Chapter 13

20 1 0
                                    

Kinabukasan sumama si Sky sa Tita niya sa palengke, gusto niyang tulungan ang tiyahin sa pagtitinda ,sabado naman kaya wala siyang pasok at katatapos lng ng founders day celebration ng School nila kahapon.

"Sino yang kasama mo Cora?". tanong ng isang tindira sa tita niya.
"Ahh, Si Sky pamangkin ko, yung sinasabi ko sa inyo na schoolar sa st. Luis University?". sagot ng Tita niya sa nagtanong.
"Mabuti naman? matalino pala ang pamangkin mo Cora". tanong naman ng isa pang matabang babae na tindira din .
"Ahh Oo, mana sa akin to eh". pagmamalaki ng Tita niya sa kanya sa mga kaibigan nito. Nginitian lang ni Sky ang mga papuri nito sa kanya. Saglit niyang nakalimutan ang problema niya sa mga kaibigan. Nagsimula ng dumami ang mamimili sa palengke kaya naging busy si Sky at ang Tita Cora niya.

"Manang Cora, ito na po ang inorder mong gulay". anagn isang lalaki sa tita Cora niya, nakatingin ito kay Sky.
"Oh, Diego, dumating kana pala, cge akin na yan". inabot ni Tita cora ang gulay at napansin nitong nakitingin ito kay Sky. "Siyanga pala Diego si Sky pamangkin ko, yung palagi kung kinukwento sa yo"/. pagpapakilala ng Tita Cora niya kay Diego.

"Hi Sky, ako nga pala si Diego". pagpapakilala nito sa kanya at nakipagkamay ito sa Dalaga.
"Hello, Masaya akong makilala ka Diego". sagot naman ni Sky sa binata. Matangkad ang lalaki, gwapo ito ngunit dahil palaging bilad sa araw maitim ito, magaspang ang kamay dahil sa mabibigat na trabaho , at sa tingin niya ay mabait ito.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin manang Cora na maganda pala itong pamangkin mo". anang binata habang sa kanya nakatingin. mapagbiro pala ang Lalaking ito anang Sky sa sarili.
"Nagbibiro kaba diego? ". tanong ni Sky sa Binata. "Baka gusto mong hiramin ang salamin ko para malinawagan ka". dagdag ni Sky na halata namang nagbibiro lng.

"Hindi ako nagbibiro ano, totoo naman na maganda ka eh," sagot ng binata.
"Naku, naku, tigilan mo na ang pamangkin ko Diego, mabuti pa bumalik ka doon baka hinahanap ka na ng papa mo". bugay ng Tita Cora niya sa binata.
"Pero babalik po ako, bye Sky, mauna na po ako Mang Cora". paalam ng binata sa dalawa.

"May gusto sayu si Diego iha,". sabi ng Tita niya habang sila na lang dalawa ang nandoon.
"Bakit niyo naman po nasabi yan Tita?'. tanong ni Sky sa Tiyahin.
"Halata naman iha, kung makatitig sa iyo eh, wagas". nakangiting sagot ng Tita niya sa kanya.
"Naku, nagkamali ka lng po siguro Tita, sa pangit kung to? magugustuhan niya?naku mahirap na po tita". sagot niya sa Tiyahin.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi niyang maganda ka raw". anang Tiyahin niya.
"Naniwala naman kayo doon Tita? ako hindi, sinong binobola niya?". sagot ni Sky sa Tiyahin.
"Alam mo iha maganda naman talaga, kaso nga lang tinatago mo diyan sa malaki mong salamin at sa pananamit mong yan". turo nito sa kanya.
"Bakit? ano po bang masama dito sa suot ko Tita? okey naman ahh". paliwanag niya.
"ang ibig kung sabihin , dapat siguro sumunod kana sa uso ngayon iha, nasa maynila kana kaya dapat new looks kana". saad nito.
"Ayaw ko po Tita". sagot niya. Ayaw niyang magbago ng image kasi natatakot siya, pano kung hindi naman pala bagay sa kanya? kaya mas mabuti ng wag na lng.

Habang abala si Sky sa pagtulong sa Palengke may biglang dumating, Si Denver.

"Anong ginagawa mo dito?". tanong ni Sky sa Binata. Nagtataka siya kung bakit nandoon ito .
"kailangan kita". sagot nito. (wow huh? kailangan talaga??? parang kanta lng, kailangan kita). Bigla namang dating nang Tita ni Sky galing sa Likod ng pwesto nila.

"Magandang umaga po". bati ni Denver sa Tiyahin niya.
"magandang umaga naman iho". sagot ng Tita Cora niya.
"Siyanga pala Tita si Denver Schoolmate ko po, at Denver si Tita Cora ko". pagpapakilala ni Sky sa dalawa.

"Oh, Ba't nandito ka iho?may bibilhin kaba?" tanong ni Cora sa Binata.
"Ahh, wala po, Gusto ko lang po sanang isama si Sky, ka Org. ko po kasi siya at meron po kaming emergency meeting". sagot nito sa Tiyahin ni Sky.
Alam ni Sky na nagsisinungaling ang binata, wala naman talaga silang emergency meeting pakana lang nito lahat ang sinasabi.
"Ganun ba? ahh sige walang problema". anang Tita Cora niya. " sige Sky sumama kana sa kanya,para sa school niyo naman pala yan". anang Tita niya. Wala namang nagawa si Sky kung hindi sumama sa lalaki. Nagpaalam na sila sa Tita niya at paalis na sila sa palengke ng may tumawag sa kanya.

"Sky". tawag sa kanya ng isang lalaki.lumapit ito sa kanya at nakilala niya ito, Si Diego.
"Oy, Diego ,bakit?". tanong niya sa binata.
"aalis kana agad?". tanong nito sa kanya.
"Ahh Oo may pupuntahan kasi kami". Sagot ni Sky. "Siya nga pala Diego si Denver Schoolmate ko". pagpapakilala nito sa kasama.
"Hi". bati ni Diego sa Binata at nakipagkamay ,ngunit tiningnan lng ito ni Denver, hindi man lang tinanggap.
"Lets go". yaya nito kay Sky.
"Sige Diego mauna na kami". "Pasensya kana sa kasama ko ,meron kasi". pagbibiro niya sa Binata.

Sumakay na sila sa kotse...

"saan ba tayo pupunta?". tanong ni Sky sa binata habang tahimik ito.

"Boyfriend mo ba si Diego?'. imbis na sagutin nito ang tanong niya, ito ang sinabi ng binata.
"Hindi, kaibigan ko lang siya". sagot niya sa tanong nito. Wow huh!!! bakit kaya tinanong ng binata ito sa kanya. baka naman nagseselos ito, Wew selos agad????

"Ganun ba". tanging sagot nito at tahimik na nagmamaneho.

(ganun lang ???silent na agad??? assuming ka talaga Sky.)

Patungo sila sa isang Mall. Nagtataka si Sky! ano namang gagawin nila dito. Sumunod siya sa binata.

"Anong gagawin natin dito?". tanong niya sa binata habang papasok sia sa isang shop.
"Tutulungan mo akong pumili ng regalo". sagot nito.
"Para kanino naman?". tanong niya dito.
"Para kay Tiffaney, Birthday niya sa isang linggo, Hindi mo ba alam? Invited lahat sa School, diba kaibigan ka niya?'. paliwanag ng binata sa kanya. Galit talaga ang kaibigan sa kanya, Hindi man lang siya sinabihan sa plano nitong Party para sa birthday nito. Hindi niya ito masisisi dahil kasalanan naman talaga niya.
"ano ba kasi ang gusto mong iregalo sa kanya?". tanong na lamang niya sa binata. Gusto talaga ng binata ang kaibigan niya, mas mabuti na rin siguro ang ganito para, hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya para sa binata.

"Ano ba ang gusto ni Tiffaney, diba kaibigan mo siya?". tanong nito sa kanya.

"Hindi na niya ako kaibigan ngayon". sagot niya dito habang tumitingin sa mga stuff toys na nandoon.
"Bakit?". tanong nito sa kanya.
"Nagalit sila ni Yssa sa akin kasi nagsinungaling ako sa kanila, naalala mo yung sinama mo ako sa beach? nalaman kasi nila ". paliwanag niya.
"Kasalanan mo naman pala". saad nito.
"So, kasalanan ko pa? kung hindi mo ako sinama hindi sana kami magkagalit ngayon!! kaya kasalanan mo". inis na sagot niya sa binata.
"Baka nakakalimutan mong Slave lang kita ". sabi nito.
"I know". sagot niya. Ayaw na niyang makipag away dito, wala siyang panalo.
"Kung gusto mo talaga na magugustuhan ka niya, bigyan mo siya ng mamahaling regalo, mahilig naman si Tiffaney sa mga material na bagay, doon siya masaya". sabi niya sa binata.
"Alam ko na, halika may pupuntahan tayo". Sabi ng binata at saka hinila siya palabas sa shop. Pumunta sila sa isang jewelry shop.

"Goodmorning Sir". bati nito sa kanya ng isa sa mga sales lady doon, Hindi man lang siya binati nang mga ito.
"goodmorning, I want a necklace ". sagot ng binata dito. Necklace pala ang ibibigay nito sa dalaga.
"Okey po sir, Dito po tayo". nakangiting sagot ng dalaga sa binata, halata namang nagpapacute ito.
"Ito sir, diamond necklace, sigurado akong babagay yan sa pagbibigyan niyo". paliwanag ng sales agent dito. Maganda talaga ang necklace at ito ang pinakamahal doon.
"Sige, kukunin ko". anang lalaki. Wow huh ang yaman talaga ng binata. Napa isip naman si Sky, sana para sa kanya na lng ang necklace na iyon. (In her dreams).

Binalot na ng isang sales agent ang binili ni Denver at inabot ito sa binata habang nagpapa cute pa rin dito."mga malalandi"anang isip ni Sky. parang hindi rin naman niya pinagpapantasyahan ang binata.

"Lets go, kakain muna tayo gutom na ako". yaya ng lalaki sa kanya at saka nagtungo na sila sa isang restaurant sa loob pa rin ng mall. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na siya ng lalaki sa bahay nila.

MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon