Biglang napabalikwas ng bangon si Sky , hindi niya kwarto ito ah, nandito pala siya sa guesthouse ni Denver, agad siyang tumayo, nagulat siya ng malaman niyang alas 6 na pala ng gabi, bilis niyang hinanap ang binata, kinatok niya ang pinto sa kwarto nito.
"Denver?". tawag ng dalaga sa lalaki. Agad namang binuksan ni Denver ang pinto,
"Bakit ba?" tanong nito sa dalaga.
"Ba't hindi mo ako ginising? pupunta pa ako ng school". saad naman ni Sky sa binata.
"Bakit naman kita gigisingin? utusan mo ba ako?". pabalang na sagot nito.
"Naku, ewan ko sayu, bahala ka na nga, aalis na ako". paalam nito sa lalaki. at akma na siyang aalis ng pigilan siya nito."Teka, ihahatid na kita, pupunta rin naman ako doon, sumabay kana sa akin." saad ni Denver sa dalaga, "hintayin mo ako, magbibihis lng ako". dagdag pa nito at sinirado na ang pinto. Habang naghihintay sa binata , inayos muna ni Sky ang sarili, pawis na pawis siya kanina sa paglilinis, kaya inamoy niya ang sarili, medyo maasim ang amoy niya, hindi naman siya nakapagdala ng extrang damit, kaya pagtitiisan na lng niya. naglagay siya ng cologne para mabawasan ng kaunti ang amoy niya.
Lumabas na si Denver sa kwarto nito, ang gwapo ng binata sa suot nitong fitted jeans at polo shirt, bago itong ligo, at amoy na amoy ni sky ang after shave cologne nito. Nahiya si Sky sa sarili niya ang bango bango at ang linis ng binata, ngunit siya amoy pawis. "Bahala na nga". sambit ni Sky sa sarili.
Habang sakay na sila sa kotse ng binata, biglang nagutom si Sky. wala pa siyang kain kaya kumalam ang sikmura niya sa tiyan, narinig naman ito ng binata.
"Kumain muna tayo!". anang binata at tumabi sila sa isang fastfood chain. Nahiya naman si Sky sa sarili, "Pahamak na tiyan to ah,". sambit niya sa isip. Pwede naman siyang kumain ng biscuit pagdating niya sa school.
Bumaba na sa kotse ang binata at pinagbuksan siya nito. Nagtaka naman si Sky , "ang gentleman huh?". anang Sky sa binata.
Hindi lamang siya pinansin ng binata at pumasok na ito sa loob at ng order ng pagkain. Kumain na sila ng binata, ang bilis naubos ni Sky ang pagkain niya dahil sa gutom, hindi na siya nahiya sa binata na parang babae kung kumain , ang tagal!!!. Tiningnan lng siya ni Denver, tapos na siyang kumain ng biglang nag burrpp siya."Oppps ,sorry". hinging paumanhin ni sky sa binata.
"ang baduy mo talaga". sagot ng binata habang nagpatuloy sa pagkain.
Nagpaalam naman si sky sa binata para pumunta sa ladies room. Nang makarating siya doon agad niyang pinagalitan ang sarili. "ang bastos mo talaga sky, kanina tumunog ang tiyan mo ngayon ang lakas mo pang nag burp sa harap ni Denver". anang Sky sa sarili. "Ba't naman ako mahihiya sa mukong na iyon?" anang isang tinig sa isip niya. Tumigil na sa kakausap sa sarili niya Sky , para na siyang baliw ,nagsasalita ng mag-isa. Inayus muna niya ang sarili at pagkatapos bumalik na siya sa kinainan nila. Dadatnan niya si Denver doon na hinihintay siya."akala ko na flush kana sa toilet sa tagal mo doon". naiinip na saad nito sa dalaga.
"Lets go". paanyaya nito at lumakad na pabalik sa kotse.Nakarating sila sa Campus ng 7:00 o'clock. nagsimula na ang pageant kaya agad na pumunta doon si Sky, magkasama parin sila ni Denver papasok sa gym kung saan ginanap ang pageant. Ang daming tao sa loob at nag umpisa na ang patimpalak. Hinanap ni Sky si Yssa. nagpaalam na si Sky sa binata upang puntahan ang kaibigan.
"Denver ,thank you pala sa libre". pasasalamat ng dalaga sa binata at nagpaalam nang umalis. Naiwan naman si Denver na mag-isa, sinundan na lamang niya ng tingin ang dalaga, at bigla namang dating ng mga kaibigan nito.
"Hey bro, ano yung nakita namin?kayo na pala ni miss nerdy ngayon?". pagbibiro ni Dylan sa binata.
"Ano bang pinagsasabi niyo?". sagot naman ni Denver sa kaibigan.
"Tayo na nga,doon tayo sa harapan". dagdag pa nito. Lumapit na sila sa harapan ng stage kung saan kitang kita ang mga nag gagandahang mga dilag ."Oy pre mga chicks oh". anang deron sa mga kaibigan.
"Pre mas maganda yang miss CBA". anang Dylan sa kaibigan. ang tinutukoy nito ay si Tiffaney, representative kasi ng CBA ang dalaga.
"Hoy, tumigil ka nga Dylan, andyan si Bernice oh?". turo nito sa dalaga na kasali rin sa pageant , si Bernice ang representative ng College of Arts. "Diba girlfriend mo yan? wag kanang tumingin sa iba". dagdag pa ni Dean sa kaibigan.
"Hanggang kailan ko ba sasabihin sa inyo na hindi kami ni Bernice guys?". paliwanang ni Dylan sa mga kaibigan. Nagtawanan lamang ang mga ito.Natapos na ang pageant at tinanghal na miss. St. Luis si Tiffaney ng College of Business and Accountancy. Tuwang tuwa sina Sky at Yssa. Kahit natalo ang department nila okey lng kasi kaibigan nila si Tiffaney at ayaw nila kay Bernice na representative ng department nila. Agad na lumapit sila sa kaibigan at binati ito.
"Congrats tef, nanalo ka". bati ni Sky sa kaibigan.
"Thank you Sky salamat sa suporta". sagot naman ni Tiffaney sa kaibigan.
"Congrats !!! so manglilibre kana? yeheyyy burger, burger, burger," si Yssa naman.Masayang masaya ito dahil manglilibre ang kaibigan.Natapos na ang event at pauwi na si Sky ,alas 10 na ng gabi, nag-abang siya ng masasakyan, nahirapan siyang sumakay ng jeep kasi kukunti na lng ang bumubyahe kasi gabi na, kaya nagpasya siyang mag taxi na lng para mas mabilis siyang makauwi sa bahay. Pumara na siya ng taxi pero wala siyang makuha dahil halos puno na ang mga iyon. Nang biglang may humintong kotse sa tapat niya, pamilyar sa kanya ang kotseng iyon, at dumungaw naman sa bintana ang may-ari nito, Si Denver.
"Sumakay kana, Ihahatid na kita". sabi nito sa dalaga.
"wag na mag tataxi na lng ako". tangi ng dalaga.
"matagalan kapa bago makasakay sa taxi, gabi na, ihahatid na kita, wag kanang pakipot." sabi nito at pinapasok na siya sa kotse nito. Walang nagawa si Sky kung hindi sumakay na lng doon. Nang marating na nila ang bahay ng Tita niya agad siyang bumaba sa kotse at nagpaalam sa binata."Thank you sa paghatid". pasasalamat ng dalaga sa binata.. Nakapasok na si Sky sa gate nila at saka naman umalis ang binata.
Pumasok na sa loob ng bahay si Sky, hindi na niya ginising ang Tita niya, meron naman siyang susi, kaya pagkapasok sa bahay, uminom muna siya ng tubig. Nagpahinga siya ng kaunti at naligo bago natulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/75323288-288-k360299.jpg)
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Novela JuvenilThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.