. Wala pa siyang isang taon doon ng malaman nitong may kanser ito sa baga.Hindi masabi-sabi ng mama ni Erine sa kanila dahil nauunahan siya ng takot kaya minabuting itinahimik ang isyung iyon. Nangutang siya ng malaking halaga sa pamilyang Dominggo ng sampung milyong piso para sa pagpapagamot ang asawa na nasa ibang bansa. Sari-sari store lang ang kanilang negosyo pero malaki naman ang kita nito pero kalaunan unti-unting nauubos ang puhunan dahil sa pagbayad ng ipapagamot.Three years lang ang palugit ng mga Dominggo kaya kailangan niyang mabayaran ito kundi may isang tao ang magsasakripisyo para sa kanila.

Sa CDO naman ay naiinis na inoff ni Erine ang laptop dahil mabilis nag-offline ang mama niya. Namiss niya kasi ito tapos madali lang itong nag-offline. Kaya pagkatapos nitong inilagay ang Laptop sa study table nito ay minabuti niyang minasdan ang kanyang cellphone na nakapatong sa drawer. Nagtataka siya kung bakit hindi nagtetext o tumawag man lang ang kaibigan nito na si Kiel. Pati na rin ang bago at makulit na kaibigan na si Denver. Lagi kasing nangungulit ang dalawa. Halos magkasabay ngang magtext eh!

'I miss him.'

Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy niya basta ang alam niya, may na miss siya.

Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon