Isang School event ang ginanap sa St. Luis University sa araw na iyon, kaya wala silang pasok, pero required sila na pumunta sa school para mag participate.
"Hoy Sky, saan mo ba gustong sumali sa org.?". tanong ni Yssa sa kaibigan.
"Hindi ko pa alam Yssa." sagot ni Sky sa kaibigan.
"Sa Science org. kaya tayu sumali sky? maganda doon, marami daw gwapo". paanyaya ni Yssa sa kaibigan.
"Pag iisipan ko pa Yssa, mas gusto ko kasi sa Math org.' sagot ni Sky sa kaibigan.
"Ahh sige ganito na lng sa Science org. ako at sa math kanaman, okey?".saad ni yssa at nagpaalam na sa kaibigan upang magpa register na sa org na gusto nitong salihan.
Naiwan namang mag isa si Sky kaya pumunta na rin siya sa Math org. para mag pa register."Name please?". tanong agad ng isang lalaki na nasa registration area sa nasabing org. Gwapo ito at mukha namang mabait.
"Im Sky Sebastian". sagot ni Sky habang nakatingin sa lalaki.
"Paki fill-up itong form at i submit mo sa akin pagkatapos Sky". nakangiting saad ng lalaki. Nag Fill-up na si Sky sa form at pinasa na niya sa Lalaki.
"Ako pala si Aaron, ako ang president sa Math Org.". pagpapakilala ng lalaki kay sky.
"Nice meeting you sky and welcome sa Org.". dagdag pa nito habang nakipag kamay."Same here Aaron". sagot ni Sky na tinanggap ang kamay ng lalaki. Nalaman ni Sky na 4rth year student na pala si Aaron sa kursong BS Math. Mabait nga ito gaya ng hinala niya, at masarap itong kausap, kaya agad niya itong nakagaanan ng loob.
Habang nag uusap si aaron at sky may biglang lumapit sa kanila isang lalaki at ang lalaking iyon ay si Denver.
"Magpapalista ako". walang gatol na sabi nito habang nakatingin kay Sky.
"Sige paki fill -up ito at pagkatapos i submit mo sakin". sagot ni Aaron. Kilala ni Aaron ang lalaki . Nagtataka siya kung bakit sumali sa org nila ang lalaking ito , dahil hindi naman ito mahilig sa mga org. sa School nila.
"Here". binigay ni Denver ang papel sa lalaki.
"Welcome sa Math org. Denver".bati ni aaron sa lalaki at nakipag kamay ito, ngunit hindi man lamang ito tinanggap ng lalaki. "Antipatiko talaga, ang yabang", sambit ni Sky sa sarili.
"Sky Sebastian, magkasama pala tayu ng org?". baling ni Denver sa dalaga.
"Obvious ba?" pabalang na sagot ni sky sa mayabang na binata. Lumabas naman ang pagkamataray ni Sky. (pero sa lalaki lng ito siya mataray).
Nagtaka si Aaron kung bakit ganun na lng sagutin ni Sky si Denver. "Teka magkakilala na kayu? tanong ni Aaron sa dalawa. sabay naman silang sumagot ng "Hindi"."Okey ,relax guys!! we have our first meeting tomorrow, 6 pm for the election of officers, sana maka punta kayu". saad ni Aaron ,dahil nararamdaman niya ang tensyon sa dalawa. Lumapit si denver ni Sky at sinabing "may utang kapa sakin". mahina lng ito kaya si Sky lang ang nakarinig .Umalis na si Denver sa Booth at sumunod namang umalis si Sky upang hanapin ang kaibigan.
"Sky?". Tawag ni Yssa sa kaibigan. " I have good news, alam mo ba na nasa Science Org. si Deron?". kinikilig na sambit ni yssa. Crush nito ni Deron kahit bully ito. Napakagwapo din kasi ng binata kaya hindi masisisi ni Sky ang kaibigan kung magkakagusto ito sa binata.
"I have bad news too Yssa, kasama ko sa Math org. si Denver." walang ganang balita niya sa kaibigan.
"Really? oh my!!! you are destined Sky". natutuwang saad ng kaibigan. Lumalabas naman kasi ang pagkakingkoy ng kaibigan niya.
"Tumigil ka nga Yssa ,ano bang pinagsasabi mong distined dyan?". sagot naman ni Sky.
"Eh bakit kayu nagsama sa isang org huh? Teka sino ba sa inyo ang unang sumali ha?". tanong nito sa kaibigan.
'Ako syempre, Nagulat nga kami ni Aaron nang bigla na lng nag pa register si Denver." sagot ni Sky.
"Baka sinundan ka friend?" ayeee kayu talaga ang para sa isat-isa sky." tudyo pa nito sa kaibigan. "Teka sino naman si Aaron ha?". dugtong pa nito.
"Ba't naman ako susundan nun friend eh, bad trip nga sakin yun kasi tinuhod ko". sagot ni Sky. "si Aaron, yun yung president namin sa org. " sagot nito sa tanong ni Yssa.
Papunta na sina Sky at Yssa sa canteen upang hanapin si Tiffaney , sinabi kasi ng huli na doon sila magkikita pagkatapos ng Org. registration. Nang biglang harangan ni Denver si Sky.
"Sumama ka sakin". sabi nito at hinila na si sky palayo.
"mauna kana sa Canteen Yssa, susunod ako". pahabol ni Sky sa kaibigan. "Ano ba? bitiwan mo nga ako Denver, nasasaktan ako". Anang Sky sa lalaki. Binitiwan naman siya ni Denver at dinala siya nito sa isang Classroom na walang katao-tao. Natatakot na si Sky, baka kung anong gawin ng lalaki sa kanya.
"Ano bang ginagawa natin dito? teka? may gagawin kang masama no? re-rapen mo ako? walang gatol na tanong ni Sky dahil sa takot.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? ikaw e rarape ko? no way, hindi ako pumapatol sa pangit." bigkas nito, nahiya naman si Sky sa sarili, ano ba kasing pumasok sa utak niya at nasabi niya iyon.
"Eh ano palang ginagawa natin dito?'. mahinang tanong ni Sky sa lalaki dahil sa pagkapahiya.
"I know Scholar ka sa School at alam mo ba na tito ko ang may-ari ng school na ito?". mahinahong sabi nito habang naka-upo sa isang silya. "Alam mo bang dahil sa ginawa mo sa akin ,pwede kitang ipa kick out sa school?". dagdag pa nito. Kinabahan si Sky sa narinig, pwede ngang gawin ito ng binata. paano na ang pangarap niya? hindi siya pwedeng umuwi sa cebu, madi disappoint niya ang parents niya, hindi siya pweding matanggal, gagawin niya ang lahat hindi lng ma kick-out sa school.
"Please wag mo naman tong gawin denver, Im sorry kung tinuhod kita, Patawarin mo na ako, hindi pweding mawala sa akin ang scholarship ko". pagmamakaawa ni Sky sa binata, dahil gagawin niya ang lahat wag lang mawala ang scholarship niya. "gagawin ko ang lahat ng gusto mo, wag mo lng akong ipa kick-out, please," maiiyak na pakiusap ni Sky sa binata.
Bigla namang nagliwanag ang mga mukha ni Denver. "Sige hindi kita ipapa kick-out sa school sa isang kondesyon".anang lalaki.'Kahit ano basta wag lang mawala sakin ang scholarship ko". sagot ni Sky.gagawin talaga niya ang lahat para sa pangarap.
"Okey, you will be my personal alalay for 5 months". saad nito.
"what?alalay mo ako for 5 months?'. nagulat na tanong ni Sky. paano ba to ,magiging utusan siya ni Denver ng 5 months?
"Bakit, ayaw mo?". tanong nito. "sige ,parang ayaw mo naman ,kaya humanda kanang mawala sa school na ito. Dagdag pa nito.
"Hindi-hindi, ang ibig kung sabihin payag na ako ,okey?" ang tanging nasabi ni Sky sa binata.
"Good, okey from now on, utusan na kita in short your my slave". nakangising tugon nito. "Hindi mo ako pweding sagot-sagutin, at susundin mo lahat ng i uutus ko, maliwanang ba sky?".dagdag nito."Yes, Denver". maikling tugon ni Sky sa binata. Napasubo na siya kaya wala ng atrasan to, yakang yaka niya ang 5 months, para naman ito sa scholarship niya kaya gagawin talaga niya ang lahat, kahit pa maging slave ng hambog at bully na si Denver.
"Ipapatawag na lng kita kung may i uutus ako sayu, kaya pwede mo paring gawin ang mga gusto mo kapag hindi pa kita kailangan". yun lang at iniwan na siya ng binata na nag-iisa.
Wala sa sariling umalis na din si Sky sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Teen FictionThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.