Papasok na si Sky sa campus ng biglang tawagin siya ni Yssa , Patakbo itong lumapit sa kanya.
"Sky may balita ako sayu". hinihingal na pahayag nito sa kaibagan.
"Ano ba yun Yssa?. Tanong ni Sky sa kaibigan habang papasok sa Classroom nila.
"Si tifanney sasali sa Ms. Campus this coming Founders day natin, representative siya sa Department nila.". paliwanang nito sa kaibigan.
"Talaga?mabuti naman kung ganun, segurado akong mananalo siya, ang ganda kaya niya at ang talino pa." sagot naman ni Sky sa kaibigan. Umupo na sina Sky at Yssa sa upuan nila nang biglang lumapit si Denver."Sky ,sumunod ka sakin may iuutos ako sayo". anang lalaki. Napatingin ang mga kaklase ni Sky sa kanila, malamang naguguluhan ito dahil sa nakita nila. Sumunod naman si Sky sa binata. at naiwan ang kaibigan niya na tulala.
Habang palabas na sina Denver at sky, nakasunod si sky sa lalaki. "Ano bang i uutos mo? may klase pa ako". Tanong ni Sky sa binata. Huminto sila sa tapat ng classroom ni Denver. Nagtaka si Sky kung bakit sila nandoon, halos mga lalaki ang nandoon.
"Hoy, Denver ano ba ang ginagawa natin dito?". Tanong uli ni Sky sa binata.
Pumasok ang lalaki sa silid at may kinuha ito at binigay sa kanya."Ano to?". Tanong ni Sky sa lalaki.
"Sagutin mo lahat yan, Assignments ko yan, ibigay mo sakin mamaya sa canteen, Dapat tapos na yan bago mag lunch, maliwanag ba?. Paliwanag ni Denver sa dalaga.
Gulat si Sky sa narinig, ang dami kaya nang pinapagawa ng binata sa kanya, 5 subject yun, hindi alam ni sky kung papanu niya ito gagawin, may klase pa siya, "ay bahala na si batman". nasambit niya sa sarili.
"Maliwanag ba Sky?: tanong uli ni Denver sa dalaga dahil hindi nito sinagut ang tanong niya."Oo maliwanag pa sa sikat ng araw master". sagot naman ni sky sa lalaki na walang kangiti-ngiti. Nagagalit siya kasi kung makautos wagas, agad-agad. Pero kasalanan din naman niya, bakit kasi siya pumayag. Pero kung hindi nman siya papayag papaano nang scholarship niya?.
"Good". nakangiting sagot naman ng binata. "Now you can go". pagtataboy ng binata sa dalaga. Nakasimangot na nilisan ni Sky ang silid ng Binata.
Bumalik na si Sky sa Classroom nila, at mabuti't hindi pa dumating ang teacher nila, kaya hindi siya na late.
"Hoy Sky? ano yun,kanina huh?bakit inutusan ka ni Denver ?anong meron sa inyo?" mahabang tanong ni Yssa sa Kaibigan habang kumakain ng Mamon. Mahilig kumain ang kaibigan niya ,ang aga pa lng kumakain na ito, ang paliwanag naman ng kaibigan niya, gutom ito at hindi nito ini spoil ang gutom nito.
"Mamaya ko na ipaliliwanag sayu okey? ubusin mo muna nga yang pagkain mo?". sagot ni Sky sa kaibigan. Narinig pa ni Sky ang mga bulung-bulungan ng mga kaklase niya. ang sama kung makatingin sa kanya. Hindi na lamang ito pinansin ni Sky at dumating na ang guro nila.
Pagkatapos ng klase ni Sky agad silang nagtungo ng kaibigan niyang si Yssa sa Library, doon niya planong gawin ang asssignments ni Denver. Pinaliwanag din niya sa kaibigan ang nagyari kung bakit naging utusan siya ng binata.
"Ang sama naman pala ng Denver na iyan Friend eh". saad ni Yssa sa kaibigan. "Gusto mo bugbugin ko,para sayu?', dagdag pa nito.
"Tumigil ka nga Yssa", natatawang saway ni Sky sa kaibigan dahil sa huling sinabi nito. "segurado akong ikaw ang mabugbug pag nilabanan mo siya, lima kaya silang lalaban sayu kung magkataon".sagot naman ni Sky sa kaibigan.
"Eh bakit kaba kasi pumayag na maging slave niya for 5 months? nako 5 months yun friend ,ang tagal pa nun". anang Yssa sa kaibigan.
"I have nothing to do Yssa, para to sa scholarship ko, hindi naman ako papayag na mawala yun ,at saka 5 months lng naman, kaya ko to okey?". sagot ni Sky sa kaibigan.
"Bahala ka, basta kung sasaktan ka nang mokong na yun magsabi ka lng sa akin".
"Bakit?anong gagawin mo Yssa? haha sampalin mo sila ng taba?, hehehe joke,' pagbibiro ni sky sa kaibigan.
"Oo friend ,lulunurin ko sila ng taba ko". natatawa namang pahayag ni Yssa. Nagtawanan na lng ang dalawa dahil sa sinabi nito.
Papunta na si Sky sa canteen upang ibagay ang assignment ni Denver dito. Doon kasi sinabi ng binata na doon sila magkikita. Papalapit pa lamang si Sky sa table nito, nagtitinginan na ang mga tao doon, kompleto ang barkada nito na nandoon.
"Oh , ito ng assignments mo". anang Sky sa binata.
"Lahat ba nasagot mo?". tanong nito tsaka kinuha ang assignments nito.
"Oo lahat yan, sinagutan ko na". sagot naman ni Sky sa binata. Akmang aalis na si Sky nang pigilan siya ng binata.
"Saan ka pupunta?". tanong nito.
"Diba natapos ko na ang pinagagawa mo? kaya aalis na ako". sagot ni Sky.
"Hindi kapa tapos, E order me kami ng pagkain". utos nito. Kumuha ito ng pera at binigay sa dalaga.
"Fries at burger sakin, atsaka soda". utos ni Denver. At sumunod din nagbilin ang mga kaibigan nito. Umorder na si Sky ng pagkain."wow pre utusan mo napala si miss nerdy ngayon".tanong ni dylan sa kaibigan.
"diba sabi ko gaganti ako sa babaeng yan?kaya ito na". nakangiti nitong sagot. "may libreng maid na ako ngayon". pagyayabang pa nito sa mga kaibigan."iba ka talaga tol". saad naman ni Dean. habang ini-inum ang drinks nito.
Dumating na si Sky dala ang mga order nito. inilapag niya ito sa mesa.
"Oh yan ng order niyo, may iuutos kapa? kasi may gagawin pa akong iba". pagalit na saad ni Sky.
"Umupo ka dito at sabayan mo kaming kumain". sagot ni denver sa dalaga. Hinila nito ang isang bakanteng upuan at pina upo si Sky doon. Nagulat naman si Sky sa ginawa ng lalaki. Pati ang mga kaibigan ni Denver nagulat din sa ginawa ng binata."Ano to denver? sasabay na pala ng pagkain ang alalay sa master nito?". paasik na tanong ni Sky sa binata. Hindi niya kasi gusto na makasama ito sa pagkain.
"Tumigil kana sa kakatanong Sky, kumain ka na lng".ang tanging sagot ng binata.
Nakatingin lahat ang mga studyanteng nandoon sa pwesto nila. May naririnig pa siyang mga bulong bulungan na baka kinulam niya si Denver kaya naging malapit siya sa binata, at may nagsasabi namang pangit siya at hindi sila bagay. Kung alam lng nila na hindi rin gusto ni Sky ang lumapit sa hambog na si Denver at maging utusan nito.Bigla namang dating ng isang matangkad at magandang dalaga, lumapit ito sa kanila.
"Ate what are you doing here?'tanong ni Denver sa babae.
" Im here to check on you,". sagot ng ate nito. Bumaling sa kanya ang babae. "You must be Sky,right?". tanong ng babae sa kanya.
"Uhm yes po," ,nahihiyang sagot ni Sky sa babae. Bagtataka si sky kung bakit kilala siya ng babae.
"Im Clarisse, Denver's sister". pagpapakilala nito sa kanya .
"Nice meeting you po," sagot naman ni Sky. Ate pala ni Denver ang babae, sa tingin niya mabait ito hindi katulad ni Denver na masama ang ugali.
"Hindi kaba ginugulo nitong kapatid ko Sky?" tanong agad ng babae sa kanya.
sasabihin sana ni Sky na Oo ginugulo siya ni Denver, ngunit nakatingin sa kanya si Denver at para bang sinasabi ng mga mata nito na , lagot ka sakin pag sinabi mo ang totoo.
"Okey lang naman po, sakatunayan nga ang bait ni Denver sa akin". sagot ni Sky na nakatingin sa lalaki. Nagliwanag ang mukha nito sa narinig.
"Mabuti naman pala kung ganun, okey mauna na ako sa inyo, sinadya ko talagang daanan ka dito denver para e check kung may gagawin ka na namang hindi mabuti". paalam ng ate ni Denver. "Sky magsabi ka lng sakin kung may hindi magandang gawin sayu ang kapatid ko, okey?". baling nito kay sky at umalis na. Ang bait ng kapatid ni Denver, at kaya pala pinakain siya ni denver kasama nito dahil nakita nito ang kapatid na papunta sa kanila. Wais talaga ang mokong". sa isip ni Sky.
"Sige pwede kanang umalis". anang Denver kai Sky. Tama nga ang hinala ni Sky, nagpapanggap lng itong mabait dahil sa ate nito. akala pa naman niya nagbago na, hindi nman pala. At Mabilis na umalis si Sky sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)
Teen FictionThe love story of a Rich guy Denver Castillo and the poor girl Sky Sebastian. Their story started when Sky got a scholarship from the famous School where Denver is currently enrolled.