Kabanata XVII

2.9K 106 37
                                    

"DOC, how was my wife?"

tanong ni Kiel sa Doktora ng asawa niya.

"She is fine already. She needs a lot of rest. Pinainom mo ba siya ng gamot na inerekumenda ko sa iyo?" tanong ng doktora sa kanya.

He nod. "Well, that's good pero Mr. Dominggo take good care of her kasi mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan niya. Pakainin mo rin siya ng nutritious food para makadagdag resistensya sa kanya at sa bata." payo ng Doktora sa kanya.

"Mauna na ako Mr. Dominggo." He just nod at umalis naman ang doktora. Tinignan niya ang asawa at hinawakan ang kamay nito. Bumuka naman ang mata nito kaya napatayo siya galing sa pag-upo.

"Erine?! Nurse!?" pero hindi na ito pinansin ni Erine. Agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan.

"Kiel?"hindi niya mabanggit ang salitang gusto niyang isabi.

Agad na hinawakan ni Kiel ang kamay ni Erine na nakapatong sa tiyan niya at hinawakan naman niya ang ulo at hinalikan ito. "Okay lang siya," at agad niya itong niyakap.

Hindi naman maiwasan ni Erine ang umiyak. Nagpapasalamat siya sa Diyos na nailigtas agad sila ni Kiel. Hinalikan naman ni Kiel ang noo ng asawa.

NAKITA ni Denver ang nagyayakapang mag-asawa. He gritted his teeth. He hates Dominggo for taking HIS place and also to his woman. Gusto niya itong bugbugin pero hindi niya magawa. Nakakagago 'tong ginagawa niya. Sinundan niya ang mga ito papunta dito sa hospital. Hinintay niyang makaalis ang karibal niya sa hospital na iyon pero ang gung-gong nanatili lamang sa kanyang minamahal. He is starting to be obssess with Erine. His heart is starting to beat very slow dahil sa simula't sapul palang ay si Erine na ang tinitibok nito. At ang pangyayaring nakita niya ngayon ay isang nakakagagong pasakit sa kanyang puso. Mga ilang oras siyang nakatingin sa mag-asawa pero hindi niya maipagkakaila na nagseselos siya.

MGA alas sinco ng umaga ng napagtanto ni Kiel na bumili ng pagkain para sa kanila ni Erine. Natutulog pa si Erine kaya hindi niya nalang ito ginising at umalis nalang siya ng walang ingay sa private room na iyon. Agad siyang pumunta sa parking lot para kunin ang kotse. Bibili nalang din siya ng t-shirts at shorts sa mall. Malayo-layo kasi ang bahay nila sa hospital.

Pinaandar niya ang kotse ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tinignan niya kung sino ang tumawag sa kanya ng napakaaga.

Calling. . .

Yuri

AGAD  na pumasok si Denver sa loob ng room  ni Erine. Natutulog pa rin ito. Hindi niya maiiwasan na hawakan ang mukha nito.

'Napakaganda talaga niya.' 

Kung maibabalik lang niya ang nasayang na panahon, gusto niyang balikan ang panahon na iyon. Nagsisisi talaga siya sa kanyang ginawa niyang panloloko nito noon. Doon niya lang na realize na napakatanga niya talaga, napinakawalan niya ang napakahalagang tao sa buhay niya, si Erine.

Hinawakan niya ang mga kamay nito at binigyan ito ng maliliit na halik sa mukha at kamay nito. Sising-sisi talaga siya sa ginawa nito. Sa bawat salitang pagmamahal na binibitawan ng kanyang mahal noon, sana pwede itong ibalik ngayon. Sana walang tukso na pumagitna. Na sana walang Kiel na asawa ito ngayon. Na sana mawala ito sa landas nila ng mahal niya. Kung naging loyal lamang siya dito, may pamilya na sana sila ngayon.

Napaisip siya. Kung patayin niya lang kaya ito? Siguradong mapapasakanya si Erine. Tatanggapin nito ang anak nito ng buong puso at walang pag-aalinlangan.

At may naisip na siyang plano kung paano ito iwawala sa kanilang landas ng mahal niya.

NAGISING si Erine sa mga halik sa kanyang kamay. Isasawalang bahala niya sana ito ng ibuka niya ang kanyang mga mata. At nakita niya si Denver.

"DENVER?! Ba't nandito ka?!"

Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay. "Erine, huminshon ka. Bawal sayo ang mastress."

"Ano nga ang ginagawa mo dito?"

Ngumisi ito. Hindi niya nagugustuhan ang ngisi nito. "To visit my future wife."

Hinawakan niya ang kanyang noo. Naeestress siya sa sinabi at isali mo narin ang presenya nito.

"Nahihibang ka na ba? May asawa na ako. Magkakaroon na kami ng pamilya. Maghanap ka ng babae, balikan mo si ate Lara o kung sino ang babae na sana mawawala ang kahibangan mo sa akin. Kaya kung ano man ang plano mo, itigil mo na yan."

Napatayo ito sa sinabi ko. "IKAW ANG GUSTO KO AT KUNG MAY  PLANO MAN AKO, SA IKAKABUTI NATING DALAWA  ITO," umalis na ito sa harapan niya. Bago ito tuluyang lumabas sa pintuan may sinabi ito sa kanya na nagpapaguho ng mundo niya.

"Papatay ako para sa iyo, Erine. At papatunayan ko ang walang hanggang pagmamahal ko sayo."

Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon