"Tita aalis na po ako". paalam ni sky sa Tita Cora niya.
"Sige iha, Mag-iingat ka, galingan mo sa bago mong School". Bilin ng tita Cora niya.
"Wag po kayong mag-alala tita gagalingan ko talaga". Nagmano na si sky sa tita niya at umalis. Alam na ni sky kung saan sasakay papunta sa St. Luis University , naituro na ng tita niya noong isang araw, at tinuruan din siya kung papaano sasakay ng jeep.
Alas 7 pa lang ng umaga nandoon na si Sky. Alas 8 pa ang pasok niya pero ayaw kasi niyang ma late sa klase at first day niya ngayon sa bagong School at college. Fine arts ang kinuha ni Sky, mahilig kasi siyang magpinta kaya iyon ang kinuha niyang kurso. Full scholarship ang nakuha niya dahil sa taas ng academic grades niya.
"guys tara tingnan nyo doon". anang grupo ng mga studyante at tumatakbo papunta sa isang direksyon. Na curious si sky kaya sumunod siya kung saan madaming studyante ang nang doon. Meron palang grupo ng mga kalalakihan ,siguro mga lima sila na binubuhusan ng isang balding tubig ang isang babae. "ang sasama naman nila"nasabi niya sa sarili niya.
"ganyan kasi ang ginagawa ng The Kings sa mga bagong lipat sa school dito". sabi ng isang babaeng mataba sa katabi nito. Kinabahan si sky, bago sa sa school na ito baka buhusan din siya ng tubig. Pero hindi si Sky yung tipong magpapa-api sa iba basta alam niyang nasa tama siya hindi siya uurong.
Wala man lang umawat sa mga grupo ng mga lalaki na tinawag na the Kings. Natakot siguro na baka sila ang pag buntunan sa inis. Hindi nakayanan ni sky ang nakita, siya kasi ang tipong hindi hinahayaan ang iba na saktan ng kapwa nila. Kaya lumapit siya sa mga ito."tigilan niyo na yan, maawa naman kayu sa babae umi-iyak na". Sabi ni sky sa The Kings, at nilapitan ang babaeng umiiyak dahil sa ginawa nito sa kanya. "halika miss tulungan kita, Tinayo nya ang babae at akmang lalayu na sa lugar ng pigilan siya ng isang lalaki.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo miss?". Tanong ng isang matangkad at gwapong lalaki.
"Tinutulungan ko lng siya, kasi hindi naman tama ang ginagawa niyo sa kanya". sagot ni sky sa lalaki.
"Alam mo ba miss kung sino kami? walang sumasagot sa amin ng ganyan". Sabi naman ng isang lalaki na singkit ang mata.
"Paano ako hindi sasagot e tinatanong nyo ako'. Sagot ni sky. Nagtawanan ang mga tao sa paligid dahil nasabi niya iyon sa THE KINGS.
"Aba!!". at akmang itutulak siya ng isa sa mga lalaki, ngunit nakaiwas siya. Noong Highschool siya nag aral ng kung fu at kick boxing si sky. Trainor kasi ang papa niya kaya natuto siyang mag karate at self defense. Nakaiwas si sky sa akmang pagtulak ng lalaki sa kanya ngunit hindi niya nakita nabuhusan na pala siya ng isa pang lalaki. kaya ayun basang basa na siya. Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid."yan ang napapala sa mga taong pakialamero at sumasagot sa grupo namin, kaya sa susunod miss Nerdy lumugar ka". anang isang lalaki na sa tingin nya ang leader sa grupo. Umalis na ito at naiwan silang dalawa ng babaing hindi niya pa kilala. Nagpunta sila sa Banyo upang magbihis, mabuti na lng at nagdala ng extrang damit si sky.
"Salamat nga pala kanina miss, ako nga pala si Yssa.". Mataba si Yssa pero hindi naman masyado. Maganda ito kahit na mataba.
"Wala yun, ako naman si sky, bago ako dito sa school". pakilala naman ni sky sa bagong kaibigan.
"ako nga din bago din ako dito kaya nga binuhusan ako ng tubig ng mga lalaking iyon, nasama kana tuloy". saad ni yssa.
"Naku! wala yun sumusubra na kasi sila, hindi naman yun tama". sagot ni sky habang papalabas na sila sa banyo. Nalaman ni sky na fine arts din ang course ni yssa, pariho sila ng mga subjects, laking pasasalamat niya meron na siyang bagong kaibigan at kaklase. Agad naman din nagkasundo ang dalawa. Pumasok na sila sa first subject nila. English subject.
"siya ba yung babaeng kumalaban sa THE KINGS?, ang kapal niya naman, hindi ba nya alam na sikat ang mga yun at walang sinuman ang kumokontra doon? kibagu-bago sa school na ito, akala mo kung sino, ang pangit naman ." anang isang maganda at seksing babae. Ganun na lng ang pagkabigla ni sky sa narinig, ganun ba talaga ka sikat ang THE KINGS at kung bakit ganun na lng ang pagsamba ng mga studyante sa kanila, anong klaseng paaralan ba itong napasukan niya? tanong ni sky sa sarili. Hindi na lamang pinansin ni sky ang mga ito at umupo na sila ni yssa sa dulo. Nang biglang lumapit ang isang matangkad at singkit na babae, maganda siya pero ang kapal ng make up.
"hoy miss, bakit mo sinasagot si Dylan kanina?". isa si dylan sa grupo ng THE KINGS , "Alam mo ba wala kang karapatan na sagutin sila, matutu kang lumugar, saan ka ba galing? ang pangit mo". galit na wika ng isang babae kai sky. Siya si Bernice ka M.U ni Dylan. Hindi na lng pinansin sky ang babae at eksakto naman dumating na ang guro nila kaya bumalik na ang babae sa upuan nito.
Magkasamang lumabas sina Sky at Yssa sa classroom nila, Tapos na ang second subject nila kaya naisipan nilang pumunta sa library at doon mag aral. Nagbabasa na ng libro si sky ng may biglang lumapit na babae, maganda ito ,mukha namang mabait.
"hello".bati ng babae sa kanila. "ako nga pala si Tiffaney , magkaklase tayo sa english subject, diba kayu yung nilapitan ni Bernice kanina? Maldita talaga yun kaya wag nyu na lng pansinin". pagpapakilala ng babae sa kanila."Hi, ako naman si Sky, Nice meeting you Tiffaney". sagot at pagpapakilala naman ni sky sa dalaga.
"ako naman si yssa". pagpapakilala ni yssa sa dalaga.
"pwede ko ba kayong maging kaibigan?". tanong nito sa kanila.
"Bakit naman gusto mo kaming maging kaibigan Tiffaney? tingnan mo nga kami ang papangit namin, sa ganda mong yan?". sabi ni yssa.
"Sinong may sabi na pangit kayu? gusto ko kayu kasi ang babait niyo, di tulad ng iba dyan ang paplastic, ewan ko hindi ko talaga gusto yung mga masasamang ugali.". paliwanag nito.
"sige ba, walang problema". sabi ni sky na nakangiti kay Tiffaney. Mabait si Tiffaney nalaman nila na wala itong maraming kaibigan sa school kasi hindi niya type ang masasamang ugali ng mga studyante sa school nila, Nag iisang anak si Tiffaney ng parents nya, Mayaman sila at nag mamay-ari ng isang Clothing industry. Pero wala sa hitsura nito ang pagkamatapobre. mabait ito at hindi namimili ng kaibigan basta ba mabait. Kaya agad nilang nakasundo si Tiffaney, Ikinuwente ni Tiffaney ang tungkol sa THE KINGS , at kung bakit sila ganun. Kaya nalaman nila na Si Denver ang leader dito ,at kasama sa grupo sina Dylan, Drey, Dean at Deron.Masasma talaga daw ang mga ugali nito. palaging nang bu bully ng mga estudyante.Pauwi na si Sky, nag aabang siya ng jeep dahil pagud na siya at gusto na niyang pagpahinga. Nang may biglang nagpaharorot ng kotse at natalsikan siya ng putik sa mukha, hindi niya napansin na malapit pala siya sa lubak na daan. "walang modo yun ah?" sambit ni sky sa sarili. Bigla naman huminto ang sasakyan at dumungaw ang isang lalaki , nakangisi sa kanya. si Denver pala ito ang leader ng THE KINGS. " buti yan sayu pakialamira". at mabilis na pinatakbo ang kotse. Naiwan si Sky na nagpupuyos sa galit ang kalouban.
"oh? anong nangyari sayo sky? bakit ang dumi mo?" tanong agad ng tita Cora niya pagdating niya sa bahay.
"Wala ito tita, meron kasing sasakyan na mabilis ang takbo at natalsikan ako ng putik." sagot niya sa tita niya. hindi na niya sinabi na sinadya itong gawin sa kanya ng isang lalaking walang modo.
"ah, ganun ba, sige magbihis kana at nang makakain na tayo". anang tita niya sabay pasok sa kusina para maghanda ng makakain nila.
"sige po tita". sagot ni sky at pumasok na sa kwarto niya at nagbihis. Dalawa lng sila ng tita niya sa bahay, patay na kasi ang asawa nito at ang nag-iisa namang anak nito ay nasa Suadi para mag trabaho ,ang pinsan niyang si Kuya Andrew. Si kuya andrew niya ang bumubuhay sa Tita niya. Hindi naman siya pabigat sa Tita niya kasi nagpapadala naman ang Kapatid niya from Cebu para sa mga projects niya, at tumutulong din siya sa tita nya sa palengke, meron kasing pwesto ang tita niya doon, kaya pag walang pasok tumutulong siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/75323288-288-k360299.jpg)
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Teen FictionThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.