Chapter Six :

154 5 0
                                    

"Overnight Swimming daw mamaya. Sama ka?" nasa kwarto  kami ni Cyrus, naglalaro kami  ng NBA sa XBOX.

"Oh? Sige ba. Anong oras?"

"Mayang 2pm. Dun magkikita kita sa labas ng school. Sa Laguna daw tayo."

"Wow really? Hmm, dalhin ko pa ba kotse ko?"

"Wag na, dun ka na sumakay sa kotse ko."

"Osige me-- Boom! 3pts! Panes! Hahaha" lamang na kase ako sakanya ng 13pts.

"Oh wala ka pala eh." sabi niya nung nablock niya ko.

"Hahaha. Utut mu. Lamang na nga ako sayo eh." pagmamalaki ko. Natapos din laro namin, panalo ako sakanya. Ayun, nalibre lang naman ako ng Jolly Hotdog and Fries. :D

"Uwi ka na kaya men?" sabi ko sakanya habang kumakain ng fries.

"Bakit naman?"

"Magkikita kita pa tayo mayang 2pm eh. 12:30 na kaya."

"Sabay na tayo lumabas. Ayusin mo na mga gamit jan tapos samahan moko sa bahay, kunin ko mga gamit ko then sabay na tayo punta sa school. Sa kotse ko naman ka sasakay diba?"

"Oo. Sige sige wait lang, ubusin ko lang tong pagkain." Dahil sa katakawan  ko, pinagsabay sabay kong kainin yung jolly hotdog tsaka fries. Ayun, muntik pakong masuka, katangahan kase eh -____-

"Ano ba yan. Kadiri." wow ha? Arte neto. Wala naman akong sinuka eh.

"Ang arte  dre ha? sukahan kita jan eh."

"Subukan mo lang. Hahaha. Uminom ka na nga tapos ayusin mo na gamit mo, mag aayos din ako."

"Oo na eto na." Inubos ko yung softdrinks, inayos yung kalat. Imbes na ako maghahanap ng susuotin ko. Siya yung namili, hinalungkat niya lang naman yung damitan ko. Yung totoo KOYA? Ikaw may ari? -_____-

"Oh eto suotin mo." Hinagis niya sakin yung bra ko na pwedeng pang swimming.

"Eto lang?" pinakita ko pa sakanya.

"Oo. Bakit? Kami nga magbibrief lang eh. Hahaha"

"Grabe naman! Hahaha osige na." nilagay ko na yung bra sa bag ko.

"Oh eto naman yung partner niyan." hinagis niya naman sakin yung manipis kong short. Yayayaya. May damit nakong pambabae dahil sa asungot na to -____- Eh kasi naman, sa tuwing pumupunta siya dito sa bahay, may dala siyang damit na pambabae. Suotin ko daw yun dahil galing daw sakanya. Psh. Infairness, trying hard siya. Hahaha. Gusto din akong gawing babae, as if naman mangyare yun. :D

May hinagis pa siyang sando sakin at shorts. Ako naman tong si masunurin, lagay lang ng lagay ng mga hinahagis niyang damit sakin.

"Baba lang ako, kuha lang ako ng pagkain sa ref." sabi ko.

"Sige dre." bumaba nako dala yung isa ko pang bag. Kumuha ako ng biscuits, junk foods, juice at chocolates sa ref. Umakyat naman agad ako sa kwarto.

"Ready nako men. Let's go?" pagyaya ko.

"Osige tara. Haha" binitbit niya yung isa kong bag na puro damit ang laman. Yung bag  naman na puro pagkain yung laman nasa saken.

"Okaaay." Nakipag unahan pako sakanya bumaba ng hagdan. Ayun, muntik lang naman akong matisod. Buti nalang nasa likod ko siya, nahawakan niya agad kamay ko.

"Bilis ah? Hahaha" pagbibiro ko.

"Yaaan. Makipag unahan ka pa sakin. Kung wala ako sa likod mo baka nasubsob ka na."

"Oo na po. Anyway, salamat dre." sabay na kaming bumaba.

"Mauna ka na men, paalam lang ako kay manang." sabi ko.

One of the Boys [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon