Chapter 18

23 1 0
                                    

Bumalik si Denver sa Gym at naabotan pa rin niya doon si Sky na abala sa paglilinis.

"Itigil mo na yan, at hindi kana maglilinis dito". utos nito sa kanya.
"At bakit naman? dahil walang sinuman ang mag uutus sayo". saad nito sa kanya. Wow huh? ganun????
"Walang iba ,dahil ikaw lang ang pwedeng mag utus sa akin?". pagbibiro ng dalaga sa lalaki.
"Seryoso ako ,Sky, hindi muna dapat gawin yan, hindi ko sila hahayaan gawin ito sayo". anang lalaki sa kanya, lumapit ito sa kanya at................................................................................!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Hinalikan siya ng lalaki, sa LABI. Hindi malaman ni Sky ang gagawin, kinikilig siya na parang andaming butterflies sa tiyan niya, ito na ba ang feeling ng first kiss??? may god nagkakatotoo na ang mga pangarap niya. Pinikit ni Sky ang mga mata niya at ninamnam ang tamis ng halik na iyon, dahil first kiss niya iyon, hindi niya alam ang gagawin ngunit kusang tumugon ang mga labi niya, parang expert ang labi niya, sinabayan nito ang ginagawa ng lalaki. Pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik, walang gustong magsalita sa kanila, nakatitig lang ang lalaki kay Sky. at mayamaya pa ay may sinabi ito.

"I like you Sky". pagtatapat nito sa dalaga. Hindi makapaniwala si Sky sa narinig.
"What? are you crazy?". tanong niya sa lalaki dahil sa pagkabigla.
"Im serious Sky, I like you". Ulit pa nito habang hinahawakan ang kamay niya.
"Pero bakit ako?". nag aalangang tanong ni Sky sa lalaki. Hindi niya talaga lubos na maisip na magtatapat ang lalaki sa kanya.
"I dont know, basta anag alam ko ay gusto kita, gusto mo rin ba ako Sky?". tanong nito sa kanya at inihawakan ang kamay niya. Ang haba talaga ng hair mo Sky........ Hihindi pa ba siya??
"Oo, gusto rin kita Denver, sa gwapo mong yan? naman". sagot ni Sky sa binata at nagawa pa niyang magbiro. At dahil sa sinabi niya, muli siyang hinalikan ni Denver. (Officially mag on na sila).

"Lets go, wag munang linisin itong boong gym, sasabihan ko ang Guidance counsilor natin".saad ni Denver sa dalaga at magkaakbay silang lumabas doon. Ang siya ni Sky dahil naging sila ng pinakagwapong nilalang sa campus nila.

"teka lang". anang sky sa lalaki.
"Bakit?". nakangiting tanong nito sa kanya.
"Hindi kaba nahihiya malaman nila na tayo na?". nag aalalang tanong ni Sky sa binata.
"Bakit naman ako mahihiya? I dont care what they say". sagot nito na hindi man lang nababahala kung ma bully ito dahil sa ginawa.

Paglabas nila doon, lahat ng studyante ay nakatingin sa kanila, hindi iyon pinansin ni Denver, imbis na mahiya ay hinigpitan pa nito ang pag akbay sa kanya. Proud na proud ito sa kanya, samantalang siya ay hiyang hiya sa sarili. Naririnig pa niya ang mga bulung bulungan ng mga ito.

"Ginayuma ba niya si Denver?" anang isang babae.
"Ang pangit niya hindi siya bagay kay Denver". saad naman ng isa pang babae.
Dahil sa mga narinig mas lalong lumiit ang tingin ni Sky sa sarili niya. Bumulong naman si Denver sa kanya.
"Wag mo silang pansinin". bulong ng lalaki sa kanya. At dahil sa sinabi ng binata ,naging panatag ang loob ni Sky. Lumabas sila ni Denver sa campus, Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng lalaki, sakay na sila ng kotse.

"Saan tayo pupunta?". tanong niya sa kasintahan, (wow ang taray kasintahan talaga). !!!!!
"Basta maghintay ka lang may sorpresa ako sayo ". nakangiting sagot nito sa kanya habang hinahawakan pa rin nito ang kamay niya. Ang sweet talaga ng boyfriend niya hindi niya akalain na ganito ito ka sweet sa girlfriend nito ang buong akala niya ay masungit ito.
"Okey". ang tanging nasagot ni Sky sa sarili.

Nakarating na sila sa pupuntahan nila. Sa beach ito kung saan nag Overnight sila.
"Bakit tayo nandito?". tanong niya sa binata.
"Basta , maghintay ka ". nakangiting sagot nito.
"Teka palagi ka talagang ngingiti huh? ma iinlove na ako niyan sayu". pagbibirong saad ni Sky sa lalaki.
"Yan naman talaga ang gusto ko, ang mainlove ka sakin". nakangiti paring sagot nito habang dinala siya nito sa isang kwarto, ito ang kwarto na pinagdalhan niya sa binata noong lasing na lasing ito. Binuksan nito ang pinto.

"Surprise ". anang binata. Nakita niya, ang ganda ng room na iyon, napapaligiran ng mga bulaklak, namumukha tuloyng flowershop, at sa gitna ay may table at may nakaset na na pagkain at wine, ito ang pangarap niya ngunit hindi niya lubos na maisip na nagkakatotoo na ang mga ito.
"ang ganda dito". ang tanging nasabi ni Sky dahil sa galak at saya ng kanyang nararamdaman.
"Are you happy?". bulong nito sa kanya.
"What do you think? im the happiest woman in the world, Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin". sagot niya sa binata.
"Marami pa akong gagawin na ganito sa iyo kaya masanay kana". saad ng lalaki at umupo na sila sa gitna kung nasaan ang mesa. Masaya silang nag kwentohan, ang saya ni Sky hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.

"I cant believe na nangyari talaga ito". saad ni Sky habang tapos na silang kumain.
"Bakit naman?'. tanong ng lalaki sa kanya.
"Kasi ang gwapo mo tapos ang pangit ko naman, hindi mo ba ako pinagtitripan lng Denver?". tanong nito sa binata.
"Sinong may sabi sayu na pangit ka? your not okey? at hindi kita pinagtitripan okey?". sagot nito saka pinindot pa nito ang tungki ng ilong niya. Natutuwa siya sa ginawa ng lalaki. Nakalimutan nilang dalawa na may clase pa sila. Pagkatapos nila doon ay naglakadlakad sila sa tabing dagat. Naghahawak kamay pa sila habang naglalakad at maya maya pa ay nagsabuyan na sila ng tubig animoy mga batang naglalaro sa dalampasigan ang saya saya nila. Nasabi ni Sky sa sarili na sana hindi na matapos ang ganito, na palagi nalang sana silang masaya.

Pagkatapos nilang maligo ay nagpasya na siyang ihatid ni Denver sa bahay nila, gabi na kasi, hindi nila napansin ang oras.

"Goodnight". paalam ng dalaga sa kasintahan.
:Hindi mo ba ako iimbitahan sa loob?". tanong nito sa kanya.
"Sa susunod na lang ,gusto ko na kasing magpahinga, napagod ako sa ginawa natin". nakangiting sagot niya sa binata.
"Sige goodnight". paalam nito sa kanya at bago ito umalis ay hinalikan muna siya nito sa labi at agad naman niyang tinugon iyon. Pagkatapos maghiwalay ang mga labi nila ay sumakay na ito sa kotse nito at nagpaalam. Nakangiti namang dinama ni Sky ang mga labi niya na hinalikan ng binata. Ang saya say niya, sana wala nang ending !!!!!!

"Magandang gabi po Tita". nati niya sa tiyahin.
'magandang gabi din Sky, si Denver ba ang naghatid sayo?". tanong nito sa kanya. Hindi alam ni Sky na nakita pala siya ng tiyahin.
"Uhm opo tita". sagot niya.
"Boyfriend muna diba?". tanong pa rin nito sa kanya.
"Uhm opo tita". sagot niya rito. Nakita pala sila ng tiyahin niya nang halikan siya ni Denver. Baka magalit ang tiyahin niya dahil dito.
"Mabuti naman, nako sabi ko na nga ba at gusto ka nung lalaking iyon". masayang sagot ng tita niya. Nagulat si Sky sa reaction nito.
"Hindi po kayo galit tita?". tanong niya sa tiyahin.
"At bakit naman ako magagalit sky> diba sabi ko ay gusto ko ang batang yun? ang gwapo pa, nako maswerte ka sa kanya Sky". sagot nito sa tanong niya. "Siya sige maiwan na kita at magluluto pa ako ng hapunana natin". paalam nito sa kanya.

Ang saya talaga ni Sky sa araw na iyon, lahat ng nagyari sa kanya ay pabor lahat sa kanya. akalain mong maging sila ni Denver. Ni sa panaginip hindi lubos maisip ni Sky na maging sila, ngunit ngayon ay totoo na, kung panaginip man ito ay ayaw na niyang magising.

MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon