Jackie's P.O.V
"Jeoff?!" Gulat na gulat kong sabi. Ano na naman kayang kakengkoyan ginawa neto?
Nakita kong tumayo siya at nagpagpag ng pwetan.
"Let me explain guys." Sabi niya.
"Pumasok kaya muna tayo sa loob at dun na mag usap usap?" Pag aaya ko. Tiningnan naman nila kong dalawa.
"What?" Pagtataka ko.
"Pumasok na tayo, masyado ng malamok dito sa loob." Pagyaya ni Cye.
"Why are you out there hiding like a kid?" Pagtatanong ko nung nakapasok na kami sa loob.
"Dahil gusto kitang makausap Jack." Haaay. Inatake na naman ata to ng kakulitan.
"Hindi ba pre sinabi ko na sayo na bukas na muna tayo mag usap dahil mag uusap kami ngayon ni Cye?" Bagot kong sabi na pataas taas pa ng dalawang kamay.
"This is urgent Jack. I need something to tell you." Alam mo yung feeling na gulong gulo ka na talaga?
Ano ba namang klaseng araw to?
"What do you wanna tell her Jeoff? Your lies?" Nagulat ako sa sinabi ni Cye. Ano naman ibig niyang sabihin dun?
"Lie? What lie?" Pagtataka ko habang papalit palit ng tingin sakanilang dalawa.
"Pwede ba Cye? Wag mo nga akong pangunahan? Kaya nga gusto kong kausapin si Jack para mas maintindihan niya. Problema kasi sayo masyado kang nagmamagaling." Halatang naiinis si Jeoff habang binibigkas ang mga words na yun.
"At ako pa ang nagmamagaling ngayon ha? Ang sabihin mo, ayaw mo lang na malaman ni Jack ang totoo." Sagot naman ni Cye.
Alam mo yung hindi ka makasingit dahil dadak sila ng dadak.
Sa inis ko dahil nakakarinde yung sigawan nila. Sumigaw ako ng napakalas.
"Tama naaaaaa!" Natahimik naman silang dalawa at bakas sa mga mukha nila ang gulat.
"Ano ba kayo? Para kayong mga batang nagsasagutan. Hindi ba pwedeng mag usap ng masinsinan? Kaya nga andito tayong tatlo ngayon sa bahay na to para mapag usapan ang dapat pag usapan eh." Asar kong sabi.
"Isang sigawan pa at pag sasapakin ko na yang mga pagmumukha niyo." Dugtong ko pa.
Natahimik naman silang dalawa.
"Sino mauunang magsalita?" Pagtatanong ko.
Feel na feel ko ang pagiging siga. Hahaha :D
"Jack may kailangan ka kasing malaman." Pagsisimula ni Jeoff.
"Yung sa relasyon niyo ni Eunice. Sana wag kang mabibigla at wag kang magagalit." Napaisip naman ako kung ano ba talagang meron sa relasyon naming dalawa at bakit nagkakaganyan sila.
I really have no idea. Sabi ko sa isip ko.
"Ano ba kasi talagang meron samin ni Eunice? Bukod sa sinabe ni Cye na magpinsan sila at di naman pala talaga pumapatol sa isang tulad ko si Eunice. Ano pang dapat kong malaman?" Pagtataka ko.
"Ang totoo kasi Jack, awang awa nako sayo. Lagi ka nalang umiiyak. Gusto mong makawala sa problema mo. Hindi ko na alam ang gagawin dahil diko kayang alisin yang sakit na nararamdaman mo." Huminto siya at nagbuntong hininga.
"Bilang bestfriend mo, may naisip ako na alam kong magpapasaya sayo." Tumingin siya sakin at itinaas ko lang ang kaliwang kilay ko.
"Nung araw na sinabi ko sayong pumunta ka ng bar, kinausap ko si Eunice. Ang totoo kaibigan ko kasi siya. Nakiusap ako sakanya na lapitan ka niya sa bar at kung maaari ay gumawa siya ng paraan para mahulog ka sakanya." Bigla akong nakaramdam ng sakit. Mas masakit pa sa sinabe ni Cyrus na hindi ako kayang patulan ni Eunice.
BINABASA MO ANG
One of the Boys [On-Hold]
SonstigesAct like a Man infront of your Parents. Act like a Woman infront of your Love. This story is still (On Going)