Kabanata XIV

1.5K 35 1
                                    

"Ay! Nako salamat sa Diyos na nakauwi ka ng maayos, anak! " salubong ng mama niya pag-uwi ng bahay. Hinug niya ang mama niya.



"Ang ate at kuya?" unang tanong niya rito. Napakatahimik kasi ng bahay nila. Namimiss na niya ang mga pamangkin niya.



"Nako, mukhang sa La Union na ito magpapalipas ng linggo . Namiss daw ni kumare at kumpare ang mga apo ko." sagot ng mama niya sa tinanong nito.



"Kasama po si Ate Dianne?" umakyat na siya para ilagay ang mga gamit sa lumang silid-tulugan.



"Nasa Cebu siya ngayon. Dun nag-ojt para daw malayu-layo dito." tumango na lang siya.



"Ilalagay ko muna 'tong mga gamit sa itaas at magbibihis narin po  ako nay."




"Tatawagin na lang kita  pag kakain na tayo."







"Erine, Bumaba ka na rito! Kakain na tayo!" sigaw ng mama niya na nasa kusina.


"Bababa na p-- KIEL!" pababa na  siya ng makita ang bestfriend niya. She miss her bestfriend so much kaya niyakap niya ito. Bumitiw siya sa pagyakap at pinisil-pisil ang pisngi.



"Ang gwapo na ng bestfriend ko! Tara, kumain muna tayo!" Sumunod na lang si Kiel kay Erine papuntang kusina para magbreakfast.


"Oh, kamusta na ang mahal  na mahal kong kaibigan? Sus, marami na siguro 'tong chicks! Ipapakilala mo naman sakin oh!" umupo ito para magsimula ng kumain. "Bago mo sagutin yung sagot, uso upo Kiel. Bilis!" umupo naman si Kiel. Kaharap niya ang dalaga. Napansin niyang lalo itong gumanda kaya umiling-iling siyang ngumingiti.


"Ma, may sayad na po ba 'tong bestfriend ko? Ngumingiti kasi siyang mag-isa eh." sumbong nito sa ina. "Nako ma, mukhang inlove si bestfriend ah! Who's the  lucky girl?" taas-baba naman ang mga kilay na tinignan ang kaibigan.


"You." sagot nito sa tanong. Natigil si Erine sa pagsubo ng kanin ng marinig ang sagot  ng kaibigan.

"Me?" unti-unting nanlamig si Erine sa narinig.

Natauhan naman si Kiel sa kanyang sinagot kanina. "Yumi ang pangalan. Hindi pa nga ako tapos na banggitin ang pangalan niya. Ayan kasi ang napapala sa mga sobrang excited ." bawi agad nito.

Nakahinga naman si Erine sa narinig, "Sabi ko nga si 'Mi para maging Yumi." tumawa nalang silang dalawa. Pero muntik na malaglag si Kiel. Kumain na lang siya para hindi mahalata ni Erine na muntik na itong madulas, oh mas tamang sasabihim na nadulas siya pero nakabawi naman sa kanyang walang kwentang excuse.

"Ipakilala mo ko ha! Ipapalapa talaga kita kay Barney 'pag hindi mo 'ko pinakilala kay Yumi." tapos tumawa na naman ito. Mukhang iba ang source nito kung bakit ito masaya.

Inihain naman ng mama ni Erine ang hotdog . Silbi tatlong klase na ng ulam ang nasa mesa. Umupo na rin ang ama ni Erine sa hapag-kainan. At maya-maya'y tinanong niya ang anak. Ang tanong na dapat sanang itanong ni Kiel sa dalaga pero naunahan lang siya nito.

"Blooming na blooming ka 'nak ah? May boyfriend ka na 'no? Taga san ba yan, taga mindanao lang no? Gwapo ba?" tanong ng mama niya.Tss, mukhang interesado nitong malaman kung may boyfriend ito. Tumingin siya kay Kiel, seryoso itong nakatingin sa kanya. Mukhang hindi ito nasisiyahan sa narinig. Pero agad itong ngumiti. Ngiting hindi abot sa mata.

"Ah, a-ano. A-no k-kasi. . ."












". .  . Mary Catherine Mendez, Pwede ka bang maging akin?"

Hindi pa rin makapaniwala si Erine sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Wala pang taon na nagkakilala pero mukhang gusto na nitong maglelevel-up ang friendship nila.

Hindi agad siya nakasagot. Nag-aalalang tumingin si Denver sa kanya. Mukhang  hindi ito mapakali dahil nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

May isang taong sumagi sa isip niya. Bigla siyang tumango. Hindi niya alam kung bakit pero may naalala siya at napatango siya.

Bigla namang tumayo si Denver. "I-is that a y-yes?" kinakabahan nitong

Bigla siyang natauhan sa kanyang sinabi.

Pero huli na niyang bawiin ang kanyang sagot. Gusto niya sanang itong sabihin na nagkamali ito sa pagkaintindi pero hibni niya nagawa. Hinayaan niya lamang ito. Niyakap siya nito ng sobrang higpit tapos ay humarap sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.

"Thanks for this chance. I will love you till my last breath."




"M-may. . . Pumunta kasi dun si Daniel Matsunaga sa CDO tapos maswerte po at nakapanood ako  ng Fashion show sa mall!" alibi niya sa kanyang ina at kay Kiel.

Tahimik lang na nakikinig si Kiel. Hindi naman na kuntento sa sagot ang  mama niya. "Oh eh nakita mo lang pala tapos ganyan ka kablooming."

"Ma, ikaw kayang makafree kiss hindi kaba magboblooming ng bonggang-bongga?" hindi niyang maiwasang tumawa sa kanyang alibi.

"TALAGA?! ANG SWERTE MO NAK! Nako hiningi mi sana ang number niya!" kinikilig na sabi ng mama niya. Tumawa nalang siya.

"Ma, hindi ba sabi niyo po na bawal magpaligaw? Para niyo naman ako binugaw sa gawaing yan."

Nagpatuloy sila ng kwentuhan ng magring ang cellphone ng mama ni Erine.

"Mukhang si Honey na yan nak. Dito muna kayo ah, sasagutin ko muna 'tong tawag ni Honey." tapos pumunta na ang mama niya sa balconahe.  Matapos nilang kumain kanina ay pumunta sila sa Garden para magpahingin. Si Erine  at ang kanyang mama lang ang nag-uusap habang si Kiel ay nakikinig lang. Nang umalis ang mama niya para kausapin ang papa niya ay nagkaroon sila ng oras naalapag-usap ni Kiel.

"So how's your life there?" unang tanong  ng binata.

"Its good. Everything is good.Especially the air its fresh not like here, the foods are very affordable , the people are very welcoming and friendly. Everything about CDO is great!" sagot ni Erine sa tanong ni Kiel.

"Really? So marami ka na palang kakilala dun?"

"Marami-rami na rin pero actually dalawa lang ang close ko dun except kay lolo. My schoolmates Liz and Ver." tumaas naman ang kilay ni Kiel.

" Mga babae?" tapos ngumiti ito. Hindi niya alam kung bakit ito ngumiti pagkasabi sa dalawang salitang yun.

"Liz is my girl classmate slash bestfriend and Ver is my Schoolmate . . and.  . ."  napawi ang ngiti ni Kiel at agad itong nagtanong.

"And?" guato niya lang makasiguro. baka mali lang siya sa kanyang iniisip.

" And my only guyfriend in the whole campus." kumunot ang noo nito.

"Your only. . . WHAT?!" lumapit ito sakanya at hinawakan ang kanyang mga braso. Niyugyog ito at pagkuan ay ibinaon nito ang kuko sa balat ni Erine.

" Nagpapakaibigan ka sa LALAKE?" para na itong lion na nagugutom na gusto ng kumain ng buhay. Nagtataka siya kung bakit ito nagagalit na nakipagkaibigan siya sa lalake. Umaakto itong parang nagseselos na boyfriend.



"A-aray Kiel! Nasasaktan ako. ANO BA?! WHY YOUR ACTING LIKE A JEALOUS BOYFRIEND?"tila napaso ito sa sinabi niya kaya agad nitong binitawan ang magkabilang braso ng dalaga. Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad. Pero bago ito tuluyang makalabas ng gate ay may sinabi ito.











"Buksan mo ang mga mata mo Erine, huwag kang magbulag-bulagan." at tuluyan na itong umalis.





Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon