Chapter 9

30 1 0
                                    

Lumapit si Sky sa kinaruruonan ng kaibigang si Tiffaney.

"Tiffaney para sayo". sabay abot ni Sky sa dalaga ang bulaklak.
Nagulat at nagtaka si Tiffaney.

"Para sa akin to Sky?galing sayo?". agad na tanong ni Tiffaney sa kaibigan at saka tinanggap ang bulaklak.
"Naku , hindi galing sakin yan Tiff". sagot naman ni SKy habang paupo sa isang bakanteng silya.
"Wow ,saan galing yan sky?". tanong naman ni Yssa habang kumakain.(as always palaging kumakain si Yssa).
"Galing sa Admirer mo Tiff". sagot ni Sky. "Kay D..Denver". dagdag pa niya na nauutal. Nasasaktan siya for short kaya siya nauutal.
"Huh? galing kay Denver? e bakit ikaw ang nagbigay sa akin? bakit hindi Siya?". sunod sunod na tanong ni Tiffaney sa kaibigan.
"Ewan ko, basta inutusan niya lng ako". walang ganang sagot ni Sky sa kaibigan. Hindi naman niya masisisi si Tiffaney kung ito ang gusto ng Binata, maganda ito at mayaman, in short bagay sila!!!!!!. Ewan ba niya bakit siya na iinis sa kaibigan dahil ba gusto niya ang binata at gusto nito ang kaibigan niya????? . Mababaliw na talaga si Sky sa mga nangyayari kung pwede lng maglaho na siya, pero syempre hindi pupwede yun ;) ;) :)

"Sabi ko na nga ba, gusto ka ni Denver tiff eh, hindi talaga ako nagkamali". nakangiting wika ni Yssa.
"Imposible naman yata, sa pagkakaalam ko , hindi nanaliligaw si Denver ng babae, siya ang nililigawan ng mga ito at babaero yun kaya hindi yun nagseseryoso". paliwanang ni Tiffaney sa kaibigan.
"Pero ba't ka nga niya binigyan ng bulaklak?". tanong naman ni Yssa.
"Ewan!!! baka trip lng niya". sagot naman ni Tiffaney. Walang makitang emosyon si Sky sa kaibigan. Tama ba ang nakikita niya? walang gusto ang kaibigan niya sa binata base sa expression nito, parang hindi man lng kinilig dahil sa natanggap na bulaklak. (yes, may pag-asa kapa Sky!!!magdiwang tayu!!!!!) anang isip ni Sky.(Tumigil ka nga) kontra niya sa sarili.
"Sabihin mo na lng sa kanya Sky na salamat sa bulaklak niya at sa susunod wag na siyang mag abala pa". saad naman ni Tiffaney.
"Bakit? hindi mo ba gusto si Denver Tiff?'. tanong ni Sky. Gusto niyang malaman ang nararamdaman nito.
"Hindi". maikling sagot nito. "Iba ang gusto ko ". dagdag pa nito.
(yes, sigurado na talaga na hindi niya gusto si Denver, may chance pa ako). anang isip ni Sky........
"Bakit? sino bang gusto mo Tiff?" tanong naman ni Yssa.
Nag aalinlangan pang magsabi si Tiffaney sa mga kaibigan kung sino ang gusto niya, pero napagpasyahan nito na sabihin na lng, tutal mga kaibigan niya naman ito.
"Si Dylan, pero wag kayong maingay huh!!!". sagot nito na halatang kinikilig sa pagbanggit sa pangalan ng crush nito.
"What???? si Dylan". sabay na pagkasabi nina Sky at Yssa.
"SHHHHH hinaan niyong boses niyo , baka may makarinig". saway naman ni Tiffaney sa mga kaibigan.
"Teka , diba may Bernice na yun?bakit siya pa? tanong agad ni Yssa pagkatapos malaman na gusto pala nito si Dylan.
"Hindi naman niya girlfriend si Bernice eh, MU lng kaya may chance pa ako". sagot naman ni Tiffaney. Hindi naman niya masisi ang kaibigan kung bakit gusto nito si Dylan, gwapo ito, at mayaman. Gaya na lamang niya na gusto si Denver, kahit masama ang ugali nito, babaero at bully.

"Teka!! ako gusto ko si Deron at si Tiffaney naman gusto si Dylan!!! eh ikaw Sky sino ang gusto mo sa THE KINGS? tanong ni Yssa sa kaibigan. Nagulat si Sky sa tanong na ito ni Yssa. Ano namang nakain ng babaeng ito at biglang nagtanong tungkol sa gusto niya.

"Ako???? uhm wala, wala akong gusto sa kanila, ang sasama kaya ng ugali nila, kaya nga naging utusan nila ako dahil masama ang ugali nila". ssgot ni Sky. Hindi niya sinabi ang totoo na may gusto siya ni Denver, wala talagang makakaalam sa damdamin niya kundi ang sarili lang niya.

"Ang gugwapo kaya nila, wala kaba talagang crush sa kanila Sky?". pang uulit na tanong ni Yssa.

"wala talaga, at hindi ako nandito para makipag boyfriend, nandito ako para mag-aral". pagsisinungaling nito. (Andami munang kasinungalingan Sky!!! totoo naman talaga na nandito siya para mag-aral at hindi pagboboyfried, peru nagsinungaling siya na wala siyang gusto sa isa sa mga KINGS.).

"Sus ang seryoso mu naman Sky, Hindi naman masama na magkaroon ng inspiration ,part yun ng teenage life natin". paliwanag naman ni Tiffaney.
"Oo, nga !!! tama ka talaga Tiff, naku tatanda ka nang dalaga Sky". natatawang takot nito sa kaibigan.
"Ang exaggerated mo naman Yssa, tatandang dalaga agad? wala lng talaga akong magustuhan sa mga iyon". sagot ni Sky sa kaibigan. (lie ,lie ,lie)!!!!!!

Biglang tumunog ang Cellphone ni Sky. May tumawag.

"Hello?". sagot ni Sky sa tumawag. Si Denver pala ang tumawag, hindi niya na save ang number nito nung nag text ito sa kanya kanina.
"Where are you?'. anang nasa kabilang linya. "Punta ka dito sa coffe shop sa tapat ng School natin". utos nito.
"Okey, coming master". pang iinis niyang sagot sa binata. At binaba na niya ang telepono.

"Guys I'll go ahead, pinatawag na ako ni Master Boten eh". pagbibiro ng dalaga.
"sige, baka tanungin ka na kung kumusta ang panliligaw mo kay Tiffaney ,hahaha". pagbibiro ni Yssa sa kaibigan. At agad na umalis si Sky at nagtungo kung nasaan ang binata.
paglabas pa lamang niya sa School natanaw niya agad ang binata sa loob ng coffee shop, nag-iisa ito habang may kung anong ginagawa sa phone nito.
Pumasok na si Sky sa coffee shop at lumapit sa binata, umupo siya sa tapat na upuan nito.

"Im here master at your service". seryosong wika ni Sky. Naiinis siya kasi naging SLAVE siya nito at hindi siya makatanggi, pero masaya siya dahil palagi niya itong nakikita.(naiinis na masaya mode).

"Kumusta yung inutos ko sayu?". ang ibig sabihin nito ay yung bulaklak na pinabibigay nito kay Tiffaney.

"Okey naman, tinanggap niya, kaso ang sabi niya wag ka na daw mag-abala pa sa susunod". sinabi ni Sky ang totoo sa binata.
"Sigurado ka?". paninigurado nito.
"Mukha ba akong nagsisinungaling?". tanong nito sa binata.
"Baka naman nagsisinungaling ka lang ,dahil may gusto ka sakin". walang gatol na tanong nito. Nagulat si Sky sa tanong ng binata. masyado bang obvious na gusto niya ito? (naku po!!!! kinakabahan).
"Ano? ako may gusto sayo? hindi ahh" pagsisinungaling niya. "Ba't naman ako magsisinungaling sayo huh? kung gusto mo tanungin mo siya". inis na sagot ni Sky. Dinadaan na lamang niya sa inis ang kaba niya na baka malaman ng binata na may gusto talaga siya dito. Pero magaling si Sky mag tago ng emosyon kaya hindi nito mahahalata ang feelings niya. Dahil sa kaba nainom ni Sky ang kape ni Denver.

"Ooppss , sorru sayo pala ito". hinging umanhin ni Sky sa binata dahil sa nagawa. " gusto mo mag order na lang ako ng bago?". tanong niya sa binata.

"Wag na, gusto mo lng naman ma share ang coffee ko eh!!". anang lalaki. Nahahalata kasi nito na kinakabahan si Sky. Parang may kung anong tinatago itong babaeng to sa akin ahh, dapat malaman ko kung ano yun. anang isip ni Denver.

"As if naman gusto kitang makishare". pagtatanggol ni Sky sa sarili dahil sa hiya.
"Umamin kana kasi". at biglang inilapit ni Denver ang mukha nito kay Sky. Hindi malaman ni Sky ang gagawin, hindi siya makahinga ,pumikit siya sa pag aakalang hahalikan siya ng binata ngunit makalipas ang isang minuto wala siyang maramdaman na kahit ano, at saka dumilat siya, nakita niya ang binata na bumalik na sa pwesto nito, naiwan siyang napahiya sa sarili. "naku nakakahiya ang ginawa mo Sky, ano bang gusto mong mangyari?na hahalikan ka talaga niya? in your wildest dreams". anang isip ni Sky.
"Ba't kaba nakapikit?'. tanong ng binata kay Sky.
"Ahh wala, bigla kasi akong na puwing". pagsisinungaling ni Sky, pero sa sarili niya, nahihiya siya .
"Ganun ba?". paninigurado ni Denver. Nakangiti ito sa kanya, yung klase ng ngiti na nakakaloka. Nahalata kaya nito na kaya siya nakapikit dahil sa pag aakalang hahalikan siya nito?. "Naku nakakahiya talaga".sa isip ni Sky.

Dahil sa pagkapahiya, bigla na lng umalis si Sky sa coffee shop, ni hindi siya nag atubiling magpaalam sa binata. At dumiretso siya sa bahay nila. Naiwan namang naguguluhan si Denver.

MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon