Chapter 14

25 1 0
                                    

Papasok na sa classroom nila si Sky, nakita niya si Yssa at Tiffaney, nilapitan niya ito.

    "Hi Yssa, tiffaney". bati niya sa kaibigan, ngunit hindi siya pinansin nito.
    "Guys sorry na please". hinging paumanhin ulit ni Sky sa dalawa ngunit inirapan lng siya ni Tiffaney, Magsasalita sana si Yssa ngunit pinigil ito ni Tiffaney. Galit talaga ang kaibigan niya sa kanya. Umupo na lang si Sky sa upuan niya. Natapos na ang buong klase at hindi pa rin kinakausap si sky ng mga kaibigan niya, kaya sumuko na siya dito, ayaw na niyang ipagpilitan ang sarili niya kung ayaw na nito sa kanya. Mas mabuti na siguro na mag isa na lng siya. Pagkatapos ng klase nagtungo si Sky sa Library doon na lng siya tatambay.

Pagdating ni Sky sa Library nakita niya si Aaron, nilapitan niya ito.

   "Hi". bati niya sa binata.
   "Oh, sky nandito ka pala, halika ka umupo ka". anang lalaki at tumabi naman siya sa binata. Para ng kuya niya ang turing dito, ahead kasi niya ito ng 3 taon.
   "Bakit ka mag isa? asan yung mga kaibigan mo?". tanong nito sa kanya.
    "Hindi ko na sila kaibigan ngayon, ayaw na nila sa akin". sagot niya sa binata. Sinabi niya ang nagyari dito.
   "Ganun ba? nakakalungkot naman ang nangyari sa inyo". sagot ng lalaki sa kanya.
   "Wala na tayong magagawa nangyari na! tanggap ko naman na kasalanan ko talaga". malungkot na saad ni Sky. Nag kwentuhan pa sila ni aaron at mayamaya ay nag paalam na ito sa kanya. Pinagpatuloy naman ni Sky ang pagbabasa. nang mainip siya lumabas siya sa Library. Nagtungo siya sa likod ng isang building, tahimik doon kaya napag pasyahan niyang doon muna siya habang wala pa ang susunod niyang klase. Habang nagmumuni muni siya may biglang dumating, nagulat siya.

   "ay palaka". nasambit niya dahil sa pagkagulat. Si Dylan pala ang dumating.
   "asan ang palaka?". tanong naman nito.
   "Ikaw ang palaka, nakakagulat ka naman,bakit kaba nandito?'. tanong niya sa binata habang umupo pabalik sa inuupuan niya kanina. Malungkot siya kaya ayaw niyang makipag inisan sa binata na dati pa mainit ang dugo niya dahil THE KINGS ito.

    "Tambayan ko kaya ito,", sagot nito. "Dito ako kapag malungkot ako, tahimik kasi". anang lalaki tapos tumabi ng upo sa kanya. "Uhm may soft side naman pala ang lalaking ito". anag sky sa sarili.

    "Marunong kabang malungkot? para namang hindi". saad ni Sky.
Tumawa ito, ibang iba ito sa alam niyang ugali dito. hindi siya binu bully nito ngayon.\

  "lahat ng tao nalulungkot, ano namang palagay mo sa akin? abnormal?". tanong nito sa kanya.
   "Abnormal naman talaga kayong mga The kings eh". sagot niya sa binata.
   "Hindi naman sa lahat ng oras". sagot nito. may inabot ito sa kanyang sandwich.
   "oh kainin mo, mukha ka kasing gutom". sabay bigay sa kanya ng pagkain.
    "Bakit mo ba ako binibigyan nito?" tanong niya sa binata. Nagtataka siya dito, hindi siya sanay na mabait ito.
    "wala lang, nalaman ko kasi ang nagyari sa inyo ng kaibigan ,mong si Tiffaney." sagot nito. Nahalata ni Sky na may problema ang binata, pagkasabi pa lng ng pangalan ng kaibigan niyang si Tiffaney ay biglang nalungkot ito.

wala sa isip na tinanong ni Sky ang binata. "Gusto mo rin ba si Tiffaney?".
Nagulat ang binata sa sinabi niya ngunit agad namang nawala iyon, bahagya itong ngumiti.

   "Sabi ko na nga ba, may gusto ka rin sa kanya! diba gusto rin ni Denver si Tiffaney?". tanong niya dito.
   "Oo alam ko, kaya nga hindi pwede diba? ayoko namang maging karibal si Denver, bestfriend ko yun". malungkot na sagot nito. Malaki naman talaga ang problema nito.

   "Nasabi minsan sa akin ni Tiffaney na hindi niya gusto si Denver". anang Sky at hindi niya sinabi na siya ang gusto ng dalaga.

    "Nagsisinungaling lang siya". sagot nito.
   "Bakit mo naman nasabi yan?'. tanong naman ni Sky dito.
   "Kasi narinig ko sila noong isang araw na kausap niya si Yssa yung kaibigan niyong mataba.". saad ni Dylan. Sinabi ni Dylan ang lahat ng narinig nito na pinag usapan nila Tiffaney at Yssa. Kaya nalaman ni Sky kung bakit galit na galit sa kanya si Tiffaney, may gusto rin pala ito kay Denver.

MY 150 DAYS SLAVE (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon