Pagbaba ni Sky sa kotse ng binata, nag paalam na siya dito.
"Dito na lang ako". saad niya sa binata.
'Ihahatid na kita sa loob". sagot nito. At naglakad na ito papunta sa loob ng bahay nila.
Pagpasok nila sa loob nandoon na ang Tita niya."Oh iha nandito kana pala". Anang Tiyahin niya.
"Magandang gabi po". bati ni Denver sa Tita niya.
"Magandang gabi din iho, diba ikaw ang nagsundo sa pamangkin ko noong isang araw sa palengke?". tanong ng tita Cora niya sa binata."Ahh, Opo ako po yun,". sagot ni Denver dito.
"Oh siya salamat sa paghatid sa pamangkin ko, dito kana mag dinner, sabayan mo kami". paanyaya ng Tita cora niya sa binata."Sige po, hindi po ako tatanggi, karangalan ko pong saluhan kayo sa hapunan". anang lalaki. Natawa naman ang Tita niya dahil sa sinabi ng binata.
"may pagkamakata ka pala iho? oh siya halina kayo at nang makakain na tayo." anang tita niya. Si Sky naman walang nagawa kung hindi sumunod na lng sa mga ito. Madaling nagkasundo ang Tita niya at si Denver. Nagtatawanan pa ito habang kumakain. May pagkapalabiro pala itong si Denver, may pagkakingkoy rin. Pagkatapos nilang kumain, nag kukwentuhan pa ang tita niya at ang binata. at maya maya pa ay nagpaalam na ang binata sa kanila.
"Mauna na po ako Tita, gabi na po, salamat po sa hapunan at nag enjoy po talaga ako sa biroan natin". paalam nito sa Tita niya. Close agad ang dalawa at Tita na din ang tawag nito sa tiyahin niya.
"wala yun iho, welcome na welcome ka dito sa amin". sagot naman ng Tita niya.
Inihatid ni Sky ang lalaki sa labas."Salamat Sky, nag enjoy talaga ako ". anang lalaki.
"Naku ,wala yun, close na nga kayu agad ni Tita". sagot ni Sky dito.
"Ang saya palang kausap ng tita mo ano?". nakangiting tanong ni kay Sky.
"ganyan talaga si Tita, mabait kasi'. anang Sky.
"sige magpapaalam na ako, gabi na." paalam ng lalaki.
"sige, bye Denver". paalm ni Sky sa binata.
Lumapit sa kanya si Denver. "goodnight Sky". saad nito pagkatapos hinalikan siya sa pisngi. "Bye ". dagdag pa nito pagkatapos ay umalis na. Naiwan namang tulala si Sky ,hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hinalikan siya ni Denver??? my goodness!!!! Kinikilig si Sky, sobra, Ano kaya ang ibig sabihin ng halik na iyon nang binata? hayyyyy ang saya ni Sky sobra. Nakangiti si Sky na pumasok sa loob ng bahay."anong nagyari sayu iha? ba't ka nakangiti?". tanong ng Tiyahin niya.
"Ahh, wala po Tita, magpapahinga na po ako". paalam niya sa tita niya, Hindi pa rin niya malimutan ang halik na iyon ni Denver, kahit sa pisngi lang at maituturing lang na Goodnight kiss ,ngunit sa palagay niya ay real kiss na iyon. "Kung sa lips kaya niya ako hinalikan no??ano kaya ang feeling nun?" tanong ni Sky sa sarili. 'Tumugil ka nga sky ang landi mo!!". anang isang isip naman niya. Hanggat sa pagtulog niya ay si denver pa rin ang iniisip niya.Napabalikwas ng bangon si sky.
"Sky gising na! ma li late kana sa klase mo". gising ng tiyahin niya sa kanya.
"Naku po, pasensya na po Tita," sagot ni sky sa tiyahin niya. Agad namang naligo at nagbihis si Sky.""kumain kana sky". anang tita niya sa kanya.
"Sige po Tita". at sinaluhan na ni Sky ang tiyahin niya.
"Mabait yung kaibigan mo sky ahh". anang tiyahin niya.
"Sino po?". tanong niya sa tiyahin habang kumukuha ng hotdog.
"Iyong naghatid sayo kagabi, si Denver, natutuwa ako sa kanya". anang tiyahin niya. Kung alam mo lang tita kung anong ugali ng lalaking yun!! pero sa isip lng iyon ni Sky.
"Ahh, opo ". ang tanging nasabi ni sky sa tiyahin. Pagkatapos niyang kumain, nagpaalam na siya rito.Nagpaalam na si Sky sa tiyahin niya at mabilis siyang pumara ng jeep . Pagdating niya sa School, nagmamadali siya papunta sa classroom niya. Pagpasok niya doon, natigilan siya dahil nakatingin sa kanya ang lahat ng mga ka klase niya, pagdating niya sa upuan niya may nakita siyang isang punpun ng bulaklak "saan kaya ito galing?baka naman nagkamali ang nagbigay at sa table niya nailagay". tanong ng isip ni Sky, Binuksan niya ang card at binasa iyon.
"To the most beautiful and kind slave i have. Denver!!!". wow huh? galing kay Denver ang bulaklak? OMG. bakit? tanong niya sa sarili.
"Para daw sayu yan galing kay Denver". anang isa niyang ka klase. Kinantiyaw siya ng mga kaklase niya. May natutuwa at meron ding nagagalit gaya na lng ni Tiffaney. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang bulaklak.
"Akin na yan, hindi yan bagay sayu". ang sabi ng dalaga, kasama na nito ngayon si Bernice at iba pang mga maldita niyang ka klase.
"Akin na nga yan, akin yan at hindi sayu Tiffaney".inigaw ni Sky ang bulaklak sa babae. "Akin na yan sabi". at naitulak niya ang babae, kaya napaupo sa sahig. At sakto namang dating ng guro bila."What happened in here?'. tanong nito sa kaniila. "Sky at Tiffaney sa guidance office, now". saad ng teacher nila. Agad namang nagtungo ang dalawa doon.
"Okey what exactly was happening in there?". tanong ng guro nila pagkarating nila sa guidance room.
"Si Sky po kasi maam ,tinulak ako". sumbong ni Tiffaney sa guro.
"Is that true Sky?". tanong ng guro sa kanya.
"Kasi po, inagaw niya ang bulaklak sa akin maam kaya ko po siya naitulak". paliwanag niya sa guro.
"Pero hindi mo siya dapat itinulak". anang guro, "at dahil diyan, paparusahan kita, maglilinis ka sa school gym ng limang araw". saad nito. "okey pwede kanang umalis Tiffaney at ikaw Sky mag uusap pa tayo". anang guro. Umalis naman si Tiffaney na nginitian pa siya, Plastic na ngiti. Nakakainis porke bat mayaman ay hindi na pwedeng parusahan? kasalanan naman talaga ni Tiffaney ang lahat ,siya ang nag umpisa ng gulo. Ang hirap talagang maging MAHIRAP. Pagkatapos nilang mag usap ng guro ,lumabas na si Sky at imbis na dumiretso sa klase niya nagpunta siya sa gym at naglinis."what are you doing?". tanong ni Denver sa kanya, Hindi niya napansin na nandoon na pala ang binata, busy kasi siya sa kalilinis sa lugar.
"Naglilinis". sagot niya rito.
"Bakit?" tanong nito sa kanya.
"Punishment, kasi inaway ko si Tiffaney".sagot niya rito habang nag wawalis sa sahig.
"At bakit mo naman siya inaway?". tanong pa nito. Habang kinukuha nito sa kanya ang walis.
"Akin na nga yan, baka mapagalitan ako nito". agaw ni Sky sa walis na kinuha ng lalaki.
"Sabihin mo sa akin kung bakit nga?. tanong ulit nito. Sinabi niya rito ang buong nangyari kanina sa classroom nila. Nagulat ito sa narinig nito, agad itong umalis at iniwan siya. "ANong nangyari doon?galit ba yun? kanino naman kaya?" . natanong na lamang ni sKy ang sarili at pinagpatuloy ang paglilinis.Sa Classroom.......
"where is Tiffaney?". tanong ni Denver sa mga sudyanteng nandoon.
"are you looking for me babe?, sabi ko na nga ba at na miss mo ako eh". anang Tiffaney at lumapit kay Denver at hinalikan siya nito sa mga labi niya.
"Tumigil ka". anang Denver sa babae, inilayo niya ito sa sarili, "Mag usap tayo". at hinila niya si Tiffaney sa labas."wait, ano ba nasasaktan ako!!!". reklamo ng babae kay Denver.
"Masasaktan ka talaga sa akin pag ginulo mo pa ulit si Sky, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin". galit na saad ng lalaki. Nagulat si Tiffaney sa reaction ng lalaki."Bakit mo ba kinakampihan ang pangit na iyon huh?. tanong niya sa lalaki.
"Dahil hindi tama ang ginagawa mo sa kanya, ano bang kasalanan niya sayo?". galit pa rin na tanong ni Denver sa babae.
"Galit ako sa kanya, kasi gusto ka niya at inagaw ka niya sa akin". sagot ng babae.
"ano ba yang pinagsasabi mo? walang inagaw si Sky sa iyo, dahil hindi naman naging tayo". anang Denver sa dalaga. Natamimi Si Tiffaney.
"Bakit ba kasi hindi na lang ako ulit ang magustuhan mo?". pagmamakaawa ng dalaga sa kanya.
"No, at hindi magyayari yan". sagot ng lalaki dito.
"Bakit? dahil si Sky na ang gusto mo? sa pangit na iyon?". galit na rin na tanong ng babae sa kanya.
"wala ka na doon, kaya ito lang ang tatandaan mo, pagsinubukan mo ulit na saktan at ipahamak si Sky, ako ang makakalaban mo". galit na pananakot ng binata sa babae at iniwan na niya ang babae, halata namang natakot ito sa sinabi niya.
Galit na galit namang naiwan si Tiffaney.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Dla nastolatkówThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.