Founders Day na ng St. Luis University. 5 days ang celebration nila, kaya tuwang-tuwa ang mga studyante sa nasabing University dahil wala na naman silang pasok, Puro Events na lng ang sasalihan at panunuorin nila.
"Sky, halika ka, tulungan natin si Tifanney na maghanda sa mga gagamitin niya mamayang gabi sa Pageant.". anang Yssa sa kaibigan.
"Sige Yssa, asan naba si Tiffaney ngayon?". Tanong nito sa kaibigan. At maya maya pa ay dumating na si Tiffaney."Guys, nandito lang pala kayu, kanina ko pa kayu hinahanap eh". sabi nito sa mga kaibigan.
"Nandito lng kami Tef. hinahanda namin ang mga gamit mo para mamayang gabi". ani Yssa.
"Naku salamat guys huh, maasahan ko talaga kayu, pero pwede niyo namang hindi gawin yan, meron naman si Yaya Tesa." pasasalamat ng dalaga sa kanilang dalawa.
"Wala yun, gusto lng naming tulungan ang kaibigan namin, handa ka naba para mamaya huh?". tanong naman ni Sky sa dalaga.
"Medjo, pero kinakabahan ako eh,". nakangiti nitong sagot.
"Kaya mo yan Tef. Ikaw pa, alam kong mananalo ka kaya pa burger ka pagkatapos huh?". pagbibiro naman ni Yssa sa kaibigan habang nginunguya ang biscuit nito.
"Sana magdilang anghel ka Yssa, hindi lng burger ang ililibre ko ,". nakangiti namang sagot ni Teffaney sa kaibigan.
"Maiwan ko muna kayu ,magpapa parlor muna ako, at mag beauty rest na din." paalam ni Teffaney sa kaibigan."Kain muna tayo Sky, tara punta tayo sa mga food booth doon". yaya ni Yssa sa kaibigan.
"Kakain ka nanaman yssa? diba kakakain mo lng?" tanong ni Sky sa kaibigan.
"Nagugutom ako eh, Tara na". sagot nito habang hilanila si Sky. Pumunta na sila sa mga booth na nandoon sa campus nila, andaming naka display, mga pagkain at iba pa.
Bumili sila ng Fries ni Yssa, umupo sila sa may bakanteng mesa sa isa sa mga booth doon."Hoy, Sky ginyuma mo ba si Denver at kung bakit palagi ka niyang kinakausap", tanong no Bernice sa dalaga. Hindi nila napansin na nakalapit na pala ang dalaga sa kinaruruonan nila.
"Ano ba yang pinagsasabi mo Bernice?Hindi ko ginayuma si Denver kung yan ang gusto mong malaman.". sagot naman ni Sky sa dalaga.
"eh, bakit siya lumalapit sayu? imposible naman na bigla ka na lng niyang lapitan , sa pangit mong yan?" pang iinsulto ni Bernice kay Sky.
"Malay ko, siya ang tanungin mo, hindi naman ako ang lumalapit sa kanya eh,". walang ganang sagot ni Sky sa kaharap.
Galit na iniwan sila ni Bernice, habang pinagpatuloy nila ang pagkain.
"Teka Yssa pupunta muna ako sa sa math booth namin, tutulong muna ako doon". paalam ni Sky sa kaibigan niya. Nakalimutan niya, may event pala sila sa org nila.
Umalis na si Sky at nagmamadaling pumunta sa math booth nila, nadatnan niya ang mga kasama niya , kompleto na sila at siya lng ang nahuli, nandoon na rin si Denver na nakaupo at nilalaro ang cellphone nito.
"Saan kaba galing?bakit ngayon ka lng?". tanong agad ni Denver sa dalaga. "Hindi mo ba alam na dapat nandito na tayo ng 10am?". dagdag pa nito.
Napatingin sa relo niya si Sky, 10:30 na pala, hindi niya napansin.
"May pinuntahan lng ako, Sorry po mr. President". baling ni Sky ni Aaron, Hindi niya pinansin si Denver.
"Its okey Sky, Sige lets Start".sagot naman ni Aaron. Busy sila sa paggawa ng mga questioners para sa event nila, plano kasi nilang magkaroon nga math contest, pabilisan ng pagsolve ng problem. kaya kanya-kanya sila sa paggawa upang masimulan na nila ang game nila. Habang busy sila sa ginagawa nila, andoon si Denver nakaupo sa tabi at nag lalaro sa Cellphone nito.
"Tumulong ka kaya dito". papunta si Sky sa kinaruruonan ni Denver.
"Kaya niyo na yan". sagot ng lalaki habang naglalaro pa rin.
"bakit kapa sumali sa org kung hindi kanaman pala tutulong?" anang sky sa binata.
"Ikaw ng gagawa sa part ko, tutal your my slave naman". nakangising sagot nito sa kanya. Iniinis talaga siya ng binata. kaya lumayo na lng siya dito kasi maha highblood siya sa kasamaan ng ugali nito.Maya-maya tinawag si Sky ni Denver.
"Sky ibili mo nga ako ng tubig, nauuhaw ako". utos ni Denver sa dalaga.
Agad namang bumili si Sky. Nagtaka ang mga kasamahan nila kung bakit ganun na lng ituring ni Denver ang dalaga."Sky is my slave for 5 months". imporma nito sa mga kasamahan sa booth.
Gulat ang lahat sa narinig. Dumating na si Sky sa booth at binigay kay Denver ang binili niyang tubig."Oh ito ang tubig mo kamahalan". inis na sabi ni Sky sa lalaki. kinuha lamang nito ang tubig at hindi man lng nagpasalamat sa dalaga.
"Wla man lng thank you". bigkas ni Sky sabay talikod sa binata.
"Oy Sky totoo ba na slave ka ni Denver ng 5 months?". tanong agad ng kasamahan niya paglapit niya sa mga ito. Nagulat si Sky ba't alam nila ito.
"Sinabi kasi ni Denver kanina na Slave ka raw niya fo 5 months". sabi naman ni Aaron habang nagsusulat.
"Ahh Oo, may kasunduan kasi kami kaya slave niya ako ng 5 months." sagot na lamang ni Sky sa mga ito , hindi niya sinabi ang tunay na dahilan.
"Ang lupit talaga ng THE KINGS, ganyan talaga sila palibhasa mga mayayaman". anang isang kasama niya. Totoo naman ang sinabi nito kaya hindi na sumagot si Sky.
Natapos na sila sa ginagawa nila at nagsimula na sila para sa game nila, marami na rin ang sumali at nag pa register sa kanila. Tinawag naman ni Denver si Sky."Sky sumama ka sakin". anang lalaki sa dalaga. at sumunod naman si Sky dito, ayaw na niyang magtanong kung saan sila pupunta kasi pagod siya.
Huminto sila sa tapat ng kotse nito. at sumakay na sila dito, agad namang pinaandar ng binata ang kotse at umalis na sila sa campus nila."Saan ba tayo pupunta?" hindi mapigilan ni Sky na magtanong sa Binata.
"Pupunta tayo sa Guest house namin." sagot ng binata habang seryoso parin sa pagmamaniho. Nakarating na sila sa guest house nila Denver. Maganda ito, at malaki. pumasok na sila sa loob.
"linisin mo ang paligid at magpapahinga muna ako". utos nito sa dalaga at pumasok na ito sa isang silid.
Nilinga ni Sky ang buong paligid, ang laki at ang dami niyang lilinisin. "walang hiya talaga ang mokong nayun." sambit ni Sky sa sarili. Sinimulan na niya ang paglilinis upang matapos siya ng maaga. pupunta pa siya sa pageant mamaya para suportahan ang kaibigan niya. Okey lng na gabihin siya ng uwi total nagpaalam na siya sa tita niya na gagabihin siya kasi may school event sila at pumayag naman ito.Pagod na pagod si Sky pagkatapos niyang linisin ang buong bahay, sanay naman siya sa gawaing bahay dahil sa sobrang laki napagod siya. at dahil sa pagod nakatulog si Sky sa sofa.
Palabas na si Denver sa kwarto niya, hinanap niya agad si Sky. pag punta niya sa sala nakita niya ang dalaga, himbing na himbing ang tulog nito at malapit nang mahulog ang eyeglasses nito, kaya kinuha niya at nilagay iyon sa mesa. Napatitig siya sa mukha ng dalaga, "maganda naman pala ang babaeng ito kapag hindi nakasalamin". anang Denver sa sarili habang nakatingin sa natutulog na dalaga. Hindi muna niya ginising ang babae, hinayan muna niya itong matulog, napagod seguro sa paglilinis, Nilibot niya ang buong kabahayan at malinis na nga iyon. Bilib siya sa dalaga dahil ginawa nga nito ang inutos niya.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Teen FictionThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.