Kabanata XVI

1.7K 45 1
                                        

"Halika, pumasok ka muna." yaya ni Yumi na bago pa niyang kakilala.

"Is it okay with you?" tanong ni Kiel sa estranghero. Bago pa kasi silang magkakilala tapos papasukin siya sa bahay nito. Babae ito, lalaki siya baka may mangyari na hindi kaaya-aya.

"Yes, mukhang kailangan mong uminom ng kape eh." tapos ay lumabas na ito sa kotse niya. Sinoot na rin nito ang kanyang hood at naglakad papunta sa building. Lumabas na rin si Kiel at sinundan ang estranghero. Pumasok sila sa elevator at pinindot ang 36th floor. Bumukas ang 36th floor hanggang sa makapunta sila sa may unit ng estranghero ay hindi siya nito kinakausap.

Pagkabukas ng babae sa pinto ay bumungad sa kanya ang nakakatakot na pakiramdam sa loob ng unit. May nakita siyang voodoo dolls, mga lumang libro mostly ay parang mga history books na sakanyang tingin ay ibang linggwahe at  mga halamang gamot. Binuksan nito ang ilaw na ang kulay lang naman ay violet. May nakita rin siyang golden snake statue. May alaga ring malaking cobra ang babae.Nawala ang kanyang pagkalasing dahil sa mga nakita.Nagdadalawang isip siyang pumasok dahil ang creepy naman kasi ng mga bagay sa loob ng unit.

"Halika, 'wag kang matakot. Hindi mangangagat si Yuko."

"Yuko?"

"Kambal ko siya." pumunta ito sa kusina at nagtimpla ng kape. Lumapit ang ahas sa kanya. Nanginginig si Kiel sa takot na baka kagatin siya.

Bumalik ang babaena may dalang isang tasang kape. Tumayo siya dahil gusto na niyang umalis. Kanina pa siyang pinagpawisan. "Ah, Yumi uwi nako baka kasi hinahanap na ako nila sa bahay." pagsisinungaling niya.

"Diba ikaw lang ang mag-isa sa bahay niyo?" nagulat si Kiel sa sinabi ni Yumi. Gusto niya sana itong tanungin kung bakit alam nito pero pinili na lang niyanv manahimik. Wala rin siyang nagawa kundi manatili muna sa unit ng babae ng ilang minuto.


Tumabi ang ahas sa kanya. Pinagpawisan na siya dahil dito. Lumapit ai Yumi na may dalang isang tasa at ibinigay sa kanya. Hindi muna ininom ni Kiel ang kape, naisipan niya na baka may lason itong kape. Tumabi rin si Yumi sa kanya at kinuha si Yuko. Inilagay niya ito sa may kabilang upuan.

"How was her?"

"Huh?"

Nag-indian seat ito at maya-maya "Mendez. Mary Catherine Mendez"

Nagtataka siya kung bakit alam nito ang kanyang bestfriend. Hindi niya ito sinagot kaya nagbato ito ulit ng tanong.

"Are you inlove with her?"

"Teka nga," tumayo siya at inilagay ang tasa sa may mini table sa sala. "Are you a stalker?"

Imbis na sagutin nito ang sagot ay may itinanong pa ito. "Do you want her?"


Sasagot sana siya ng 'Oo, mahal na mahal ko siya at gusto ko siyang maging akin' pero hindi na lang niya sinabi ito. Why do he have to deal with this stranger?

Naglakad siya papuntang pintuan ng napatigil siya sa narinig.

"I can help you."

* * * *

There already 10 months with Denver. Hindi niya alam kung bakit umabot pa sila ng 10 months. Habang tumatagal, natutunan niya ring mahalin si Denver. Ganunpaman, kinikilig na siya sa mga banat nito sa kanya. Araw-araw siyang kinakantahan ng kanilang kantang 'Best in me'. Corny pero wala eh, ganyan talaga pag nagmamahal.

Hell MaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon