Nasa opisina kami ni Judge Paco. Family friend ng pamilyang Dominggo . Oo, tama ang hula niyo. Kinasal na ako bago pa lang. Kung bakit? Balikan natin ang mga nangyare kahapon . . .
-FLASHBACK-
"Ki-kiel." Napanganga ako. Ikakasal? Ikakasal ako? sa kanya? at Bukas . . na?
"Kung hindi kayo papayag, sabihin niyo nalang at sisiguraduhin kong mawawala ang lahat na pinaghihirapan niyo." malumay niyang sabi.
"hijo, alam mo naman na isang half-time missionary si Erine diba? Bukas na ang kanyang flight papuntang Israel para sa kanyang misyon at pagkatpos nun, pwede na siyang pumasok sa missionary sisters of Mother Theresa. At sa pagkakaalam ko walang boypren tong anak ko. Eh, paano na--" naputol ng papa ko ang sasabihin niya ng nagsumigaw si Kiel.
"ANG PINAG-UUSAPAN DITO AY ANG KA;SAL NAMIN BUKAS! eto at pirmahan niyo yang mga yan." inihagis ni kiel ang isang envelop.
Agad namang kinuha at binuksan ni papa ang envelop. Mga papeles ata yun, pero hindi ko alam kung ano ang laman.
Lumapit naman si mama kay papa. Nagtatanong naman ang mg mata na tumingin sa akin si ate Dianne. Yumuko nalang ako.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Natigilan si mama at si papa.Ano kaya talaga ang laman ng papeles na;yon?
"Babayaran rin namin yan sa tamang panahon hijo. Wala pa kaming pera sa ngayon Baka pw--" naputol nanaman ni papa ang sasabihin ng nagsalita si Kiel.
Ang bastos na niya ngayon ah? May respeto yung Kiel na kilala. Nga naman pala, isang demenyo na pala itong taong katabi ko ngayon.
"JUST F*CKIN SIGN THAT F*CKIN PAPER OR I WILL DESTROY YOUR F*CKIN SMALL BUSINESS! "
-End of flashback-
tinakot niya ang pamilya ko. Na kapag hindi makakapagbayad ang mg magulang ko sa mga utang nila sa pamilya ni Kiel, ipapakulong daw niya ang mga magulang ko.
Wala talaga siyang hiya! Sumusobra na siya! Pati ba naman ang mga magulang ko ay papatulan niya?
Okey lang sana kung ako na lang ang sinigawan niya nung gabing iyon.
Masakit para sa isang anak na nakikita na naghihirap , na nasasaktan ang kanang mga magulang.
"Mabuhay ang bagong kasal." sabi ni Judge Paco. Siya yung nagkasal sa aming dalawa ni Kiel.
Nandito pala kami sa baguio. Dito kami kinasal.
"Tito, can we go now? I can't wait to take my wife." saad ni Kiel.
"Wait, you both need to sign this marriage certificate hijo then tou can take your wife anywhete you want." sabi ni Judge Paco sa amin. Yumuko nalang ako.
Ano ba yang mga sinasabi ni Kiel , nakakahiya! Narinig kung tumawang mahina ang mga kaibigan ni Kiel.
Limang tao lang ang nasa room na ito. ako, si Kiel, si Judge Paco at mga kaibigan ni Kiel na sina Josh at Paulo.
Hindi nakadalo ang mga magulang ko kasi pinagbawalan ni Kiel na makita ng mga magulang at mga kapatid ko ang kasal namin.
"Pirmahan mo na ito hija. Tignan mo yang asawa mo, hindi na mapapakali." tumawa ng mahina si Judge Paco.
Pinirmahan ko na ito. Tinagalan ko talaga para mainis siya.
"Bilisan mo nga !" oh diba? nainis ang lola niyo.
"Ito na po judge Paco. Maraming " sabi ko sa kanya.
" hija, you can call me tito since ako lang ang ninong niyo sa inyong kasal."

BINABASA MO ANG
Hell Mary
General Fiction"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez