"Nandito pala ang dakilang alalay mo Denver?'. maarting tanong agad ni Bernice pagdating nila sa loob. "Alam na pala ng babae na slave siya ni Denver ngayon, at hindi na siya magtataka kung alam na rin ng buong campus na SLAVE siya ni Denver". anang isip ni Sky.
"Oo nandito ako, bakit may problema ka?". mataray din na sagot ni Sky sa babae.
"Aba't!!!!! sumasagot kana sa akin ngayon ahh? ang pangit mo naman". galit na tugon nito. pinagtitinginan lng sila ng mga nandoon, ng THE KINGS at mga babaeng kasama nito. Hindi siya uurong sa babaeng ito.
"Nagtanong kapa kung ayaw mo namang masagot!!!". sagot ni Sky dito. Nagtawanan ang nandoon, tama nga naman ang sinabi niya, Napahiya si Bernice sa sinabi niyang iyon .
"Tumigil na nga kayo". Pang aawat ni Denver sa dalawa. "Sky sabihin mo sa tita mo na hindi ka makakauwi ngayon, mag o overnight tayo ngayon." dagdag pa nito sa kanya.
"Ano? hindi pwede yan, sigurado akong mag aalala si Tita sa akin ,tsaka anong sasabihin ko sa kanya?". tanong naman niya sa binata.
'Gumawa ka ng paraan". ang tanging nasabi nito. Hindi alam ni Sky ang gagawin, Ba't ba siya napasok sa ganitong sitwasyon? ay bahala na naman si Batman nito. Tumawag siya sa tita niya at sinabi niyang hindi siya makakauwi ngayon gabi kasi may tatapusin silang project kasama ni Tiffaney at Yssa at doon na siya kina Tiffaney makikitulog, at agad namang pumayag ang Tita niya. Na gi guilty na talaga si Sky , pati sa Tita niya eh, nagsisinungaling na siya, kasalanan tong lahat ni Denver."Oh, ano? nagpaalam kana?". tanong agad ni Denver sa dalaga.
"Oo tapos na po!!! ano ba kasi ang kailangan mo sa akin at kailangan nandito talaga ako?". paasik na tanong ni Sky sa binata."Kaylangan ko lng ng alalay, kasi nakapagsundoan ng grupo na mag night swimming ngayon, kaya kailangan kita ". Sagot nito. Nasa isang pasilyo sila kasi kanina hinila siya ni Denver para ilayo kay Bernice baka kasi kung mapano pa niya ang malditang dalaga.
"Eh bakit sila walang alalay na kasama? bakit ikaw kailangan mo pa? ang tanda mo na kaya , kaya mo nang sarili mo". tanong ni Sky dito.
"Eh sa gusto ko, ba't ba ang dami mong tanong, pwede ba ,sundin mo na lng ang gusto ko?". utos naman nito sa dalaga.
"Ano pa nga bang magagawa ko, eh nandito na tayo". sagot na lamang ni Sky sa lalaki.Kanya kanya ng takbo papuntang beach ang mga barkada ni Denver at mga babaeng kasama nito, nandoon din si Denver kasama dito, habang siya ay nandoon sa isang cottage at nanonood lng sa mga ito. Hindi siya sumamang maligo sa mga ito, wala naman siyang damit na pamalit at giniginaw siya . At isa pa, hindi niya mga kaibigan ang mga ito. Malamang pagtitripan lang siya ng mga ito, kaya nagpasya siyang manood na lamang.
Pagkatapos maligo ng mga ito, nag bonfire sila, nandoon na siya kasama si Denver, tinawag kasi siya ng lalaki para tumulong sa paggawa ng bonfire. Utusan lang talaga ang turing ni Denver sa kanya, kailan kaya siya mapapansin nito bilang babae, (Char!!!echoosss lng, nag daydream na naman si Sky ,hindi naman mangyayri ang iniisip niya!!!!)
Habang nag bubonfire nag iinuman ang mga ito, Hindi Uminum si Sky kaya, kahit anong pilit ni Denver sa kanya hindi talaga siya pumayag na mapainum siya nito. Lasing na ang mga kasamahan niya ,pati ang mga babaeng kasama nito. Siya naman para siyang ewan, na out of place siya dito. kung ang mga ito ay nag i enjoy sa night swimming nila, siya hindi, na na bobored siya!!! kaya umalis siya at naglakad lakad sa beach. Maganda ang lugar, tahimik doon at amoy na amoy niya ang simoy ng tabing dagat, may nakita siyang bato sa di kalayuan kaya pumunta siya doon at naupo habang pinagmamasdan ang liwanag ng buwan. Ang tahimik at gusto niya iyon kaysa doon kasama niya ang THE KINGS . Habang nagmumuni muni si Sky may isang tao na papalapit sa kanya at nakilala niya ito, Si denver, lasing na lasing ito at ni hindi na makalakad ng eksakto.
"Anu bhang ghenagawa mo diitoo alalalalay kooo". tanong nito sa kanya, halatang lasing na lasing na talaga ang lalaki dahil hindi na ito makapagsalita ng maayos. At dahil sa kalasingan nasubsub ito sa kanya.
"Ayyy!!! ano ba yan" ang tanging nasambit ni Sky. " lasing kana Denver". dagdag pa niya."Shenong lasshing?ako???hindi ahhh". sagot pa nito habang nakaakbay na ito sa kanya. "Lika punta tayiooo doon mag inuman tayooo".
"Sabing lasing kana eh, ihahatid na kita sa silid mo". anang Sky habang inalalayan niya ang gwapong lalaki. Amoy na amoy niya ang hininga nito na amoy alak. Lasing na talaga ang master niya. kaya dinala niya ito sa isa sa mga silid doon, pinahiga niya ang lalaki at kumuha siya ng mainit na tubig at towel para punasan ito.
"Iinum inum pa kasi ,hindi naman pala kaya". saad ni Sky sa nakapikit na binata. Narinig ito ng binata kaya bumangon ito.
"Shabbbing hindi ako lashingg ehh". sagot pa nito kahit nahihirapan ng magsalita.
"Tumigil ka nga,mahiga ka at pupunasan kita". utos ni Sky dito, ngunit hindi ito nakinig sa kanya, at inilapit pa nito ang mukha nito sa kanya, akma siya nitong hahalikan, malapit na talagang magdikit ang labi nila. Pangarap iyon ni Sky ang mahalikan siya ni Denver, kaya ito na ang pagkakataon niya. Hahalikan na sana niya ang lalaki ng bigla itong *********!!!!."Ano ba to, kadiri kang lalaki ka". sambit ni Sky. Sumuka pala si Denver. Akala pa naman niya mahahalikan na niya ang binata. "Wala ka na talagang pag asa Sky". sambit niya sa sarili. Binalik niya ang binata sa higaan. Ang bigat nito ahh, pero kiri naman niya, nahawakan pa niya ang katawan ng binata, pwede nga niyang rapen ito eh, kaso may hiya naman si Sky sa sarili niya at hindi siya ganun. Agad namang nakatulog ang lalaki kaya pinagpatuloy niya ang pagpunas dito.
"Iinum inum kasi hindi naman pala, ayan tuloy napagod ako sa pag aalaga sayu". Kausap ni Sky ang sarili.
"mas mabuti ng lasing ka kasi natititigan kitang mabuti, ang gwapo mong mukha at saka ang bait mo pag tulog kasi hindi mo ako inuutusan". anang Sky sa sarili.Habang pinagpapantasyahan niya ang lalaki, nakatulog si Sky , dahil din siguro sa pagod.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Novela JuvenilThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.