Thanks pala kay @Lowieren for adding my story in her reading list. And to @GraceEscober at @Ali_yah for voting. You don't know how happy I am, reading your names in my news feed everytime I update HM. Salamat sa pagvote! Keep it up guys. And sa mga silent readers, thank you rin. Happy 1.7k reads.
* * * *
[Kailan ang uwi mo?]
"Baka mga..." binilang nito sa kanya ng isipan kung kailan siya mananatili sa probinsya. "2 years pa." sabi nito sa kausap sa telepono.
[WHAT?! 2 YEARS?! Paano na ang pag-aaral mo?] tanong sa kabilang linya.
"Dito daw muna ako papaaralin nila mama. Okey naman rin dito kasi mura lang ng tuition fee ng mga universities at colleges hindi gaya jan sa Manila." saad naman niya sa kausap.
[Pupunta na pala si ate next month sa Johannesbourgh. Nagtatampo siya sayo dahil hindi ka raw nagpaalam sa kanya nung umalis ka dito.] sabi ng kanyang kausap na si Kiel. Hindi siya nakapagpaalam sa kaibigan dahil agad silang pumunta sa Cagayan De Oro para bantayan ang lolo niyang nagkasakit. Inatake kasi ito sa puso kaya imbis na magpapaenroll na sana siya sa isang Unibersidad ng Manila sa mismong araw na inatake ang lolo pero sabi ng mama niya na kailangan niyang pumunta sa CDO para bantayan ito dahil hindi daw ito binabantayan ng tiyahin niya sabi ng kaibigan ng mama niya na nakatira sa pareho na lugar at dito na mag-aral. Imbis na mama niya ang pupunta, siya na lang daw dahil hindi nito maiwan-iwan ang maliit na negosyo sa Manila.
Magpapaalam sana siya sa kaibigang si Freigh pero agad rin siyang pinapunta sa probinsya, mga 3 oras matapos ang insidenteng naganap.
"Pakisabi na lang kay Ate Freigh na sorry talaga kasi kinailangan ko ng umalis nung mga oras na iyon."
[ tsk! Sige na nga! Hindi ka nga rin nagpaalam sa akin eh.] nagtatampong sabi ng kausap.
"Anong hindi? Nagpaalam kaya ako." depensa nito.
[ Sa text lang. ] agad na sabi nito.
"Oh-eh nagpaalam pa rin yun."
[ Andito na si Ma'am. Ibababa ko na ah? I love YOU!] inemphasize nito ang you.
"Ganyan ka naman talaga eh. I lalab yow tow!" hindi niya kayang mag-ILoveYou sa tamang pronounciation nito. Naaawkwardan kasi siya.
Binaba na niya ang tawag dahil magagalit na naman ang binata dahil hindi na naman nito sinabi ng sakto ang 'I love you'.
Mga tatlong araw na siya dito sa CDO. Walang pinagbago ang lugar, maganda pa rin ito. Nung bata pa kasi siya ay dinala siya ng mama niya dito para makilala ang lolo't lola niya na nakatira dito. Kagay-anon kasi ang mama niya habang ang papa niya ay taga-Manila. At ngayon, titira siya dito for 2 years para bantayan ang lolo. 3 taon na rin nung yumao ang lola niya. Ang tiyahin niya naman ay walang ibang ginagawa kundi ang maglakwatsa o pupunta sa kanyang kalive-in na nasa Butuan. May galit raw kasi ang tiyahin niya sa kanyang lolo kaya hindi raw nito masikmura ang bantayan ito. Ang kaibigan lang ng mama niya ang nagdala nito sa hospital nung inatake ang lolo niya. Kaya ngayon, kailangan niyang bantayan ang lolo niya.
* * * *
Andito siya ngayon sa hospital at binabantayan ang lolo niya ng dumating ang hindi niyang inasahan na tao.
"Tiya."
"Oh, andito pala ang prinsesa ng mga Mendez." sarkastikang pagkasabi nito.

BINABASA MO ANG
Hell Mary
Ficción General"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez