"Anita, tingin mo ba sakto lang tong suot ko? Para kasing maliit eh." Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin dito sa baba ng bahay namin Kiel.
Oo, may bahay na kami. Hindi ko alam na may binili na pala siyang bahay na malayo sa dating bahay namin. Lahat ng gamit ko sa bahay ng magulang ko ay pinakuha niya at dito naman sa bagong bahay namin ay may mga bagong gamit rin ako.
Tatlong araw lang kami sa Baguio kasi may trabaho pa si Kiel. Bilang isang COO ng DnD realities, kailangan niyang agad magreport sa trabaho lalo na at dadating daw ang anak ng CEO ng DnD realities. Siya daw ang nautusan na sunduin ito.
Lumapit si Anita sa akin at nanlaki ang mata.
"Wow! Ma'am ikaw ba na? kagwapa nimo ma'am oy kung manamit ka ug sakto."
Ano ba yang pinagsasabi niya dahil sa totoo lang hindi ko maintindihan eh.
"Ah-eh Anita, pwede mo bang tagalugin?" Umikot-ikot na ako sa malaking salamin dito sa sala. Malaki laki rin tong bahay na napili ni Kiel. Good for a big family.
Floral dress kasi ang suot ko at gold na doll shoes. Isasama kasi ako ni Kiel sa Airport dahil susunduin daw namin ang Boss niya. Itong dress kasi ang una kong nakita kaya ito nalang ang sinuot ko.
"Sabi nako ma'am kagwapa--, a-eh ang ganda niyo po. Kahirap ba magtagalog ma'am oy. Hehehe" Siya pala si Anita ang kasambahay namin ni Kiel. Tubong davaeño. Siya lang kasi ang napili ng agency. Bukod kasi sa magaling siyang maglinis ay medyo matanda na siya. Mga nasa trenta'y otso na. Ayaw kasing kumuha ni Kiel ng mas bata pa sa kanya. I don't know why.
" Hindi naman pero thank you ah." saba'y tingin ko sa kanya na nakasmile.
May narinig kaming busina sa labas.
"Ma'am mukhang si Sir na yan." agad akong napatingin sa kanya.
"Mukhang siya na nga." Kinuha ko na lang ang sling bag ko sa sala.
"Anita, paki bantay na lang dito sa bahay ah at kumain ka na lang din. Tatawag na lang ako mamaya kung uuwi ba kami o hindi." Sabi ko sa kanya. At agad ko ng tinungo ang pintuan.
"Sige po ma'am. Ako na'y bahala dito." Mukhang makakapagtiwalaan naman siya kaya kapante n ako na hindi siya gagawa ng masama.
"Good to hear. Bye!" Agad ko ng sinarado ang pintuan, mukhang may kakain na kasi ng tao eh.
Pagkakita niya sa akin ay lalong kumunot ang noo niya.
Problema nito?
Pagkapasok ko ng kotse ay agad niya akong tinanong. "Bakit yan ang suot mo?"
"At bakit di pwede ganito ang suot ko?" Sagot ko pabalik sa kanya.
Parang lahat ng sinasabi ko ay nagbago na. The way I talk.
Hindi na ako to ah?
"Diba sabi ko sayo wear not too revealing?"
"At saang part naman ang revealing jan?" Tanong ko na naman pabalik sa kanya.
"Your legs." At agad akong napatingin sa legs ko.
"Dress nga diba? Anong gusto mong suotin ko? Yung nakabalot lahat? Gusto mong magpalit ako? Pwes pagbibigyan kita." Bababa na sana ako ng pinigilan niya ako. At tumingin ako sa kanya na nakasimagot rin.
"I don't want any men to look what's mine and to hold what is not." Diretsong tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
You don't own me, Kiel. Remember that.
"And by the way, you look so beautiful and hot." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, I guess he is looking to me right now.
"I think we should go now." Sabi ko sa kanya.
"Tsk!" At agad niyang pinaharurot ang kotse papuntang Airport.
Agad pinark ni Kiel ang kotse at pinagbuksan ako.
"Wag na wag kang aalis sa tabi ko." Sabi niya sa akin.
"Hindi na ako bata para aalis sa tabi mo." Sagot ko naman sa kanya. Agad naman siyang ngumisi. I saw the half angel half devil the way he smile. But I have to remember that he is not an ordinary person. Not anymore.
"Good." At agad na kaming pumasok sa airport.
Nagring ang phone ko sa bag. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin. Si Kiel lang naman kasi ang tumatawag sa akin.
Napansin naman yun ni Kiel pero wala akong pakialam kung magagalit siya. I have to entertain this caller.
Kinuha ko ito sa bag at agad namang sinagot. "Hello?"
[Cathy...]
"Sino to." Hindi pa rin inaalis ni Kiel ang tingin sa akin.
[Cathy... I ...]
"Hello?" Pero bigla akong binabaan.
"Sino yun?" Tinanong agad akong tinanong ni Kiel pagkatapos akong babaan ng tawag nung kung sino man yun.
"I don't know. New number eh." Agad na naman siyang sumimangot.
Nagring na naman ang phone ko. Pagtingin ko sa number, yun pa rin ang caller.
"Akin na nga yang phone mo." Kinuha niya ang phone ko at tsaka in-off. Nilagay niya iyon sa bulsa niya. "Magbabago ko ng phone mamaya."
"Pero Kiel, tatawagan ko pa si Anita mamaya. At maraming importanteng mga contacts jan." Sabi ko sa kanya.
Nandoon kasi ang mga numbrts ng co-missionaries ko, kina Mother superior at sa mga colleagues ko. Mga importanteng tao yung mga nakaphonebook dun.
"Ako na ang tatawag kay manang mamaya at itatak mo to sa utak mo Mary," Sabi niya sa akin at tinuro ang ulo ko. "ako lang abg importanteng tao sa buhay mo. Naiintindihan mo ba?"
Agad akong napatango dahil sa inasal niya. Balik demonyo na naman siya.
Nagring ang phone niya. Kinuha niya ito sa isang bulsa niya at sinagot. "Hello?"
Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil na occupied ito sa mga tanong.
Importante? Sino? Siya?
"Nandito na kami ng asawa ko...Oo...Sige, papunta na kami jan...Ok" Agad niyang binaba ang tawag.
" Kanina pa pala siya nakaabot." Sabi niya ng hilahila ako.
Papunta na kami sa may cafe ng airport dahil nandoon daw naghihintay yung anak ng CEO. Mukhang napaaga ata ng dating.
Pagkapasok namin sa Cafe ay hinanap ng mga mata ni Kiel ang binata o dalaga basta hindi ko alam ang hinahanap niya dahil hindi niya naman na banggit sa akin kung sino ang taong yun.
Tumigil sa kakahanap si Kiel ng makita na niya ang hinahanap niya.
"Denver! Bro, welcome home!"
Denver?
"Pre! ... Oh-hi Cathy, i-ikaw pala yan." Nananaginip ba ako?
"Magkilala ba kayo?" Takang tanong ni Kiel sa amin pero mukhang naiinis ata siya.
" Yeah, schoolmate ko siya noon." Saad ko. Pero nakatingin pa rin ako sa mga mata ni Denver.
Hindi maari. Hindi. HINDI! Malaking gulo to.
Dahil sa inis ni Kiel ay hinapit niya ang bewang ko at pinakilala kay Denver.
"She is Mary Catherine Mendez Dominggo." Pakilala niya sa akin.
" Dominggo?" Sabi ni Denver na hinding makapaniwala.
" Meet my wife, Mr. Demecillo."
BINABASA MO ANG
Hell Mary
Художественная проза"Dammit Erine! I LOVE YOU FROM THE BOTTOM OF MY MIND, HEART AND SOUL! ANO PA BA ANG KULANG HA?" -Kieljandro Dominggo "Kiel, if you really love, then set me free." -Mary Catherine Mendez