Kabanata XII

1.6K 40 0
                                    

"Anak, kamusta ka na? Ok ka lang ba diyan? Kamusta na ang lolo mo? Oy anak, alam kong malapit ng matapos ang first semester kaya umuwi ka rito ngayong bakasyon ha. Pakisabi na rin kay kumare na pakibantayan nalang muna diyan si itay habang pinapauwi pa kita rito. Bibigyan na rin natin sila ng pangbayad sa ginawa nilang pagbantay ni itay noon, nakakahiya na kasi. Oh nak, bukas na bukas magpapadala ako ng pera para pamasahe mo pauwi.  Oh sya, ibababa ko na to dahil may kostumer na. Mag-iingat ka diyan!" pagkatapos noon ay binaba na ng kanyang ina ang tawag.Naiirita siya sa ina dahil hindi siya nito binigyan ng oras para sumabat. Pero wag ka, mahal na mahal niya ang ina niya.

"Oh, ba't nakabusangot yang pagmumukha mo? Agoy mamaot jud ka ana." tinignan niya lang ang kaibigan ng tinging 'hindi niya maintindihan'. Hindi niya kasi naintidihan ang last sentence na sinabi nito.

"Tara na nga. Kung ano ano pa yang sinasabi mo diyan. Tignan mo ang oras, malapit ng mag 1. Baka malate pa tayo." tumayo na siya sa pagkakaupo. Iniwan niya ang kaibigang si Annaliece. Pero sumunod naman ito dala ang kinakaing burger.

Papalabas na sila ng canteen. Pupunta na sila sa kanilang room para mag take ng final exam nila sa first semester. Mag sisix months na rin si Erine sa CDO.

"Nga pala Erine, magpaganda ka mamaya dahil may pupuntahan tayo. At ito pala, yan ang suotin mo mamaya." ibinigay ni Annaliece ang dalang dalawang paper bag. Hindi ito napansin ni Erine kanina dahil sa busy ito sa pag-aaral.

"Ba't kailangan ko pang magpaganda At tsaka saan ba tayo pupunta?" maghahanda na kasi siya sa mga bagahe niya para hindi na hassle kung saka-sakaling papuwiin na siya ng mama niya the day after tomorrow  since last exam niya nalang to.

"Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Denver ngayon! 21st birthday niya kaya!" ah, kaya pala na hindi na nagpaparamdam ng ilang buwan ang kumag dahil nagpeprepare pala ito para sa birthday niya. Oo, kumag na ang tawag niya dun dahil type niya lang tawaging kumag ang taong yun.

"Oh eh ba't binilhan mo pa ako ng gown at heels? May mga gamit naman ako ah."

"Girl, color-coded kasi ang party kaya ayan binilhan kita ng bonggang white gown." may white dress naman siya sa bahay pero ba't kailangan pang mag gown?

"Tsk, alam kong marami kapang itatanong pero girl malelate na tayo! 5 minutes na lang before one!" napatingin agad siya sa relo. Agad hinatak ni Annaliece ang braso ng kaibigan. Nasa kabilang building at 3rd floor pa kasi ang room ng kanilang pagtetake-kan ng exam. Habang sila ay tumatakbo papunta sa sinasabing lugar, napaisip si Erine kung bakit gown ang susuotin tas hello? Color white? Parang kasal lang?

* * * *

"Oh iha, san ka pupunta?" nakapaghanda na pala siya para sa okasyobg dadaluhan niya mamaya. Nahihiya siyang pumunta dahil una, si Annaliece ang nag-imbita sa kanya hindi ang birthday celebrant. Magmumukha siyang gate crasher dun. Pangalawa, wala siyang regalo kay Denver. Oh diba? Talaga lang naman nakakahiya.

Tumikhim ang kanyang lolo dahil hindi siya sumagot sa tinanong nito. Bumalik na rin pala ang dating aigla ng kanyang lolo. "Pupunta po ako sa birthday party ng kaibigan ko." sagot nito sa tanong ng matanda.

"Anong oras ka pupunta dun?" tanong na naman ng matanda.

"Mga quarter to 8 po." nagsusuklay na siya habang nananalamin. Katatapos lang niyang magtoothbrush. Konting make-up nalang ang kulang.

"Oh eh anong oras na? Mag-eeight na! Baka malate ka pa! Asus kung bata ka, bilis-bilisan mo yang kilos mo. Naku, mana ka talaga sa nanay mo." tumawa lang siya ng mahina. 'Ganito pala si mama noon?' sabi ng isip niya.

Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon