"Masama ba ang pakiramdam mo? Ihahatid na kita sa clinic. Namumutla ka kasi." sabi ni Denver sa nobya. Nag-aalala siya kasi kanina pa itong tulala. Mukhang malalim ang iniisip nito.
Simula na ng second Semester. Nasa hallway sila at naglalakad patungo sa kanilang mga silid-aralan. 30 minutes early sila kasi alas otso pa at alas otso terienta pa ang simula ang klase ng buong subject sa campus nila sabi ng kataas-taasan ng eskwelahan. Para na rin daw mabigyan ng konting briefing ang mga bagong instructor.
Hinila niya ang nobya sa canteen dahil hindi ito sumagot. Mukhang wala ito sa wisyo kaya nagpakaladkad nalang ito sa kanya. Naisip niya baka hindi ito nakapag-almusal kaya dinala niya ito sa canteen malapit sa building ng college of art and sciences. Malayo na kasi ang school restaurant sa building ng school nila.
"A-ano ba ang ginagawa natin dito?" Pinaupo niya muna to bago sinagot.
"You look pale. Hindi ka pa ba nakakakain?" tanong nito sa kanya. Nakatayo pa rin ang binata.
"H-hindi pa pero o-okay lan--" hindi na siyang nag-abalang magsinungaling dahil talagang makikita mo naman sa mukha niya na hindi pa ito nakakakain. Matamlay at namumutla. Tatanggi sana siya pero hindi pinutol ng binata ang kanyang sasabihin.
"Look Cathy, kung ano man ang inisip mo ngayon, wag mo namang kalimutan ang kumain. Dito ka muna at bibili ako ng pagkain AT wag kanang kumontra." magrereact pa sana si Erine ng iniwan na siya sa mesa ni Denver para makabili ng kakainin nila. Bigla tuloy siyang napaisip-isip. Bakit kaya niya sinagot ang binata? Bakit walang sparks pag sila ang magkasama? Ganito ba ang simula ng mga relasyon? Hindi niya alam tuloy ang iisipin dahil sa kabilang isip naman niya ay ang hindi pagpansin ni Kiel sa kanya matapos ang usapan nila sa garden ng bahay nila sa Manila. Hanggang bumalik na siya sa CDO, ganun pa rin hindi siya pinapansin. Kilala niya si Kiel bilang isang makulit, happy-go-lucky person. Hindi nito pinapabukas ang tampohan nila.
Pero simula noong umalis siya sa manila, naging misteryoso na ang aura nito. He's actions, ang weird.
Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito si Kiel. Gusto niyang malaman kung bakit unti-unting nagbabago ang matalik na kaibigan."Hey? Cathy kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo." nabigla siya ng magsalita si Denver.
"I-ilang minuto kanang nandito?"
"Mga 5 minutes." ganoon na ba siya katagal mag-isip at pati nobyo niya ay hindi niya napansin?
"S-sorry." yumuko nalang siya dahil nahihiya siya sa kanyan kilos.
"Its ok. Kumain ka nalang dahil ayaw ko ng girlfriend na payatot." tumingin naman si Erine sa kanyang kamay. Kay nung nag-angat siya ng tingin ni Denver ay para itong kamatis sa sobrang pagpipigil ng tawa.
"Aba hindi kaya ako payatot no!" hinampas niya ito at hindi na ito nakakapagpigil at bumulanghit ito ng tawa.
"HAHAHA!"
"Tignan mo kaya yang mukha, ang puti-puti. Para ka ngang ininudnod ng glutathione sa sobrang puti eh!" mabuti nalang at sinakyan ni Erine ang kanyang kabaliwan.
"Made from USA pa kaya ako." tapos nagpogi sign pa ito.
"Baliw!"
"Baliw sayo." sabay kindat.
"Diyan ka na nga." tatawang-tawa pa itong tumayo sa kinauupuan. Malapit na kasi ang klase niya kaya lumabas na siya sa canteen. Nakasunod na rin si Denver sa kanya.
Hinatid ni Denver si Kiel sa building ng CAS. Hinawakan niya ang kamay ni Erine at si Erine naman ay gulat napatingin sa kamay na nakahawal sa kanyang braso. "Cathy, I can lean an ear if your ready." hindi man niyamaintindihan ang sinabi ng binata ay tumango nalang siya. Aalis na sana siya ng yinakap siya ni Denver at saka nagpaalam.
"Take care Cath. Papakasalan pa kita." natawa na naman siya nito at tuluyan ng umalis.
Papasok na siya ng room ng guluhin na naman siya ng kanyang pag-iisip.
'Wala namang mawawala kung susubukan ko siyang mahalin diba?'
* * * *
Dahil hindi talaga niya alam kung anong gagawin, nag-aya na uminom si Kiel sa kanyang mga kaibigan sa may Club malapit sa bahay ng kaibigan niyang si Paulo.
"Whats with that face, dude?" tanong ni Josh nakatabi niya sa may left side ng table. Si Paulo naman ay nasa may right side niya. Abala ito sa pagsisigarilyo. Mukhang may problema din to.
"Hoy ano ba kayong dalawa? Pogi problems ba yan?" tinapunan siya ng isang stick ni Paulo. Nakukulitan na rin ito. Pero nakailag naman si Josh.
"Ah! Problema sa babae? Nako, may pamystery-mystery pa kasi kayong nalalaman. Paseryoso at pasuplado type. You should imitate me dude. Happy-go-lucky. You know?" sabi ni Josh sa kanila.
"Joshua Dwylle Crisostomo tumahik ka jan kung ayaw mong iemail ko kay Gee na die-hard fan ka niya." tumahimik ito pagkatapos nitong sabihin ni Kiel ang pangbablackmail. May ginawa kasi itong love letter sa laptop niya, iiemail sana pero naduduwag siyang isend iyon. Mga ilang linggo rin at nakihiram si Kiel kay Josh ng laptop ng mabuksan niya ito. Kinuha naman niya ito para pangblackmail nagbabakasakaling may ginawa itong kalokohan sa kanya or kay Paulo.
Tahimik silang tatlong nag-iinoman at nagyoyosi.Tanging ang ingay lang ng dancefloor ang maririnig.
"Bakit kaya tayong pinanganak na stick-to-one?" tanong ni Josh.
"Tss." tanging sagot ni Kiel. Si Paulo, deadma lang.
* * * *
Pagkatapos nilang mag-inuman ay umuwi na sila ng bahay. Pero si Kiel ay hindi muna umuwi. Naglibot-libot muna siya sa metro kahit lasing siya.
Sa di kalayuan ay may babaeng pumara. Dis oras na ng gabi at mukhang wala na itong masasakyan kaya pinasakay na lang niya. Ang weird lang kasi nakasuot ito ng mataas na hood na lagpas sa mata at lagpas sa paa. Dahil sa kalasingan ay hindi niya maaninag ang mukha. Pagkapasok nito sa sasakyan ay hinubad nito ang hood . Nagulat siya dahil napakaseksi ng sinuot nito. Hindi pa rin maalis-alis ang weird feeling na nararamdaman niya.
"Saan ka bababa Miss?"
"Sa may Froyla Heights. I'm Yuri Mitsumo. Call me Yumi."

BINABASA MO ANG
Hell Mary
Genel Kurgu"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez