Chapter 8

32 1 0
                                    

Kinabukasan maagang nagising si Sky, naghanda siya ng agahan, nakapagluto na siya ng magising ang tita niya.

"Oh , bakit ang aga mo yatang nagising Sky?'. tanong ng tita niya. "Anong oras ka nakauwi kagabi?. dagdag pa nito.

"Mga 10 na po Tita., kumain napo tayo ". yaya nito sa tita niya habang inaayus ang hapag kainan. Umupo na ang tita niya at kumain na sila.

"Darating na pala sa isang buwan ang kuya Andrew mo". balita ng tita niya sa kanya.

"Talaga po?mabuti nman po, ang tagal ko nang hindi nakita si kuya". sabik na sagot ng dalaga.

"Magbabakasyon siya ng dalawang buwan dito". dagdag pa ng tita niya. Sabik na siyang makita ang kuya andrew niya. malapit kasi siya sa kuya niya, kapag umuuwi kasi ito sa pilipinas ,pumupunta ito sa Cebu para bisitahin sila.

"Hindi na po ako makapag hintay tita". excited na saad ni Sky. " Siyanga pala tita pupunta po ako sa School mamaya, may event po kasi kami ngayon." paalam ng dalaga sa Tita nito.

   "Sige Sky, walang problema, basta ba para sa pag aaral mo". nakangiting sagot ng Tita niya habang kumakain.

Pagkatapos kumain, nag linis muna si Sky sa bahay ng Tita niya at pagkatapos nagpaalam na ito para pumunta sa School.

Pagdating ni Sky sa School nila, hindi pa nga siya nakapasok sa gate tinawag na siya ng isang lalaki. Si Denver.

   "Sky!" tawag ng lalaki sa dalaga. "Halika nga dito". utos pa nito.
Lumapit naman si Sky sa binata.

    "Bakit?may kailangan ka?". tanong agad ni Sky sa lalaki.

    "Akin ng number mo". utos nito. Nagtaka si Sky kung bakit hinihingi nito ang number niya.

     "Ba't mo naman hihingin ang number ko?'. sagot ng dalaga, imbis na ibigay sa binata ang number nito.

     "Dahil Slave kita, at gusto ko pag maykailangan ako, nandyan ka agad". sagot nito. Nalinawagan naman si Sky, akala niya kung ano na, (assuming lng te?") anang Sky sa sarili. Binigay naman ni Sky ang number niya sa Binata at agad na itong umalis.

   "Sky!!!!". tawag ng kaibigan niyang si Yssa. Tumatakbo ito papalapit sa kanya.
    "Oy, Yssa ba't kaba tumatakbo?". tanong ni Sky sa kaibigan nito.
    "Hinabol kasi kita, nakita ko kayo ni Denver ah?, kayo na ba?" pagbibiro ng kaibigan, dahil alam naman nito ang storya nina Sky at Denver.
    "Anong kami? nako alam mo naman ang dahilan diba?". sagot ni Sky sa kaibigan.
    "Alam ko naman friend binibiro lng kita". nakangiti nitong sagot. "Tara na puntahan natin si Tiffaney sa Canteen ,manglilibre daw siya". dagdag ng kaibigan habang nagmamadaling pumunta sa canteen. Pagdating nila doon nakita nila si Tiffaney kasama si Denver. Nagtataka si Sky bakit nandoon ang binata. Lumapit sila sa dalaga.
At bigla namang nagpaalam ang binata.

   "Hey Tiff? kaibigan mo pala si Denver ng THE KINGS? bat hindi namin nalaman yun?". tanong agad ni Yssa sa kaibigan at saka umupo sa tabi nito.

    "Ahh yun ba? ewan ko ,lumapit lng naman siya sakin at nag congratulate dahil ako raw ang nanalo sa pageant last night.". sagot naman ng dalaga.

    "Uhm may naamoy akong hindi maganda friend". sagot naman ni Yssa. Nakikinig lng si Sky sa tabi, hindi niya alam kung bakit parang hindi siya natutuwa sa nangyayari.

    "Ano naman yun Yssa?" tanong ni Tiffaney sa kaibigan.

    "Parang may gusto yata si Denver sayu friend". sagot naman nito.
    "hahaha anong bang pinagsasabi mo Yssa, imposibleng magkagusto sa akin yun, hindi kami talo no". natatawang sagot ni Tiffaney sa kaibigan. Habang si Sky ay naguguluhan kung bakit ganun ang nararamdaman niya.

   "Hoy Sky!!! wala ka bang sasabihin? bakit ang tahimik mo?". baling naman ni Yssa sa kaibigan.
    "Ako? ahh wala guys, may iniisip lng ako". sagot ni Sky sa kaibigan.
    "Ano naman yang iniisip mo Sky?". tanong naman ni Tiffaney.
    "Ang pamilya ko, na mimiss ko na kasi sila,". pagsisinungaling na sagot ni Sky. Hindi naman ang pamilya niya ang iniisip niya, kundi ang nararamdaman niya.
    "ah ganun ba? naku friend okey lng yan, makikita mo rin sila". saad naman ni Yssa sa kaibigan.
     "Oy teka umorder na kaya tayo!". paanyaya ni Sky sa kaibigan para mawala na ang kung ano mang nararamdaman niya ngayon.
     "Sige ,mabuti pa nga ,kasi gutom na ang mga alaga ko". dugtong naman ni Yssa.
     "Sige ako ang taya". anang Tiffaney. Umurder na sila ng pagkain at masaya silang nag kukwentuhan at saglit namang nawala ang mga iniisip ni Sky. Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam muna si Sky sa mga kaibigan, pupunta muna siya sa library.

     "Guys ,mauna na ako pupunta muna ako sa library,". paalam ni Sky sa mga kaibigan.
    "Sige Sky go ahead." sagot naman ni Tiffaney.
     "Susunod ka sa amin mamaya huh?" sagot naman ni Yssa sa kaibigan, napag isipan kasi nila na lumabas mamaya para mag celebrate sa pagkapanalo ni Tiffaney.

     "Sige, susunod ako". sagot ni Sky sa kaibigan at umalis na.

Narating ni Sky ang library, walang tao doon ang tahimik, sinandya talaga niyang pumunta doon upang mapag-isa. Walang tao doon kasi wala naman silang pasok at founders day nila kaya halos lahat ng mga studyante ay nagsasaya, maliban sa kanya.
Muli namang bumalik sa ala ala niya ang nagyari kanina. Bakit ganun ang nararamdaman niya? ang sakit malaman na may gusto si Denver sa kaibigang si Tiffaney, gusto na ba niya ang binata? natanong ni Sky ang sarili. Hindi maaari bat naman niya magugustuhan ang mokong na iyon, eh ang sama ng ugali nito at saka, mayaman ito , siya ay mahirap lng . at higit sa lahat SLAVE siya nito ng 5 buwan o 150 days. Habang nag iisip si Sky , bigla namang tumunog ang cellphone  niya, may nag text sa kanya at hindi niya alam ang numero nito kaya agad niyang binuksan ang minsahe.

"Pumunta ka sa Gym, ngayon din". ang nakasaad sa text. At alam na ni Sky kung sino iyon, ang kanina pa niya iniisip si Denver.

"Ano na naman kaya ang iuutus ng lalaking yun", saad ni Sky sa sarili habang patungo sa Gym kung saan pinapupunta siya ni Denver. Pagdating niya doon, nakita niya si Denver at ang mga kasamahan nito ang THE KINGS. Lumapit siya sa lalaki.

   "Bakit mo ba ako pinapupunta dito?". naiinis na tanong ni Sky sa lalaki.
   " May i uutos ako sayu.". sagot naman ni Denver sa dalaga.
   "May nililigawan kasi itong si Denver Sky". sambit naman ni Dylan.
   "Eh ano ngayon?at pakialam ko?" sagot ni Sky sa binata. Ngunit sa loob ni Sky nasaktan siya sa nalaman na meron ng nililigawan ang binata. Gusto na talaga niya ito ngunit hindi matanggap ng isip niya ang nararamdaman.
    "Gusto ko bumili ka ng bulaklak at ibigay mo sa nililigawan ko". utos ni Denver sa babae. Parang mabibiyak ang puso ni Sky sa narinig, ngunit pinigil niya ang sarili.
     "Sino ba yang nililigawan mo?". tanong ni Sky ngunit may alam na siya kung sino.
     "Si Tiffaney ang kaibigan mo". walang gatol na sagot ni Denver. Sabi na nga ba at ang kaibigan niya ang gusto ni Denver. Ang sakit ng nararamdaman ni Sky, pero wala siyang magagawa, ang pangit kaya niya para magustuhan ni Denver. Kaya habang maaga pa kalimutan na niya ang nararamdaman niya para sa lalaki.

Agad na nagtungo si Sky sa isang flowershop upang bumili ng bulaklak para sa kaibigan. Bakit ba siya pumayag sa utos ng binata?. Diba nga SLAVE siya? Papano ba mawawala ang nararamdaman niya kung palagi niya itong nakikita. Pagkatapos bumili agad na bumalik si Sky sa Gym.

    "Oh, eto ng bulaklak mo kamahalan". na iinis na saad ni Sky. Naiinis siya dahil hindi siya ang gusto nito. (Ano ka sky sinuswerte?????) anang isip niya.
     "Diba sabi ko ibigay mo kay Tiffaney?" sagot ni Denver.
     "Eh, ba't kailangan ako pa ang magbigay? hindi naman ako ang manliligaw sa kanya?". paasik na sagot ni Sky.
     "Sumasagot kapa, eh sa gusto ko na ikaw ang magbigay, your my slave kaya uutusan kita.". utos nito.
    "Pauli-ulit? Oo na Slave muna ako, hindi muna kailangan ulit-ulitin." naiinis na saad ng dalaga. "Akin na nga yan". kinuha niya ang bulaklak. "torpe ka naman pala, manliligaw na lng ipadaan pa sa iba". dugtong niya sabay layo sa binata.

    "May sinasabi kaba Sky?" tanong ng binata.
    "Ahh, wala po master". sagot ng dalaga atsaka umalis na para maibigay niya ang bulaklak para sa kaibigan.
Hinanap niya ang kaibigan at nakita naman niya ito sa canteen kasama parin si Yssa. hindi pala umalis ang kaibigan niya doon kaninang iniwan niya ang mga ito.

MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon